20

526 12 3
                                    

"Yes, Tito. Thank you so much, I owe you this.. Yes, Tito, napag-usapan na rin namin ito ni Hex. And about the reports and other things to do, just ask and approach my secretary. I already talked to her too."

Sumandal si Gabriel sa sandalan ng kinauupuan niya habang nakatapat pa rin ang telepono sa kanyang tainga at pagtuloy na nakikipag-usap sa tiyuhin niyang nasa kabilang linya. Bahagya namang nilaro-laro ni Gabriel ang hawak niyang lapis na nasa mesang nakatapat niya.

Kahapon nang simulang asikasuhin ni Gabriel ang kanyang mga responsibilidad. Maliban sa kanyang asawa, ay ang kanyang trabahong pansamantala niya munang iiwan at ipapasa sa kanyang pinsan na kasosyo niya. Lahat, tinrabaho niya upang maipasa sa pinsan niya ang mga bagay-bagay na hawak niya nang maiintindihan nito at walang maging problema. Wala naman talagang problema dahil tulad niya ay alam niyang matalino at mahusay ang kanyang pinsan.

At ginawa niya ito hindi lang para sa isang linggo, dalawa o pang-isang buwan. Dahil sa totoo lang, hindi niya alam. Subalit wala siyang pag-aalinlangan sa desisyon niyang ito. Dahil bakit? Mas kailangan siya ni Alyssandra. At gaya ng sabi niya sa asawa niya, kaya niyang iwan ang kahit ano para rito. Kaya na ni Gabriel.

Bukod sa trabahong papeles, inasikaso na rin ni Gabriel ang mga papeles na kakailanganin nilang dalawa ni Alyssandra bago sila lumisan ng bansa bukas. Oo, bukas na nga ang kanilang alis patungong Amerika upang doon ipasuri si Alyssandra tungkol sa kalagayan nito. Dalawang linggo ang pananatili nila roon at ipinagdarasal niya na pagkatapos ng mga linggo na iyon ay magiging maayos na ang lahat. Sana nga.

"I hope everything will be fine after the operation, Gabriel. I'll pray for your wife." Nag-iba bigla ang paksa ng kanyang tiyuhin.

Kung noon na sa tuwing naririnig niya ang katagang iyan, ang para bang pagbibigay ng dasal para sa isang tao, akala niya ay ganoon lamang kababaw. Inisip niya noon na maliit naman ang tsansa kung ibang tao pa ang magdarasal para sa'yo. Pero sa nararamdaman niya ngayon, wala na ang kaisipan na iyon. Dahil oo, kailangan niya, kailangan niya ng dasal mula sa iba. At ang katagang narinig niya ay nakapagpaginhawa ng kanyang pakiramdam. Isa ring pag-asa.

"Thank you very much, Tito." Sambit ni Gabriel at ilang saglit ay nagpaalam na silang mag-tiyuhin sa isa't isa.

Nang maibaba na ni Gabriel ang tawag ay bahagya siyang napaisip nang malalim. Iniisip niya kung ano pa ang mga bagay na kailangan niya pang gawin, ngunit naisip din niya na mukhang wala na. Wala na bukod sa paglisan nila ni Alyssandra bukas. Naayos na rin niya ang kanilang mga gamit na mag-asawa. At kung tungkol naman sa kanyang mga anak na naiwan ay naasikaso na rin niya kung sino muna ang mga taong pansamantalang makakasama ng mga ito.

Ilang sandali pa ay tumayo na si Gabriel upang magtungo kung saan niya iniwan si Alyssandra, sa silid ng kanilang mga anak. Nang buksan niya ang pinto, bumungad sa kanya ang kanyang mag-iina na nagtatawanan. Nakaupo ang mga ito sa sahig, nagkukumpulan. Bulag man si Alyssandra ay nasa kandungan pa rin niya ang kanyang bunso.

Bukod sa asawa't mga anak ni Gabriel, naririto rin ang babaeng nag-aalaga sa kanyang bunso at ang batang si Joanna na kalaro ng kanyang mga anak. Hinayaan niya naman ang mga ito, bukod sa siya na wala sa trabaho ngayong araw ng Martes, ganoon din ang mga anak niya. Pinayagan niyang lumiban ang dalawang anak niya na siyang nag-aaral sa mga hiling na ito na huwag nang pumasok sa araw na ito. Bukas na ang alis nilang dalawa ni Alyssandra, at maski si Alyssandra ay gusto ang ideyang ilaan ang natitirang mga araw at oras sa kanyang mga anak bago sila umalis ng bansa.

Nang sumapit ang alas 9 ay lumapit si Dolores sa kanya upang ipaalam na magsisimula na itong maghanda ng kanilang tanghalian. Sinabihan ni Gabriel ang ginang na sasamahan niya na ito sa paghahanda. Plano ni Gabriel na magkaroon ng simpleng salo-salo ang kanyang pamilya ngayong araw. Kumpara sa mga pagsasalo-salo sa tanghalian ay iba itong ngayon. Dahil sa labas sila kakain. Literal na labas ng kanilang bahay, dito sa kanilang malawak na bakuran.

Lost MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon