"So this is the good news I've been wanting to hear from you, Gab! Tapos ganyan pa 'yong ngiti mo?" Tila manghang-mangha pang wika ng kaibigan ni Gabriel sa kanya. "So the conclusion is okay na kayo ni Alyssandra? Nagsisimula na ulit kayo?"
"I guess so." Nakangiting sagot ni Gabriel.
Hindi na natanggal ang ngiti ni Gabriel simula pa nang simulan niya ang araw na ito. Simula nang buksan niya ang mga mata niya't ang asawa niyang nakayakap sa kanya ang bumungad sa kanyang umaga.
Kinuwento ni Gabriel ang tungkol sa nararamdaman niyang pagiging malapit na lalo ng loob ni Alyssandra sa kanya sa kanyang kaibigan. Kanina pa siya sabi nang sabi na mukhang bumabalik na sa dati si Alyssandra. 'Yung dating asawa niya. Naguguluhan ang kaibigan niya kung ano ang ibig sabihin niya. Hindi niya rin masabi ang eksaktong mga kataga ng pakiramdam niya. Malamang ay ayun na nga, mahirap maitugma ang nararamdaman niyang kasiyahan sa mga salita. Sapat na sigurong nararamdaman niya.
"Napagkwentuhan lang natin kung nag-ano na ba ulit kayo, mukhang in-ano mo na ulit agad, Gab! Ayun ba 'yon?!" Nakakaloko pang komento ng kaibigan niyang oras ng trabaho ay naririto upang makipagkwentuhan sa kanya. Na dapat ay pagtatrabaho rin ang inaatupag niya ngunit heto siya't nagsimula ng kwentuhan.
Iba ang dating ng araw na ito para sa kanya. Hindi, mali pala. Kundi kagabi pa, kagabi pa nagtatatalon sa tuwa ang puso niya. Simula noong sinundan siya ni Alyssandra sa hardin at nahuli siya nitong nagsisigarilyo. Simula noong maramdaman niya ang Alyssandra na siyang talagang Alyssandra na matagal niya nang kilala at kasama. Kung paano ito mag-alala, mababaw man pero malalim na rason para sa kanya upang maging masaya siya ngayon.
Malapit na talaga, naisip niya. Mukhang ito na ang sinyales, malapit nang magbalik sa kanya ang kanyang asawa. 'Yung mga alaala ni Alyssandra at 'yong pagmamahal nito sa kanya. Alam niyang malapit niya nang muli maramdaman nang buo ang asawa niya. At nagkaroon ngayon ng rason si Gabriel para ituloy ang plano niyang paibigin muli si Alyssandra.
"May tanong ako, ano'ng una ninyong ginawa ngayong umaga?"
Bumalik ang tingin ni Gabriel sa kanyang kaibigan at sa paraan ng pagngiti nito ay halos ibato niya ang mga papeles na nasa kanyang mesa ngayon.
"Umalis ka na, tapos na ang kwentuhan, Vlad." Nang-uutos nang sabi ni Gabriel na ikinatawa ng kanyang kaibigan, nagpipigil siyang matawa rin.
Kailangan niya pa bang sagutin ang tanong na iyon? Ang unang ginawa nila ni Alyssandra ngayong umaga? Ano nga ba? Napangiti siya sa naisip niya. Basta ang alam niya, siya ang naunang nagising at mahimbing pa rin na natutulog si Alyssandra sa tabi niya habang nakasiksik at nakayakap ito sa kanya. Tinitigan niya si Alyssandra hanggang sa unti-unti na rin itong nagising.
Inaasahan niyang lalayo sa kanya si Alyssandra, na maaaring mailang ito sa kanya pero hindi. Tipid man ngumiti sa kanya subalit hindi ito lumayo sa kanya. Mangyayari nga sana ang iniisip ng kaibigan niya kung walang kumatok sa kanilang pinto, ang pangalawang anak nila.
"Wala ka na ba talaga ikukwento?" Pahabol na tanong pa ng kaibigan at umiling siya.
"Get out, Vladimir."
"Thank you, ah! Ikaw kaya ang nang-istorbo sa akin!"
Natawa na lamang siya at ilang sandali ay tuluyan nang umalis ang kaibigan niya. Hindi pa rin nawala ang ngiti sa kanyang mga labi. Tumingala siya at dito itinuloy ang masayang bagay na iniisip niya.
Araw ng Sabado, may trabaho pa rin para kay Gabriel. Nandito siya ngayon sa gusali ng kanyang kumpanya. Kailan ba siya nawawalan ng trabaho? Hindi sapat ang pitong araw sa isang linggo kung tutuusin. Kung nitong mga nakaraang araw ay subsob siya, tambak pa rin ng trabaho ngayon ngunit kahit doblehin pa ang trabaho niya ngayon ay kaya niyang tapusin.
BINABASA MO ANG
Lost Memories
Short StoryGabriel and Alyssandra are living a life filled with happiness and contentment. They got married at a young age and started fulfilling the dream they have always been dreaming together-a family with a strong foundation. But as their family grows, Ga...