08

550 22 0
                                    

"Galingan mo mamaya, baby." Sabi ni Alyssandra sa kanyang nag-iisang babaeng anak habang hawak-kamay na naglalakad na silang dalawa pababa ng hagdan.

Tumingala ang bata sa kanya at lumawak ang ngiti nito. "I'll do my best, Mommy.. Kasi magwa-watch kayo ni Daddy sa akin." Masayang wika nito sa kanya na ikinalawak din ng kanyang ngiti.

Nakasuot na ang bata ng isang bistidang puti para sa kaganapan na mayroon sa eslwelahan nito. Maaliwalas tignan ang bata, parang isang anghel, na siya ngang gaganapin nito, isa itong anghel.

Mula sa kanilang pagbaba ay tanaw nilang mag-ina si Gabriel na naghihintay, buhat niya pangatlong anak na magiliw na nilalaro ito habang hinihintay ang mag-ina niya. Nang mapukaw na ang tingin niya sa mag-ina niyang pababa na ay tinawag niya na ang kasambahay, at ibinilin ang panghuling anak niya na siya namang hindi makakasama.

"Hindi ba talaga natin isasama si Sandro?" May kahilingan sa tono ni Alyssandra sa pagtatanong niya sa kanyang asawa.

"Kahit gusto ko, Mahal, mabuting huwag na lang.. Dahil kay Augustus pa lang, mahihirapan na tayo." Pagtukoy niya sa dalawang taong gulang nilang anak na malamang ay umiiyak na ngayon kung hindi nila balak isama.

Maiiwan ang bunso sa kasambahay, dito sa bahay. Kahit gustuhin din ni Alyssandra na isama na lang ito, naisip din niya, mahirap. Dahil sabi sa kanya ni Gabriel ay iyakin ito kung maingay ang naririnig. At malabong maging payapa ang bata dahil maraming tao ang haharapin niya mamaya.

Isa sa pinoproblema niya, maraming tao siyang makikita mamaya. At ewan ba niya, para siyang kinakabahan at natatakot na hindi niya malaman kung sa anong dahilan.

Napansin ni Gabriel ang lalim ng pag-iisip ni Alyssandra kaya hinawakan niya ang kaliwang kamay nito. Napatingin sa kanya ang asawa.

"Are you okay?"

Tumango si Alyssandra. "Yeah.. Okay lang ako." Sagot niya.

Bahagyang napatitig si Alyssandra sa hitsura ngayon ng kanyang asawa. Ewan ba niya, pero may iba sa hitsura ni Gabriel ngayon. Kung sa unang araw na nakita at nakasama niya ito ay namangha siya sa kagwapuhan ni Gabriel, mas lalo ngayon sa suot nitong antipara at sa ayos ng buhok nito ngayon.

At sa hindi niya alam, kanina pa naman siya napuri ni Gabriel sa kagandahan na mayroon siya. Sa kagandahan kailanma'y hindi nawala para makita ng lahat.

Nakababa na rin ang kanilang panganay, nakasuot din naman ito nang pormal. Walang pasok ang mga anak nila ngayong araw ng Biyernes at tanging ang pagpapakita ng talento ng batang si Gabriela ang kanilang pupuntahan sa eskwelahan sa araw na ito. At plano ni Gabriel na pagkatapos ng magaganap ay kumain sila sa labas, kasama ang kanyang mag-iina. Isa sa mga bagay na ngayon na lang niya mararanasan.

Bukod sa naranasan niyang mahalin at sambahin ang kanyang asawa na hindi niya nagawa sa limang buwan na hindi niya ito kasama. Kahit alam niyang wala pa itong alaala, ramdam niya na unti-unti nang bumabalik sa kanya si Alyssandra.

Hindi niya maikaila ang naramdaman niyang saya sa gabing iyon, at sa isang sumunod pang gabi na naulit. Masaya si Gabriel, ramdam niya ang pagpapabaya sa kanya Alyssandra upang makilala siya, at maalala. Alam niya.

At gagawin niya iyon, gagawin niya ang lahat upang makilala at maalala siyang muli ng kanyang asawa. Kaya iniisip niya ngayon kung lilisan muna si Gabriel sa trabaho upang magkaroon ng pokus na si Alyssandra muna ang kanyang bigyan nang buong atensyon.

Nakarating sila sa eskwelahan. Pagkababa pa lamang ni Alyssandra mula sa sasakyan ay nakaramdam siya ng kaba at takot na 'di niya maintindihan nang nakikita niya ngayon ang maraming tao na nagsisidaanan at nakikita niya sa kanyang kinatatayuan. Napansin iyon ni Gabriel kaya hinawakan niya ito sa beywang.

Lost MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon