Chapter 24

2.2K 78 27
                                    

Chapter 24
Darkness

"Nako ka talagang bata ka kung saan saan ka nagsisinuot!"

Sabi ng babae at saka binuhat mula kay Payton ang batang babae na kanina ay nagpakarga sa kaniya.

Tahimik ko naman silang pinapanood habang tinutulungan ni Pay ang babae sa pagpapalit ng damit ng bata. I can't help but feel so betrayed seeing them together. Hindi ko naman magawang umalis dahil baka maling akala lang ako.

I looked away immediately when Payton glanced at me.

"Tsk! Baka naman masyado kang nalibang sa pagsi-site seeing."

Ngumiwi si Payton na kanina pa pasulyap-sulyap sa akin.

Nanatili sa labas ng cottage sila Elle habang ako naman ay akward na nakaupo rito sa isang tabi habang pinapanood ang asawa ko na kasama ang anak at ang babaeng naanakan niya.

"Huwag kang mag-alala at responsible akong ina!" umirap iyong babae na naka swimsuit at napakaganda. Hindi ko lalong maiwasang manliit.

Kaya siguro siya nagkagusto sa babaeng ito at inanakan pa.

"Ingay n'yo, the fuck?" biglang pasok naman ni Horiah sa loob ng cottage habang may dalang bote ng alak.

"Kuya, your mouth nga! So dirty talaga!"

Nangunot ang noo ko nang sigawan noong babae si Horiah. Ayon sa kwento ni Payton nang makapagsolo kami kanina ng saglit ay panganay nilang kapatid si Horiah. Pumapangalawa si Anzel tapos ay siya. Babae raw ang... bunso...

"Come to Papa Horiah, Rica!" pumalakpak pa si Horiah ng dalawang beses at mabilis namang sumama sa kaniya ang bata.

"Papa... Hor! Papa Hor!" tuwang tuwa na sabi ng bata.

"Whore nga iyan, anak!" tumatawang sabi ng babae kaya nakatanggap siya ng batok sa dalawang lalake.

"Ouchie!"

"Ipinagdala mo ba ng vitamins 'yang anak mo, Stout?" biglang pasok din ni Anzel sa loob. May dala itong mansanas at ibinigay kay America.

"Dada An... zel..." tawag ng bata kay Anzel. Mas nagtaka ako dahil doon.

Bakit ganoon ang tawag n'ya sa tatlo? Kanina ko pa iniisip iyon.

"Gutom ka na? Let's have some food outside?" bulong sa akin ni Payton nang makalapit siya.

Tahimik ko naman siyang pinapanood sa bawat kilos niya habang kinukuha niya ang panibago niyang damit sa bag na dala niya. He looks so cool while I'm so confused. Wala yata siyang balak na sabihin sa akin ang nangyayare. Bakit may bata? Kaninong anak iyon?

"Let's eat," bulong niya ulit at hinalikan pa ako sa pisnge. Nagulat ako roon pero hindi ako nagpahalata dahil naiinis ako sa nangyayare ngayon. Gusto kong maiyak. Masyado akong nangangamba.

Nanatili akong tahimik hanggang sa makarating na kami sa labas.

Nakahain na ang mga pagkain sa long table. Naroon na rin sila Shanne at naghahanda na ng mga plato. Si Payton naman ay pinaupo na ako at saka siya tumulong sa paghahanda.

Nanginginig na ang labi ko dahil sa pagpipigil ko ng iyak. Ayaw kong mag eskandalo. Nakakahiya iyon. Naiinis ako dahil ramdam ko na ang frustration ko.

Pinilit kong ituon sa iba ang aking atensyon kaya naman tumitig na lang ako sa dagat.

Kumain kaming lahat nang tawagin na nila ang ilan pang kasama namin. Sumama na rin sa aming table sila Astrid at ang mga bata. Casual silang lahat na nag uusap habang si Payton naman ay nakakahalata na yata sa pananahimik ko kaya dinadaldal na ako. Tanging iling at tango lang ang isinasagot ko kaya hindi na rin siya nagpumilit pa.

Falling in Reverse (Saint Series #4) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon