Prologue
Mabilis akong tumatakbo habang tahip na ang kaba na aking nararamdaman habang ang lalakeng hindi ko kilala ay kanina pa sumusunod sa akin.
Hindi ko alam, pero nang makita ko s'ya ay kabadong kabado ako na para bang isang dikit lang niya sa akin ay mahihimatay ako sa takot.
Nakapasok ako sa loob ng bahay ampunan o health center na s'yang tinutuluyan ko. Dire-diresto lang ang takbo ko nang nabangga ako sa isang kasamahan namin doon.
"Aba, Klary, anong nangyayare sa'yo at mukha kang nakakita ng multo?! " tanong sa akin ni Kira.
Hingal at pawisan kong nilingon ang pintuan na pinanggalingan ko. Ang labas noon ay ang likuran ng ampunan, kung saan sinalpakan ko ng pinto ang lalakeng sumusunod sa akin.
Nakakatakot s'ya.
"W-wala, Kira. Pasensya na kung nagulat kita. " pinilit kong ikalma ang aking sarili saka pasimpleng hinigit s'ya pabalik sa loob.
"Sigurado kang ayos ka, ha? Sabihin mo kay Madam kung hindi ayos ang pakiramdam mo. " payo niya na tinanguhan ko.
Inihatid ako ni Kira sa aking kwarto para masigurado niyang ayos lang ako. She stayed with me for how many minutes before leaving.
Slowly, I lay down myself on the very comforting bed. I looked at the Spanish ceiling. There are two angels in it. Trying to reach each other. But there's something like a dark shadow pulling the other one for them to set apart.
Umayos ako ng higa at muling inisip ang ibig sabihin noon.
The dark shadow, for me, symbolizes as the hindrance for us to achieve our dreams. The two angels are the dreams and the dreamer.
Muling pumasok sa aking isipan ang lalakeng sumusunod sa akin kanina. May sinasabi siya sa akin na ayaw kong paniwalaan dahil mukha naman siyang baliw. His light brown hair, thick eyebrows, very dark and deep hooded eyes, and his stubbled jaws. I don't know why, but he scares me the first time I saw him.
Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa akin kung sino s'ya. At some point, pakiramdam ko ay kakilala ko s'ya. Maybe, from the past? I don't know.
Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil may morning activity kami. Ayon kay Madam Erlinda, magkakaroon daw ng orientation para sa isang outreach program ng isang kilalang organization, MeiLo Health Organization. Isa sila sa sponsor ng health center na kinabibilangan ko. I'm not a worker here but a patient.
"Klary, please, do assist our visitors." Doctor Patricio said. Kaagad naman akong tumayo mula sa aking inuupuan dito sa lobby ng aming tinutuluyan.
"Nasa Coleah sila, Doc?"
Tanong ko na kaagad niyang tinanguhan. Pumunta ako sa Coleah at doon ko nakita ang ilan ko pang kasamahan at mga abala sila sa pakikipag usap sa mga panauhin. Bigla naman akong napaatras nang makita ko nanaman ang lalake na sumusunod sa akin kahapon.
"Shawntell Clarisse, stay calm."
Biglang lapit sa akin ni Doc Noelle Santiago at marahan akong hinigit papunta sa kung nasaan ang lalake kahapon at may kasama ito ngayon na dalawa pang lalake.
"Boys, I want you to meet my favorite patient here- Shawntell Clarisse Meiran. " Doc Noelle said and the three boys then looked at me.
Napalunok ako dahil ang lalake kahapon ay nakatitig sa akin at wala manlang itong pagkurap.
"Hi, Shawntell! I'm River Lopez! Nice to finally meet you... again!" a guy beside the scary guy offered his hand. Napalunok ako at tinanggap iyon.
" I am Javier Santiago."
Kaagad akong napalingon kay Doc Noelle at ngumiti naman siya at kaagad na tumango. "He's the husband I'm telling you," she winked. Natawa naman ang asawa niya at humawak sa bewang nito saka nilingon ang lalake kahapon.
"Payton Meiran,"
The bizarre guy said. Para akong nabingi sa kaniyang sinabi.
"Your ... your husband, " he added.
The heck, here he is again! That's what he told me yesterday!
BINABASA MO ANG
Falling in Reverse (Saint Series #4) COMPLETED
Teen Fiction4/6 Saint Series. Such a cliche story of the two broken hearts that met each other. A cliche story of two broken hearts that mend each other. But why does she keeps falling? Why does she keeps on falling in reverse?