Chapter 22
Flowers"Tita Shawny!"
Nagulat ako nang may dalawang bata ang mabilis na yumakap sa aking bewang matapos kong makababa sa hagdan mula sa ikatlong palapag. Kagigising ko lang dahil umaga pa naman.
Nagtataka kong nilingon ang mga bata at saka ako bumaling sa lalakeng papalapit na sa akin ngayon.
"Jabez Manzanilla. Your brother," he smiled at me before kissing my cheek.
Sa sobrang gulat ko ay hindi ako nakaimik at tanging pagtango lang ang aking naging sagot.
This isn't a dream or dimentia.
I know him. Sadyang nakakalimutan ko.
"They're my children. Amora and Mezzo."
Napanganga ako sa sinabi ni... Kuya Jabez. I nodded. Nilingon ko naman ang labas nang makita na may iilang tao pa roon.
May mga bisita pala ngayong araw kaya nagpalinis kahapon si Madam.
"Nand'yan ang ilan sa kaibigan ni Payton together with their wife," dagdag ni Kuya. Mabilis akong tumango.
Hindi ko alam ang dapat kong i-react sa mga sinasabi ni Kuya. Ang alam ko na lang ay isinama ko sa kusina ang dalawang bata dahil aayaw din naman nila na lumayo sa akin.
This feels so strange.
Hindi ko alam kung ano ang mayroon pero magaan ang loob ko sa kanila.
Baka nga malapit sila sa akin dati pa.
"Tita, where should I put this ba?" maarteng tanong ni Amora at saka niya itinaas ang balat ng papaya.
Magkatabi silang kambal na nakaupo sa highchair na nasa harapan ko habang ako naman ay nasa tapat nila. Sila Ate Betty naman ay mga abala na sa pagluluto.
"Bakit hindi ka na naman nagpo-po?!"
Biglang pagsusungit ni Mezzo sa kapatid.
Napangiti ako dahil doon. Itinuro ko naman kay Amora ang basurahan kaya mabilis siyang bumaba sa upuan at pumunta roon. Bumalik din kaagad at namewang sa kapatid.
"Eh bakit ba?! I'm speaking English kaya! Walang po at opo sa English, 'no!"
Napataas ang isa kong kilay sa sinabi niya. May point naman s'ya.
"Oo alam ko! Pero hoy! Pilipino tayo kaya kahit mag English ka d'yan ay dapat may paggalang ka pa rin!"
Hinayaan ko na lang ang dalawa sa pagtatalo dahil baka kapag nakisali pa ako ay mas lumala lang ang kanilang away.
Ang ginawa ko na lang ay nagligpit ako ng mga kalat sa kusina at saka dinala ang basurahan palabas ng bahay dahil kailangan na itong itapon. Baka mamaho pa sa loob.
"Saan ba dapat ilagay iyon kung ganoon? Give me some details kaya para ma-sure ko na if what to do ba exactly!"
Isang conyo na boses ang aking narinig nang mapadaan ako sa front yard. Naroon pa sila Payton at mga abala sa kuwentuhan.
"I'll send you an email soonest, Shanne," si Payton ang sumagot habang nakasunod ang mga tingin sa akin.
"Ito kasing si Romulo ay hindi na inasikaso kaya iyan! Tambak ang works!"
"Yeah, my fault, Baby. I'm sorry," sabi naman noong isang lalake saka humalik sa pisnge noong Shanne na tinawag ni Payton.
Nagpatuloy ako sa paglakad hanggang sa nakarating na ako sa labas ng gate. Doon ko inilagay ang mga basura.
BINABASA MO ANG
Falling in Reverse (Saint Series #4) COMPLETED
Novela Juvenil4/6 Saint Series. Such a cliche story of the two broken hearts that met each other. A cliche story of two broken hearts that mend each other. But why does she keeps falling? Why does she keeps on falling in reverse?