Chapter 10
Hatid"How are we feeling today, Clark?!" malakas na sigaw ni Miranda na siyang kinuhang emcee ng event na ito. Katabi at kasama niya roon ay si Gorgia Rose ng Regidor.
Matalik na kaibigan ni Miranda si Gorgia Rose... or let's say, Jia. Personal Assistant din siya ni MM kapag may pageant. She's second year and Accountant in the making. I like her aura. She has this strong and independent vibe. Hindi ko lang alam kung bakit maraming balita tungkol sa kaniya na may eskandalo raw.
But anyways, not my business.
Today is the opening of Clark's Day. It's six in the evening.
"Y'all seems like having fun already, huh," ngumiti si Jia kaya naman hindi ko maiwasang mapailing. Malakas na sigawan mula sa kalalakihan ang namayani.
"Hi daw, Ji!"
"Isang flying kiss naman d'yan, Jia!"
She's a hot chick!
Swerte ang magiging boyfriend niya kapag nagkataon. Hindi siya mayaman pero masikap. Iyon ang kuwento sa akin palagi ng dalawa kong pinsan at iyon din ang nakikita ko mismo. Hindi ko lang alam kung bakit nitong nakaraan ay nakita kong iniirap-irapan siya ni Maria. Siguro ay pagod lang.
Maria Margarita is the type of girl na walang bahid ng kasamaan ng ugali.
Well, that's based on what I see. Hindi ko lang talaga maunawaan ang iniasal niya kay Jia.
"Who's excited for The Reason's performance? Let me hear your shout!" sigaw ni Mira saka itinaas ang kamay na may hawak na mic.
Napailing naman ako saka sinulyapan ang mga kabanda ko na nasa may 'di kalayuan ang pwesto naming mga organizers. Handa at excited na sila habang ako ay hindi malaman ang dapat maramdaman. Ang alam ko kasi ay narito sila... Payton. Reego's performing kaya paniguradong narito ang squad nila.
I hate to admit this but... I want to see him. Kahit tingin lang. Alam ko naman na pagkatapos ng lahat ng ginawa ko ay susuko na rin iyon.
Sino ba namang hindi susuko, 'di ba? Ikaw ba naman ipagtabuyan, maghinatay sa wala, at maghatid sa babae habang umuulan.
"The Maddison's gonna perform, too!" segunda ni Jia kay Mira. Ngumiti si Miranda at tumango. "Can we start this already because I am excited, too!"
May ilan pa silang sinabi sa unahan habang ang mga performers ay naghahanda na para sa kanilang performance. Si Horiah Galeon naman ay nagsalita na rin kasama ng ibang namumuno sa school. Ako naman ay nagpaalam na sa mga kasamahan ko para makapag handa na rin dahil pang apat kami na magpeperform.
Kinakabahan na ako bigla lalo na nang makasalubong ko sila Reego na nasa backstage at handa nang tumugtog. Naroon sila Train at ang buong banda niya. Nagulat ako nang biglang dumating sila Feliciano. Hindi ko malaman kung aatras ba ako o ano.
Mabilis ko silang binilang at as usual, wala si River. Si Payton din ay wala. Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Bumuntong hininga ako at pinili na lang sila na lagpasan.
"Shawnybunny!"
Mabilis akong napapikit dahil sa tawag Chano. Tumigil ako sa paglakad at hinarap sila. Una kong nakita si Train. He's smiling at me kaya ngumiti rin ako at lumapit na.
"Good luck," I smiled at him. Tumango siya at nakipag beso.
"Good luck din sa inyo. Burn the stage," sagot niya. Bigla namang natahimik sila Feliciano at pinakinggan kami ni Train mag usap.
"Crush ko," I informed them. Tumawa si Train at tumango.
"Yes. She likes me."
"Gago ka. Marinig kayo ni Pay, eh," umiling si Reego at hinigit palayo sa akin si Train. Tumawa naman ang iba. Ako ay nalungkot.
BINABASA MO ANG
Falling in Reverse (Saint Series #4) COMPLETED
Ficção Adolescente4/6 Saint Series. Such a cliche story of the two broken hearts that met each other. A cliche story of two broken hearts that mend each other. But why does she keeps falling? Why does she keeps on falling in reverse?