Chapter 30

3.2K 127 75
                                    

Hello! This is Shawntell's last point of view. I know her story is very different and kinda frustrating but I hope you get her changes in every chapter. The way she change her decisions and perspectives in life and such.  Hope you had fun with her 'cause I cried a river just to get here, chapter 30. She's so hard to write but enjoyable at the same time. Next update will be Pay's POV. That'll be the last update.

Spread love and avoid hypocrisy!

Enjoy and stay safe! Ciao!

-G


Chapter 30
STFGA

"So, basically, you're all here because she wants to see my wife."

Kalmado pero taas-kilay na tanong ni Jacos.

Tahimik ako na nakaupo sa tabi ni Payton habang si Rica naman ay masayang nanonood ng TV kasama ang anak ni Elle.

"My wife is straight as hell and I am her husband already," umiling si Jacos.

Si Elle naman ay tatawa-tawa habang nakayakap kay Jacos mula sa likuran.

"Baby, don't you get it?" malambing na tanong ni Elle kay Jacos. I pouted and looked at the apple that is in my hand. "She's obviously pregnant at ako ang pinaglilihian niya."

Biglang napaubo si Jacos at gulat na gulat na lumingon sa amin ni Payton. Humagalpak na ng tawa si Payton at saka ako inakbayan.

"Bro, mukha bang magkakagusto itong asawa ko sa asawa mo?" natawa na tanong ni Payton. I sighed. I hugged him. "Akala ko nga kanina ay ikaw ang gusto kaya nagalit pa ako bago ko naintindihan lahat, eh."

"You should get her to her OB now. She doesn't need much check up because she's doing fine," biglang salita ni Elle. "She's obviously pregnant that's why she vomited this morning."

Later that night ay dumeretso rin kami kaagad sa OB ko. Hindi ako nakapagpacheck up dahil out of the country daw.  Ilang araw pa ang lumipas at inip na inip na ako sa kada araw.

Nakakainis pa na palagi kong nakikita si Payton. Ayaw naman akong tantanan palagi.

"Kailan ba darating ang OB na iyan?! Hindi ba tayong p'wede na sa iba na lang magpacheck?!"

Pikon kong ibinaba ang magazine for moms. Hindi na ako nakapagtimpi dahil pang ilang araw na at wala pa rin!

Ito namang si Payton ay parang walang pakielam dahil chill na chill lang siya rito sa bahay sa loob ng ilang araw. Hindi siya naalis. Tuwing gabi naman ay palagi siyang abala sa study room. Tuwing tatawagin ko ay inilo-lock naman ang pintuan noon kaya ang ginagawa ko ay nilo-lock ko rin ang aming kwarto kaya wala siyang nagagawa kun'di ang matulog sa study room.

Nakakainis kasi na ayaw niyang nakikita o 'di kaya ay naaabala ko ang pinagkakaabalahan niya roon.

I waited for two more weeks bago kami tinawagan ng OB at sinabi na pwede na raw akong i-check up dahil nakauwi na ito.

I'm obviously pregnant.

Masaya ako pero natatakot ako.

"Ayaw ko na! Hayaan na lang na lumaki itong tiyan ko! Saka na tayo pumunta kapag manganganak na ako!" sigaw ko nang ibalita iyon sa akin ni Payton.

Bumuntong hininga si Payton na hindi ko alam kung may lakad ba pagkatapos dahil naka white long sleeves siya at nakatiklop ang sleeves noon hanggang sa ilalim ng siko niya.

Naka dark brown slacks at black formal shoes pa siya. Halatang bagong gupit at ahit lang din siya.

Tinitigan ko si Payton sa kaniyang paghakbang papasok sa aming kwarto. Nakahalukipkip akong nakasandal sa headboard ng kama at talaga namang inis na inis.

Falling in Reverse (Saint Series #4) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon