Chapter 6
Ice cream
"Get dressed first para makapagsimula na tayong maglibot," huling sabi ni Prof bago kami pakawalan.
Narito kami ngayon sa lobby ng hotel na tutuluyan namin ngayong araw. Prof had her short briefing. Ayon sa kaniya, our first route will be the Bucas Grande. I don't know what's in there but I am excited.
Magkakasama kaming mga babae sa kwarto at ganoon din naman ang mga lalake. Ang mga admins naman ay may kaniya-kaniyang kwarto.
"Gosh, sana makita ko ulit si Payton! Ang alam ko, may inaasikaso s'ya rito, eh," nangangarap na sabi ni Sauna habang naglalakad kami papunta sa aming kwarto.
Magkaakbay naman kami ni Hannah habang sila Vilma ay kaniya-kaniyang kuwentuhan. Nanatili naman akong tahimik dahil si Payton ang pinag uusapan nila. Hindi ko nga alam hanggang ngayon kung bakit niya ako niyaya mag surf. Bakit niya alam?
Tuluyan kaming nakapasok sa aming kwarto habang patuloy din ang kanilang kuwentuhan.
"Shawny, kailan simula ng practice n'yo?" tanong ni Suana bago nahiga sa couch na nasa mini sala ng aming kwarto.
The room looks cute and comfy. Napaka gaan sa mata ng kulay nito na dilaw at pink. Dumeretso naman ako sa katabing banyo para mag bihis. "Hindi ko pa alam. Tryouts pa lang naman yata," sagot ko.
Kinuha ko ang aking swimsuit na kulay peach saka ko ito tinabunan ng kulay itim na see through jacket. Baka mainit, mayayari ako kay Mommy kapag nagkataon.
"Pero ang cute, ano? Paano kapag bumalik si Reagan?" tanong ni Vilma na ngayon ay naka swimsuit na lang din.
Mabilis na kumunot ang aking noo. Reagan Farro. Ang ex ko na ipinagpalit ako para sa iba. Para sa pangarap niya.
"Bakit naman nadamay iyon dito? He's fine and so am I," I shrugged.
"Malay mo lang naman! Ang alam ko ay sikat iyon doon, ah? Magaling daw at single pa rin kaya kinahuhumalingan ng karamihan," she replied. Hindi ako umimik at nagpatuloy na lang sa paghahanda. Ngumisi si Hannah.
Kilala nila si Reagan. Kaklase ko kasi noong senior high si Vilma at kasama doon si Hannah. They've met Reagan dahil madalas akong sinusundo noon dati. He's a Regorian. We've been together for four long years. He graduated last year to pursue his medicine career in London. Ayos lang naman sa akin. Young love, though.
What's important here is the present time. Ayaw ko muna isipin ang mga susunod na panahon. Ayaw kong maglaho lahat.
Life should matter always. Not just because it has an ending but because we have something to fight for.
I treasure every moment in my life. I treasure every person.
Matapos naming maghanda ay pumunta na kami sa lobby kung saan ang aming meet up. Marami ang turista sa mga panahon na ito dahil malapit na ang tag ulan at mahirap nang mag gala kapag ganoon. We're here now at Bucas Grande Island. Kasalukuyan akong nakatanaw sa kulay berde na tubig. May napaka laking bato na tila nakakalula tignan.
Abala silang lahat sa pagbubulungan habang abala rin sa pag o-orient sa amin ang aming dean. We've heard the orientation already. Nasabi na iyon noong first day of school. Hindi ko alam kung anong purpose nito.
"Expect some hectic schedule after this tour of yours. You will be busy handling the whole event for the upcoming Clark Day," Dean said. Doon ako napabaling sa kaniya at ganoon din ang mga kasama ko.
"Ano pong Clark Day?" tanong ni Vilma.
Hindi ko alam na may pa ganoon pala.
"That's just like a field day. No worries," mabilis na sabi ni Prof nang makita siguro sa mga mukha namin ang pagtataka. "And your section will handle everything," she added.
BINABASA MO ANG
Falling in Reverse (Saint Series #4) COMPLETED
Teen Fiction4/6 Saint Series. Such a cliche story of the two broken hearts that met each other. A cliche story of two broken hearts that mend each other. But why does she keeps falling? Why does she keeps on falling in reverse?