Chapter 1

69 4 2
                                    

Chapter 1

<Kaye's POV>

"Oh manong dahan - dahan sa pagbaba nung mga gamit ah? Baka mabasag" utos ni mama habang binababa ang gamit namin galing sa truck.

Bakit?

Naglilipat kasi kami ngayon ng gamit dito sa bagong bahay na nabili nina mama at papa. Galing pa kaming probinsya, lumipat kami dito sa siyudad kasi mas maganda daw ang buhay dito. Pero hindi siya yung lugar na magulo o maraming tao na nasa isip niyo pag siyudad ang sinasabi. Tahimik dito at close to nature haha sarap nga ng hangin dito eh.

"Mama magpapa-alam lang po sana ako. Gusto ko po munang maglibot-libot dito para naman mafamiliarize ko na po yung sarili ko dito" sabi ko kay mama habang abalang-abala siya sa pag-aayos sa bago naming bahay.

"O sige, pero wag kang lalayo ah?"

"Opo mama" grabe ang bait ko, di man lang ako tumutulong.

Okay. Katulad ng ibang storya, siyempre kailangan kong magpakilala. Alangan namang dada lang ako ng dada dito tapos hindi niyo naman kilala yung bida diba? Ano to lokohan? Eh parang sinasayang niyo lang ang time niyo sa pagbabasa nito kung ganon ang mangyayari, edi sana nagbukas na lang kayo ng FB diba? Tsh sige na nga magpapakilala na ako.

*hinga ng malalim*

Ako si Kaeleigh Blare dela Cruz. Oo alam ko, nagta-try kayo ng iba't ibang paraan kung pano basahin ang pangalan ko, ganyan din ako nung una kong mabasa ang pangalan ko sa papel. O edi ganito: 'Kehy-li'. O diba bongga? 'Kaye' na lang pwede na. 15 yrs. Old na ako at kasalukuyang 4th year highschool. May kapatid ako na mas bata sakin, si Zeke. Nasa ibang bansa si papa kaya si mama lang ang kasama namin ngayon. So ayun na nga kakalipat lang namin sa 2-storey house na pinagpaguran ng tatay kong bilhin mula sa pag-aabroad niya. Taray ng English! 2-storey house. Malaki siya at medyo may kalumaan na. 90 years na daw nakatayo ang bahay na yan kaso napabayaan ng may-ari kaya binenta na lang nila sa murang halaga. Kami na daw kasi bahalang magrenova-ARAY!! Natisod ako habang naglalakad sori, asan na ba ako? Ah ayun! Kami na daw bahala mag-renovate. Ang gulo ko no? sabi ko ikukwento ko yung sarili ko pero yung bagong bahay namin ang kinukwento ko.

Bakit?

Kasi diyan iikot ang storya ko.

Or rather, namin.

"O may limang kwarto sa taas, bahala na kayo mamili kung saan niyo gusto basta bukas gigising ng maaga at tutulong kayong dalawa sa pag-aayos nitong bahay maliwanang ba?" sabi ni mama

"Opo mama!" sabay naming sabi ni Zeke. Tapos tumakbo na kami paakyat ni Zeke.

Bali ganito ang set-up ng mga kwarto sa taas. Yung apat na room magkatapatan, bale yung dalawa nasa right at yung dalawa naman nasa left at magkakatapatan nga silang apat while yung pang lima nasa dulo at ang katapat ng mismong door ay yung daanan. Parang naka-U yung arrangement ng mga kwarto.

Binuksan namin isa-isa ni Zeke yung mga kwarto.

"Dito ako ate!" tinuro ni Zeke yung pinaka-unang room sa may right side.

"Okay" tapos pumasok na siya sa loob, ako naman pumwesto sa gitna ng mga kwarto at para bang ina-analyze kong saan maganda gawing kwarto ko. Ang naka-caught ng attention ko ay yung pinaka duong room. Yung pang 5th.

"Bakit ayaw bumukas?" tinatry ko kasing buksan. But the knob won't budge.

"Haaaaaaay ayaw talaga. Sige na nga, ito na lang room na katabi ng kay Zeke ang kukunin ko" pagsuko ko.

Tatlo lang naman ang magagamit naming room, isa kay mama at papa, isa sakin at isa kay Zeke. Yung dalawa siguro gagawing guest room.

Pumasok na ako sa room ko at tumingin-tingin. Malaki siya. Halatang mayayaman ang dating nakatira dito but I wondered kung anong nangyari. Kahit matagal na tong bahay na to, hindi mo maiiwasang mapansin ang kagandahan niya.

Sinimulan ko ng ayusin yung mga gamit ko. Nilagay ko na sa cabinet ang mga damit ko. Inarrange yung mga libro ko sa bookshelves, tapos sa baba ng mga libro eh yung mga photo albums ko. Dinikit ko na rin yung mga anime posters ko at ng mga crush ko (wag niyo ng tanungin kung sino =_="). Inilagay ko na rin yung mga pang echos ko sa drawer ko na may malaking salamin. Ano nga bang tawagan dun? Ah ewan basta yun.

Tapos nag half bath na ako at ready to sleep na me.

"uhn"

*ikot*

"Uhhhhm"

*ikot sa kabilang side*

*taas ng kamay*

*tanday ang paa sa unan*

"Aaaaaaaarrrrgggghhh!!! Hindi ako makatulog"

3 am

Anu ba yan hindi ako makatulog. Peste naman oh

*blink* *blink*

Ang dilim

Malamang gabi gaga ko talaga. Nababangag na ko.

*Hik* *hik*

Huh? Anu yun? May umiiyak?

*hik* *hik*

Despite my fear, lumabas ako at pinailwan ang malaking chandelier dito sa 2nd floor na nasa gitna ng 5 rooms. Wow ngayon ko lang napansin na may chandelier dito.

*Hik* *hik*

Sinundan ko kung saan tingin ko nanggagaling ang iyak. At alam niyo ba kung saan ako dinala ng mga paa ko?

Sa pinakahuling kwarto.

Oo sa 5th room.

Kinilabutan ako bigla.

Nanlamig ang buo kong katawan. Rinig na rinig ko na rin kung gaano kabigat ang bawat paghinga ko.

Hindi ko alam kung bakit pero inabot ng mga kamay ko ang doorknob ng kwartong iyon at walang kahirap-hirap, unti-unti kong napihit iyon.

*eeeek* - tunog ng pinto

O.O

Tumambad sa akin ang isang duguang babae. Nakadamit siyang pang-kasal at nakaupo sa sahig habang naliligo siya sa sarili niyang dugo. Parang may tama ng baril ang ulo niya. Nakatakip ang mga kamay niya sa mukaha niya habang umiiyak.

*hik* *hik*

Bigla siyang napatingin sa akin at ngumiti.

"Tulungan mo ko"

[a/n: singit lang po saglit haha. i dedicated this chaptee sa aking ever supportive friend na si iamfhem. basahin niyo rin yung mga story niya:10 days before christmas,bestfriend,fated to love you,tula,bestfriend ni crush,stiffneck at who am i. Maka julniel yang babaeng yan haha. yun lang ^^]

A Thousand YearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon