Chapter 4

58 3 0
                                    

Chapter 4

Kung itatanong niyo kung anong nangyari, well eto, tinamaan ako ng katamaran at nacurios sa laman ng diary ni ate Ali.

Kinuha ko yung diary at tinitigan muna yung cover. Hmm hardbound yung cover niya. Stripes ang design na colors ng rainbow.

Binuksan ko na yung diary.

1st page

Wow! Oh my god!

Walang nakasulat =_=

Ay meron pala!! Nasa lower right part ng page

Ang nakalagay:

Aliona&Keane

Hmm itong Keane yata yung kinukwento ni Ate Aliona na bf niya eh. 'Ki-yan' ang basa diyan k?

Okay next page

2nd page

March 28, 1932

Kakagraduate ko lang from College this March at ang saya-saya!!! Finally!! Tapos na ko sa homeworks and terror profs. Pft haha eto nga palang diary ang regalo sa kin ni Keane. Sino siya? Siya lang naman ang aking beloved boyfriend. Mas matanda siya sa akin ng 2 years and he's currently working on a TV Station dahil multimedia arts naman ang tinapusan niya. We're from the same Alma Mater at dun kami nagkakilala haha. Actually matagal na tong diary sa kin, since last last week pa ako gumraduate, ngayon lang talaga ako sinipag magsulat. Kaya niya daw ako binigyan ng diary para mai-jot down ko daw yung mga special moments namin. Nung una ayoko pa nga sana kasi tamad talaga ako magsulat. Nagulat nga yung iba na nakagraduate ako kasi nga hindi uso sa akin ang notes. Bakit ba? Eh sa tamad ako eh. Pero sabi niya, wag ko daw obligahin ang sarili ko na mag sulat araw-araw. Yung mga important events lang daw isulat ko tsaka para daw maikwento ako sa mga magiging anak namin. Sweeet!! Sarap pangarapin ng ganon haha. Sana tumagal kami ng ganon. Nope. Tatagal kami.

At kaya ngayon ako nag start mag sulat kasi........ we have a date later!!! Susunduin niya na lang daw ako so excited to see my baby ^^.

-Ali

Di naman halatang inlove na inlove si ate Aliona sa boyfriend niya no? tsk kaiingit. Joke XD

Next page.....

March 29, 1932

Wow akala ko ba di ko susunod-sunurin ang pagsusulat dito? Wala ako magawa eh. Okay naman yung date namin kahapon haha. Dinala niya ako sa carnival, I never experienced a date on that place. Haha ang saya nga eh. Sumakay kami ng roller coaster, kumain ng cotton candy, pop corn, taho, ice candy at dirty ice crem. Pero hindi namin kinain yun ng sunod sunod ah? Haha di na nga kami nag dinner eh yun lang kinain namin. Pumasok kami sa haunted house at halos tumakbo kami palabas, ngayon ko lang nalaman na takot din pala siya sa ganun. Ang yabang niya pa bago pumasok. Ang sabi niya:

"Ui pagnatatakot ka, kapit ka lang sa kin ah? *wink*" hinampas ko lang siya at nag bleeh

Tapos pagpasok namin, di na ko nakahawak sa kanya kasi siya na mismo ang humila sa kin tapos sabay takbo. Natatabig nga namin ang mga nasa unahan namin eh. At dahil tumakbo kami, kami ang kauna-unahang lumabas, eh pag ikaw pala ang unang lalabas, may manggugulat sayo. May biglang babagsak na ulo sa sahig at may grim reaper na lalabas.

"Waaaaaaaaaaaaah!" sigaw niya sa mababang tono

"Uwaaaaaaaaaaaaaaa!" tili ko, siyempre yung tono nung akin mataas

Nasa labas na kami pero inabot pa ng 5 sec. bago kami tumigil kakasigaw at mahimasmasan. Tapos nagkatinginan lang kaming dalawa at biglang tawa.

Bigla niya naman akong niyakap at bumulong ng mahina sa tenga ko

"O diba? Kahit na takot na takot na ko, hinding hindi kita iiwan. Hinding hindi kita bibitawan, haha isasama na lang kita sa pagtakbo"

"Oo nga, siguro kung ibang lalaki yun, iniwan na ko sa loob nun. Thank you ah? Pero akala ko ba di ka takot? may nalalaman ka pang 'kapit ka lang sakin' na dialogue ah"

"Wala naman akong sinabing hindi ako takot ah? Kaya ko sinabi yun kasi baka hindi kita mahawakan ng maigi. Mas maganda nang dalawa tayong nakahawak habang tumatakbo para sure na walang makakawala ni isa. Hindi ko magagawang tumakbo hanggang dulo kasama ka kung ako lang ang kakapit at ikaw hindi."

O/////O

>,<

Kileeeeeeeeeeeeeg :"> sige na siya na! siya na marunong magpakilig sa akin! Siya na! siya na mahal ko!

"I love you Keane"

He kissed my hair and gently whispered "I love you too Ali"

And that's what I need to complete my day :")

Ayan kinuwento ko na yung nangyari kahapon. Marami pa yun kaso nakakatamad talagang isulat. Yan na lang, yan ang unforgettable moment para sa akin eh though all moments with him is unforgettable.

-Ali

At dahil masyado akong natuwa sa pagbabasa, di ko namalayang 7:00 na pala.

"Kaye anak! Kakain na!!" sigaw ni mama galing sa baba

"Opo andyan na po" sinara ko muna yung diary at itinago sa drawer ko saka bumaba.

After kumain, dumirecho ako agad sa kwarto para ipagpatuloy ang pagbabasa ng diary ni ate Aliona.

Nalaman ko na mayaman talaga ang pamilya nina ate Aliona, halata naman siguro sa bahay nila diba? Family din nila ang may-ari ng broadcasting company na pinagtatrabahuan ni kuya Keane yung bf niya kaya naman magkatrabaho din sila.

Past 9 na nung tumingin ako sa orasan kaya naman naisipan ko munang tumigil sa pagbabasa nitong diary ni ate Aliona at matulog na. Masakit na kaya ang eyes ko, hindi naman kasi ako mahilig magbasa noh?

zzzzzZZzzzzzzzzzzzzzZZZZZZzzzzzzzz

"hmmn" naramdaman kong may humahaplos ng buhok ko

-_-

*blink*

*blink*

"Aaaaaaaaaaaaah!!!" napabangon ako bigla ng may makita akong babaeng naka pang kasal na punong puno ng dugo at pinapanuod akong matulog. Nakahiga pala ako sa lap niya habang hinahaplos niya ang buhok ko.

"Ano ba yan, hanggan kelan ka ba magfe-freak out pag nakikita mo ko?" tapos nag pout siya

"Ay hehe ate Aliona ikaw pala yan *gulp* sorry naman, di naman ako sanay na araw araw may nakikita akong multo"

"So ano? Alam mo na ba kung paano mo ko matutulungan?" tanong niya sa akin

"aba teka--! Bakit ako ang kailangan mag-isip? Eh ikaw ang aakyat di naman ako tsaka malay ko ba sa buhay mo"

"Kaya ko nga binigay sayo yung diary eh, nakakatamad kasi ikuwento yung biography ko" =_=

"Eh nakakatamad nga din magbasa eh" =_=

Wala kaming mararating nento eh

"baka naman may nagawan ka ng masama kaya hindi ka makaakyat, o kaya naman may tinatago ka pang sama ng loob"

Bigla siyang napatingin sa akin. Straight sa mata. Ang tahimik. Nakakatakot.

*sigh*

Bigla siyang nagbuntong hininga at umiwas ng tingin

"Di ko kaya...." Sambit ni ate Aliona

"huh? Ang alin?" naguguluhan kong tanong

She just smiled and says "malalaman mo rin"

A Thousand YearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon