Chapter 8

30 2 0
                                    

Chapter 8

(part two ng diary entry, May 6, 1987)

6 pm pa daw ang start ng party pero 5 pa lang naghahanda na kami ni dad. Sinuot ko yung damit na binili ko kasama si Keane then apply some light make-up, ayoko ng masyadong makapal; then naglagay lang ako ng clip sa buhok. Quarter to 6 ng may kumatok sa kwarto ko.

“Mam Ali, pinapatawagan na po kayo ng daddy niyo, nasa sasakyan na po siya at inaantay kayo. Aalis na daw po kayo”

“Okay I’m coming”

I grabbed my bag and headed to where our car is. Nakasalubong ko naman si mommy sa may kitchen.

“hi mom”

“look at you! You look perfect! I’m sure na yun rin ang sasabihin sayo ng mga business partners at clients ng daddy mo”

“haha mom naman. Sige po inaantay na ko si dad. bye” then I kissed her cheeks

“Bye. Ingat kayo and enjoy the party!”

Nang makarating naman ako sa kotse, tinanong ako ni dad kung bakit natagalan daw ako, sinabi ko na nagbabye pa k okay mom tapos umalis na rin kami.

“mamaya, don’t do anything stupid infront of our clients okay?” sabi ni dad habang nasa byahe

“Why dad? what’s gonna happen later?” kinakabahan ako, alam ko naman na yun eh, he doesn’t have to remind me. Pero feeling ko iba ngayon.

“basta”

Nakarating na kami sa party na hineld sa isa sa mga business partners ni dad. Maganda at malaki rin ang bahay nila katulad namin (nagyabang oh haha).

Pinakilala naman ako ni dad sa bago niyang mga business partners at kung sinu-sino pang bigatin sa business industry. Some celebrities are also there, pero kaunti lang, mga malalapit na kaibigan lang na celebrities ang nanduon. Mostly na talaga ay businessman.

“eto na pala ang anak mo Romualdo! Ang ganda ganda naman ng batang to” sabi nung matabang business partner ni papa, err nakalimutan ko na ang pangalan, ang dami naman kasi nila eh. Tapos tumingin siya sakin “tell me, anak k aba talaga ni Romualdo? Haha” tapos nagtawanan sila, siyempre naki-tawa na lang din ako then smile.

“Oo naman no! anak ko yan! Ikaw talaga” pakikipag biruan ni daddy sa kanila

Ako naman ngiti lang ng ngiti sa mga tao, siyempre I have to be friendly. Patay ako kay daddy kung hindi ako magpapakabait sa kanila.

Siyempre hindi lang mga business man ang nakilala ko dun, pati mga anak nila kasama na rin. Tapos narinig ko ng nagsalita yung MC at lahat na ay tumahimik

“Everyone! We will now start the party, siguro naman tapos na kayo magbatian right? Ahaha” sabi ng MC tapos lahat kami natawa sa sinabi ng MC

“So let’s start the night with some speech from the two host of the party. Mr. Reyes at Mr. Sy” tapos nagpalakpakan kaming lahat at tumayo na si daddy together with Mr. Reyes na sa pagkakatanda ko ay hindi pa naipapakilala ni daddy. Tama ba? O baka hindi ko lang matandaan sa sobrang dami ng business partners ni daddy. Pumunta naman sila dun sa mini stage sa unahan at kinuha ang dalawang mic sa harap nila.

“I just like to thank everyone na nagpunta dito ngayong gabi to witness our good news” sabi ni daddy habang may hawak hawak na glass of wine

“naku pare ikaw naman, sinabi mo na agad sa kanila, eh hindi pa nga nagkakakilala ang mga anak natin” Mr. Reyes said then they chuckled.

Ba’t parang kinabahan ako sa tawa nila?

“Sabihin ko na ba?” tanong ni Mr. Reyes kay daddy then daddy just nodded “Okay. I would like to call my son Eniego and Mr. Sy’s daughter. Balita ko magandang bata daw yun ah? Haha both of you come up here on stage.

Nakita kong may tumayong lalaki, siya yata yung Eniego. Ako naman parang ayaw tumayo, kasi feeling ko I’m in danger. Ito na siguro yung babala ni daddy kanina sa sasakyan.

“Oh where’s Mr. Sy’s daughter?” sabi ni Mr. Reyes habang paalinga linga sa crowd na para bang hinahanap kung sino ako doon. Nako po, wala na kong takas nento. “What’s the name of your daughter again?” tanong ni Mr. Reyes kay daddy.

“Aliona come here. Sorry mahiyain lang talaga ang anak ko” sabi ni daddy sa mic. Sus makapagpalusot lang oh. Lahat naman ng tao napatingin sa direksyon ko kaya no choice, tumayo na ko sa kinauupuan ko.

I stood up and smiled. Napatingin naman ako dun sa Eniego at nakita kung parang na shock siya. Nagstart na kaming maglakad papunta dun sa stage.

“Look at both of you! Bagay na bagay kayo oh! Talaga nga palang maganda tong si Ali. Naglalakad pa lang kayo kanina napatulala na ko, para akong nanunuod ng love story film. You really match each other.” Biro ni Mr. Reyes . Err hindi ako natatawa, naiinis ako and I wanna go home. Parang alam ko na kasi kung saan to papunta.

“tonight” sabi ni daddy “is the engagement party of these two and the merging of our companies. Let’s cheer for the good news!”

“Cheers!” tumayo ang lahat at itinaas ang mga wine glass nila at uminom. Then after that, nagpalakpakan na ang lahat.

Pinilit ko na lang ang sarili ko na ngumiti at uminom ng wine kahit gusto ko ng umiyak. I hate it. I hate him. I hate all of them. Smiling at me like demons.

“Ali, this is Eniego. Eniego this is my daughter Ali” sabi ni daddy as he introduce me to my fiancée.

“A-ah h-hi Ali. A-ang ganda mo pala talaga” sabi niya then he smiled tapos tumungo din. Tss kunwari png nahihiya, if I know alam niya na to.

“Hi” I said with no emotions. Galit ako sa kanya. Sa kanilang lahat.

“why don’t you two dance together with the others para naman makilala niyo ang isa’t isa. What do you think son? Huh?” sabi ni Mr. Reyes habang tinatapik tapik ang anak.

“Dad!”

“Sus ikaw talaga. Pagpasensyahan mo na tong si Eniego ha Ali? Kinikilig lang yan haha” pagbibiro ni ng dad ni Eniego.

Kinikilig? Yeah right. Ako naman kinikilabutan.

Eniego offered his hand to me. Ayoko sanang tanggapin at gusto ko ng mag walk out pero nung napatingin ako kay daddy, his eyes are telling me to get it. And I reached out my hand to him, eyes closed.

He led me to the dance floor, love song ang background music kaya slow dance lang siya. He held to my waist, ako naman sa balikat ko lang siya hinawakan.

“Umm… probably nagulat ka sa nangyari, actually last week ko lang din to nalaman, and just like you, wala rin akong magawa kung hindi sumunod” sabi ni Eniego habang nakatiningin sakin. Ako naman hindi makatingin sa kanya kaya sa ibang direksyon ako nakatingin.

“Shocked? Hell yeah! You shocked the hell out of me!” I said while gritting my teeth.

“Uy congrats senyo! ^^” sabi nung nakatabai naming nagsasayaw

Nilingon ito ni Eniego at sinabihang “Thank you”

“so alam mo na pala at wala kang ginawa?” sabi ko

“I tried to argue with him but he got a hold on me. I’m sorry” sabi niya then tumungo

“God, I don’t know what to do now” then I looked away

Nanatili lang kaming tahimik habang nagsasayaw. Nagpalit nan g kanta kaya may ilan ng bumalik sa kanilang mga upuan at masayang nakipag kwentuhan sa iba, may iba rin na nagpunta sa dance floor at nagsayaw.

“Ummm… if you don’t mind answering, may boyfriend ka ba?” tanong niya

“Oo, kaya I was so devastated sa nangyari”

“Sorry hindi ko naman kasi alam, I know how you feel.”

“ohws? Talaga lang ha?” I know I was too mean to him pero hindi ko kasi maiwasang di magalit.

I was like a robot all through out the party. Naka upo sa isang tabi habang kumakain ng paunti-unti. Tatawa at ngingiti kung kinakailangan, pero sa loob loob ko,  gusto kung sumabog sa galit.

Curse it. Curse them. All of them.

Paano ko to sasabihin ngayon kay Keane?

-Ali

A Thousand YearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon