Chapter 12

65 3 0
                                    

Chapter 12

Heto ako ngayon sa office, wala namang gaanong trabaho kaya naisip kong sulatan ang bestfriend ko. wala lang, namimiss ko na kasi siya eh tsaka kailangan ko talaga may paglabasan ng nararamdaman, di ko kasi masabi sa kahit kanino. Sa kanya ko lang nasasabi yung mga problema ko.

June 25, 1987

Dear Elise,

                Kamusta ka na diyan? Mama mo? Papa mo? Mga kapatid mo? Haha nakakamiss ka rin pala kahit inaasar mo ko dati. Alam mo kahit may girlfriend na ko namimiss pa rin kita. Kasi bestfriend kita. Thank you talaga sa pagtulong mo sakin manligaw ah? Ikaw? May boyfriend ka na ba diyan? Tigilan mo na kasi ang pagsusuplada sa mga nanliligaw sayo. Baka mamaya niyan tumanda kang dalaga haha kawawa ka naman!

Sumulat lang ako kasi wala akong mapagsabihan ng problema ko. alam mo namang sayo ako tumatakbo pagkailangan ko ng kausap diba? Kaso di na kita kayang takbuhin eh, layo mo na! ba’t ba kasi ayaw niyo pa dito sa Maynila? Ayan tuloy, kailangan pa kitang sulatan. May bayad pa to!

                Kung tatanungin mo kung okay lang ako, masaya naman ako dahil sa girlfriend ko, si Ali,  pero siyempre hindi pa rin maiiwasan ang hindi pagkakaunawaan. Wala namang problema sa amin pero sa mga magulang niya….meron. Pauwi na ko galing sa bahay ng girlfriend ko, hinatid ko kasi siya pauwi ng makasalubong ko ang kotse ng daddy niya. Hinarangan niya ang kotse ko at bumaba, kaya bumaba rin ako.

“Good evening ho” sabi ko

“hinatid mo ang anak ko?”

“Ah oho. Gusto ko kasi masiguro na naka-uwi siya ng maayos”

“Hindi na ko magpapaligoy-ligoy pa, ayoko sayo. Hindi kayo bagay ng anak ko”

“Po?”

“hindi mo maibibigay ang magandang buhay sa anak ko. lumaki siya sa marangyang buhay kaya tingin ko mahihirapan ka pag naging kayo at ayokong maging pulubi ang anak ko”

“Hindi naman po ganon ang anak niyo. Hindi po importante ang material na bagay sa kanya”

“Mga bata pa kayo para sabihin yan. Baling araw, mare-realize niyo kung gaano kahalaga ang pera para mabuhay”

“Then hayaan niyo po akong patunayan sa anak niyo na karapat-dapat ako. Magtatrabaho ako ng mabuti para mabigyan ko ng maginhawang buhay ang anak niyo”

“Di na kailangan. Hindi naman ikaw ang papakasalan ng anak ko kaya layuan mo na siya”

“Diyan kayo nagkakamali! Hinding hindi ko lalayuan ang anak niyo!”

“It’s your choice. Pero tandaan mo to, ako na mismo ang gagawa ng paraan para magkahiwalay kayo. Mag-iingat ka, kilala ko ang family mo. Kaya kong gawing mas mahirap pa sa daga ang pamilya mo. I’m going” tapos sumakay na siya sa kotse niya at nagdrive na uli pauwi

Hindi ako nagpatakot sa dad niya. Naniniwala kasi ako sa sinabi mong Loves conquers all kaya hindi ko na lang pinahalata kay Ali ang nangyari. Hinding hindi ko siya iiwan, magkamatayan na.

Ilang weeks ang nakalipas simula nung nag-usap kami ng dad niya ng biglang natanggal sa trabaho ang tatay ko sa trabaho niya. Tinanong ko naman kung bakit pero ang sinagot lang ni tatay na tinanggal daw siya ng walang dahilan. Biglang pumasok sa isip ko ang sinabi ng dad niya. Tingin ko ay nagsisimula na siya. Pero anong gagawin ko? masyado kong mahal si Ali at hindi ko siya kayang iwan, pero mahalaga din naman ang pamilya ko. may mga kapatid pa kong nag-aaral. Ang hirap naman.

Pinatawag din ako ng dad niya sa office. Sa kanila kasi ako nagtatrabaho. Tinakot niya ako. wala ng makitang trabaho si tatay dahil tinatakot niya lahat ng papasukan ni tatay. Tinakot niya rin ako na kung hindi ko pa daw hihiwalayan si Ali ay pati ako tatanggalin niya. Paano na lang ang mga kapatid ko? ako na lang ang sumusuporta sa pamilya namin. Hindi naman makapagtrabaho si inay at sakitin siya.

A Thousand YearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon