Chapter 14

58 1 3
                                    

[a/n: thank you unknownwoman ^^]

Chapter 14

Elise’s POV

“Keane!!!” may isang magandang babae ang tumakbo papalapit samin ni Keane. Ito na siguro yung girlfriend ng bestfriend ko. At andito kami ngayon sa bahay nilang malaki.

Hayup kasi tong bestfriend ko, gagamitin pa kong magpanggap na bagong gf niya para daw hiwalayan na siya ng gf niya. Mali, pero sa ngayon, ito ang tama.

“Ali….”

“buti at dumalaw ka dito, miss na miss na kita” tapos niyakap nung babae si Keane ng mahigpit na mahigpit.

Ali pala ang pangalan niya.

Maganda

Mayaman

Matalino

Every guy could possibly dream to have

Hindi nakapagtataka kung bakit mahal na mahal siya ng bestfriend ko.

Ng lalaking mahal ko.

Funny isn’t it? Kahit anong pigil ko sa sarili ko na huwag mainlove sa bestfriend ko, wala, no use, nahulog at nahulog pa rin ako. The more I resist, the more I fall for him.

So cliché.

At katulad ng ibang story, may mahal na iba ang gusto ko at heto ako nagpapakamartir para makatulong sa lalaking gusto ko. Akala siguro nilang dalawa, sila lang ang nasasaktan sa nangyayari.

Me too

“sinong kasama mo Keane” kumalas sa pagkakayakap si Ali at tumingin sa direction ko. Nasa likod kasi ako ni Keane kanina kaya siguro hindi niya ko napansin kaagad kanina.

“Uhhh si Elise” sagot naman ni Keane. If I know nagreready na yan sa pagpapakilala sakin. Nagiisip ng mga palusot or something.

“Pinsan mo?” nakangiti si Ali nung sinabi niya yun pero may something sa mukha niya. Sa mga mata niya.

Pilitin niya mang magmukhang masaya, tingin ko may kutob na siya sa mga susunod na mangyayari.

“Nope. S-she’s my g-girlfriend” tapos tumingin sa ibang direksyon si Keane

Biglang nagbago ang expression ni Ali, pero madali niya rin itong nabawi. Ngumiti siya. Kumikintab din ang mga mata niya, a sign na nangingilid na ang mga luha niya.

“T-that’s not true right? Alam kong ginagawa mo lang to dahil tinakot ka ni daddy and you have no choice kaya kailangan mong makipagbreak sakin pero ayoko that’s why you’re using her. Don’t deceive me, I remember her now, she’s your bestfriend. Ginagamit mo lang siya”

“You’re right” nagulat ako nung magsalita si Keane, his voice is so cold. Parang wala na talaga siyang nararamdaman kay Ali “tinatakot ako ng dad mo. Like you, naniniwala din ako na love conquers all. Na kaya natin tong labanan pero hindi pala ganun kasimple yun. That was so childish, maraming madadamay kung ipagpipilitan natin ang relasyon natin. Ayoko na, nakakasawa.”

“So bakit mo pa siya dinala dito?” sabay turo sa akin ni ali

“So that I can show you na hindi lang ikaw ang kayang magpasaya sa akin at magmahal. Na mas maayos ang buhay ko kasama siya, unlike satin. Napakagulo”

Bigla naman akong siniko ni Keane ng palihim. Anong sasabihin ko? >_<

“Uh…sorry ali. Alam ko ang pinagdadaanan mo, alam kong masakit pero kasi,…………….. mahal ko si Keane” natigilan ako sa sinabi ko, the last part…..that was sooo true “Mas maganda kung maaga palang, pakawalan niyo na ang isa’t isa. Masasanay ka rin”

“Mahal mo ba talaga siya” tanong ni Ali

“Oo” I looked deep into her eyes to show her that I really mean it.

Saglit siyang natahimik. Maybe finding the right words to say.

“Kelan pa to nagstart?” tanong ni Ali. Nakakabilib siya, alam kong sa loob loob niya gustong-gusto niya ng sumabog sa galit but she remained calm unlike other girls na siguro kung sila yun, sinugod na ako at sinabunutan.

“Uhhh…..” si Keane, halatang di alam ang sasabihin

“Simula ng pumunta dito sa Maynila si Keane, lagi kaming nagsusulatan siyempre kasi magbestfriend kami. Hindi ba nasasabi sayo ni Keane yon?” tanong ko kay Ali. She just looked away and pain registered in her eyes. “nitong mga huling buwan, lagi niyang kinukwento ang problema niyo. Siyempre bilang kaibigan, tungkulin kong icomfort ang bestfriend ko”

“Kasama ba sa tungkulin ng pagiging bestfriend ang panunulot ng boyfriend?” nabigla naman ako sa tanong ni ali, kasalanan ko rin naman kaya nagalit siya

“hindi naman ang kaso, nung mga time na yon, dun ko narealize na kung sinabi ko na sa kanya dati pa kung gaano ko siya kamahal bago siya pumunta dito at nakilala ka, hindi na sana siya nahihirapan ng ganito”

“So sinabi mo na sa kanya?”

“Mali man ang timing ko para sabihin sa  kanya ang nararamdaman ko, ginawa ko kasi nahihirapan din akong makita ang taong mahal ko na nasasaktan ng dahil sa ibang tao. I’m sorry” malamang iniisip ni Keane ngayon na umaarte lang ako. Hindi niya alam na galing sa puso ang lahat ng ‘to

“hindi mo ba naisip na baka ginagawa ka lang niyang rebound?”

“Hindi  mo ba naisip na baka sawa na talaga siyang masaktan sa relasyon niyo at naisip na bigyan ng chance ang iba? Lumaki kami na mag kasama, kilalang-kilala namin ang isa’t-isa. Hindi malayong magkaroon ng chance na maging kami”

“hindi naman natututunan ang pagmamahal ah!”

Wow saludo na ko kay Ali, di talaga sumusuko =_=

“hindi mo rin naman alam kung kelan ito dadating at mawawala diba? Ang tao nagbabago”

“uhmmm…..” mukhang wala na ‘tong matanong, buti naman  - ___ -

“Ali….. hindi kami nagpunta dito para magkagulo tayo, gusto ko lang ng maayos na closure para na rin sa pinagsamahan natin. Gusto ko lang na ipaintindi sayo na hindi lahat ng bagay pwede nating ipilit. Let’s just be happy with our lives, move on. Para na rin sa ikabubuti ng lahat”

“So…. This is it then?” tapos tuluyan ng umagos ang mga luha sa mata niya. Kahit pa sabihing karibal ko siya kay Keane, naawa pa rin ako sa kanya, sa kanilang dalawa. Halata mo namang mahal na mahal nila ang isa’t isa.

“Can I ask you a favor?”

“Ano yun?”

“Can…….. can I hug you……. For the last time?” mukhang nagulat si Keane pero pinagbigyan niya din si Ali. Umiyak lang ng umiyak si Ali sa dibdib ni Keane.

Ouch </3

Eh ano namang laban ko? yun ang mahal eh, friend lang ako.

Ouch </3

Sakit ng friendzone pare

A Thousand YearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon