Chapter 13

83 3 1
                                    

Chapter 13

<Keane’s POV>

July 2, 1987

Dear Elise,

Ito ang pinakinatatakutan kong araw.

Dinala ko si Ali sa simbahan. Sa simbahan na ‘to plano namin magpakasal pero hindi na ‘yon mangyayari kahit kelan pa.

Sa harap ng simbahan na to ako makakagawa ng napakalaking kasalanan.

Yun ay yung pagsisinungaling at…………..

Saktan ang babaeng pinakamamahal ko.

Pumasok kami ng simbahan.

‘Lord kayo na pong bahala sa mga susunod na mangyayari, ngayon pa lang po humihingi na ko ng tawad. Kailangan ko lang talagang gawin to’

Nasambit ko yun sa sarili ko habang naglalakad kami papasok, wala halos tao kaya nakakabingi talaga ang katahimikan. Sa may bandang gitna lang kami umupo.

“uh Keane bakit mo ko dinala dito?”

“k-kasi m-may kailangan t-tayong pag-usapan” nanginginig na ang boses, parang gusto ko ng umiyak. Ayoko ng ituloy to kung pwede lang.

“b-bakit kelangan dito pa?” mukhang pati siya natatakot na rin.

Nagsisimula ng manginig ang buong katawan ko, nanlalamig ako pero nagpapawis ang mga palad ko.

“Kailangan dito, p-para mapanatag ka” yon na lang ang sinabi ko.

Kung magtatanong ka kung bakit ko siya dito dinala. Gusto ko kasi, makalma siya. Nasa bahay siya ng Diyos, alam kong makakahugot siya dito ng lakas para makayanang tanggapin yon. Gusto ko rin kasing humingi agad ng tawad sa gagawin ko.

“a-ano ba yung sasabihin mo? Keane naman eh! Pinapakaba mo ako eh ha-ha” halatang pilit lang yung tawa niya

“Ali……” di ko alam kung paano ko gagawin to. Mga ilang minuto rin ang lumipas bago ako nakapagsalita uli. Hinawakan ko ang malambot niyang kamay at pinisil ng marahan.

“Let’s break up”

Parang tumigil ang oras. Unti-unti ring naglalaho ang paligid kasabay ng pagkagulat sa mukha ni Ali. Nanlaki ang mga mata niya at halos mapanganga siya sa sinabi ko.

Ayoko na. Patayin niyo na lang ako. Hindi ko na kasi pwedeng bawiin yon, parehas kaming mapapahamak kung hindi pa namin to ititigil.

‘Patawarin niyo po ako sa pagsisinungaling ko’

“w-w-what??? Keane hindi kita maintindihan” halos pabulong niyang sabi. Nangingilid na ang mga luha sa mga mata niya. Nararamdam ko rin ang panginginig ng katawan niya kaya naman lalo kong hinigpitan ang hawak sa mga kamay niya.

“I’m sorry Ali pero tingin ko hindi na tayo mag wo-work out. Mas maigi ng tapusin natin to ng maaga. Mga bata pa tayo para masabing tayo na talaga hanggang sa huli, maybe we’re really not meant for each other” halos basag na ang tinig ko.

Hindi na nakayanan pa ni Ali at napaiyak na siya. Wala akong paki kung may nakatingin man samin ngayon, ang ayoko lang ay nakikitang umiiyak ang girlfriend ko.

Tanga ko rin eh noh? ayaw kong makitang umiiyak si ali pero ako ang dahilan ng pag-iyak niya ngayon. Pero hindi lang siya ang nasasaktan ngayon, pati ako. Makita ko lang siyang ganyan, parang unti-unting pumuputok ang mga ugat sa puso ko. Unti-unti din itong nadudurog.

Gusto ko mang yakapin siya ngayon, hindi ko na magawa. Nakipagbreak na ko, kailangan ko na ‘tong pangatawanan.

“Dahil ba to kay daddy?” napayuko ako sa sagot niya. Bumitaw siya sa pagkakahawak samga kamay ko at hinawakan ako sa magkabilang braso “answer me!!!! Dahil to kay daddy noh? ano naman bang ginawa niya sayo? Tell me!! Hindi yung ginaganito mo ko!!”

A Thousand YearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon