Chapter 9

35 2 0
                                    

Chapter 9

A week has passed at ngayong araw na to ang exam day namin ni Zeke dun sa school na pinuntahan namin. Remember? Yung pangatlong school na napuntahan namin, yung may elem na at highschool, basta yun na yun. Sa nakaraan week, busy kami sa pag-aayos ng bahay, pagbabasa ko ng diary ni ate Ali at pagrereview para sa araw na to. Minsan pag lumalabas din ako sa hapon, nakikita ko si Jhun na tumatambay sa may puno na malapit samin. Nalaman ko na sa school na pageexam namin nag-aaral si Jhun. Oh my god! Sana makapasa ako kasi andun din siya weeeeeeeee! *crossed fingers* at kung pagbibigyan pa ko ni lord, sana maging magkaklase din kami! Haha chos lang yun noh

As of ate Ali, hindi niya na ko ninanakaw tuwing gabi. Mga isang lingo na rin siyang tahimik. Siguro iniintay niya ko na matapos sa diary niya. Buti naman, lagi kasing akong puyat pag ninanakaw niya ko tuwing gabi =_=

“Oh icheck niyo muna lahat ng kailangan niyo bago tayo umalis. Andyan na ba yung pencil niyo? Eraser? Pantasa? Permit?” sabi ni mama, paalis na kasi kami papunta dun sa school.

“eto na po mama” sabi ko

“Kumpleto na po ako mama!” sigaw ni Zeke.

“Okay na? sige tara na. baka malate pa kayo”

Okay gora na kami papuntang school. Medyo natrapik pa nga kami nung malapit na kami sa school, ang dami kasing sasakyan papunta dun sa school. Marami sigurong mag e-exam ngayon.

“Oh hanggang dito na lang ako. Good luck sa inyong dalawa. Galingan niyo ah?! Wag mag madali, basahin ng maige ang tanong lalo na ang instructions okay?” bilin ni mama. Nasa tapat kami ng pinto ng building na pag-eexaman namin.

“Ok po mama!” sagot ni Zeke. Tapos pi-nat niya ang ulo namin at pumasok na kami sa loob. Siyempre magkaibang room kami ni Zeke. Siya sa 1st floor lang, ako sa 3rd pa.

Maganda ang loob ng school, baby pink ang pintura sa loob. Malaki ang hallway kahit may mga locker sa gilid nito. Organize na organize talaga ang mga room. May music room pa nga akong nadaanan eh, may speech laboratory at AVR. Airconditioned din ang loob. Iisipin mo, para kang nasa mall, yung nga lang walang mga tindahan, puro rooms ar locker. Habang paakyat ako, tinitingnan ko yung mga kasabay ko, aba siyempre mga makakasama ko yang mag-exam, maganda ng ma familiarize ko yung sarili ko no?

*tingin*

*tingin*

*lingon*

*lingon*

Halata mong may mga kaya sa buhay ang mga kasama ko. Mga naka converse o kaya pony. Jansport ang bag at akala mo may fieldtrip dahil punong-puno ang bag nila ng pagkain. Pano ko nalaman na pagkain ang laman? Sabi kasi pwede daw magdala ng pagkain kasi pwedeng kumain habang nag-eexam. Alangang eraser ang laman ng bag nila diba? Ano yun? Maraming reserba ng eraser at lapis? Psh =_= samantalang ako, mailiit lang ang bag, 5 judge na bubble gum lang ang baon, sabi kasi ng teacher namin, maganda daw sa utak ang matamis lalo na pag-exam, umm pampabuhay lang ata ng dugo. Bahala na si batman mamaya, siguro naman may maawa sakin at may magbigay ng biyaya niya diba?

Wait ano nga bang room ko?

C-34

Ah okay, hanap hanap mode din.

Lumakad ako sa kabilang side ng hallway. Eto lang ang nakita ko C-35, C-37,C-39, D-40,D-42,D-44

Ala! Nasan ang room ko? T_T

“Uh excuse me miss, mukhang nawawala ka ata. Ano bang room mo? Gusto mo tulungan na kita?” sabi ng lalaki sa likod ko. alam kong lalaki eto kasi halata sa boses niya.

“Ano ba wag mo nga akong kalabitin. Hinahanap ko pa yung room ko” sabi ko dun sa lalaki habang nakatalikod, kulbit kasi ng kulbit kainis.

“Tara tulungan na nga kasi kita” sabi niya habang tumatawa ng marahan.

A Thousand YearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon