CHAPTER FORTY: UNEXPECTED REPORT

1.3K 177 86
                                    


This chapter is dedicated to my new reader @BrianLimpangog6. Thank you and enjoy reading.❤

"Ngayong natapos ko na ang pagsubok na bigigay mo, maaari ko na bang irefine ang word core?"

"Tungkol sa bagay na ito. Sa oras na nagtagumpay ka sa pagsubok ko ay narefine mo na ang world core. Iyong-iyo na ang mundong ito at maaari mo nang gawin ang lahat ng nais mo sa lugar na ito."

"Ha? Paano nangyari yon eh hindi ko pa naman nakikita ang world core? Kailan ba nangyari ang refinement at nasaan na ito ngayon?"

"Ang dami mo namang tanong. Ako ang world core."

"What the futa! Ikaw ang world core?!"

Sinong mag-aakalang si Miasma pala ang mismong world core ng Little Big Planet. Kaya pala nandito rin siya sa lugar kung saan nakalagay ang world core. Yun pala, siya at ang world core ay iisa.

"Kung ganon ay maraming salamat."

"Hindi mo kailangang magpasalamat. Ang iyong tagumpay ay dahil sa sarili mong pagsisikap at kakayanan. At isa pa ay isa na akong hamak na alagad mo simula nang maging iyo ang mundong ito. Ako ang guardian spirit ng mundong ito kaya parte ako nito."

"Hindi ba magagalit sayo ang mga diyos ng Olympus dahil hinayaan mo akong maangkin ang Little Big Planet? Diba ito ang piitang pinaglalagyan nila ng mga nilalang na hindi nila gusto?"

"Sa tingin mo ba pag-aari nila ang artifact na hawak mo? Sa tungin mo sila ang gumawa sa akin at sa mundong ito?"

"Hindi ba?"

Nagulat si Astern nang banggitin ni Miasma ang mga salitang ito. Hindi niya inaasahang iba pala ang may likha sa《Pandora's Box》at hindi ang mga diyos ng Olympus.

"Ang lumikha sa akin at ang lumikha sa mga diyos na sinasabi mo ay iisa. Ibig sabihin ay pantay ang aming lebel kaya't wala silang magagawa kundi ang tanggapin na ang pinili ng aking tagapaglikha na maging tagapagmay-ari ng ginawa niyang artifact ay ikaw."

"Kung ikaw ang guardian spirit, ibig sabihin ay mas maalam ka sa mundong ito. Maaari mo ba akong tulungan upang baguhin ito ayon sa nais ko?"

"Sabi ko nga, isa na akong tagapaglingkod mo ngayon kaya't malugod akong susunod sa lahat ng nais mo kaya't wag kang mag-alala dahil tutulungan kita. Ngunit bago yan, gusto mo bang palitan ang pangalan ng mundong ito? Tutal ikaw naman na ang bagong may-ari nito kaya nasasayo ang desisyon kung babaguhin mo o hindi."

"Siguro ay ipagpaliban muna natin ang pagbibigay ng bagong pangalan sa mundong ito. Gamitin muna natin yung dating pangalan nito. Anyways, salamat ha, kahit na alam kong walang anuman ito sayo, naapreciate ko talaga ang pagtulong mo. Bilang simula ng ating gagawing proyekto ay nais kong ibahagi sayo ang mga gusto kong mangyari sa Little Big Planet. Una ay ang pagtubo ng maraming mga puno upang magbigay ng sapat na oxygen at sumagap ng maruming hangin. Magsisilbi rin itong pagkukunan ng pagkain para sa mga nakatira dito. Ikalawa ay ang pagkakaroon ng iba't ibang uri ng hayop na makikita sa lupa, tubig, at himpapawid upang maging kahalili ng mga residente ng mundong ito; upang maging pagkain na rin kung kinakailangan. Parang ang lungkot naman kasi kung walang nakikitang mga hayop sa paligid. Ikatlo ay ang paglitaw ng iba't ibang anyong tubig katulad ng dagat, ilog, sapa, at lawa pati na rin ang mga anyong lupa na katulad ng burol, bundok, lambak at talampas. Isama mo na rin yung bulkan pero yung hindi sumasabog, dapat display lang. Pwede mo bang palitan yung kulay ng mga ulap gamit ang dreamy pastel colors? Yung tipong nakikita sa fantasy novels at movies. Lagyan mo na rin ng araw sa umaga, buwan at mga bitwin naman sa gabi ang alapaap upang magbigay liwanag sa sangkalupaan. Sa ngayon ay yan muna ang hihilingin ko sayo, tsaka na yung iba."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 27, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Altered EarthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon