CHAPTER SEVENTEEN: AN EYE FOR AN EYE

801 107 4
                                    

[Kamakailan lamang ay nagtrending sa social media ang dalawang casters na panay ang pagpasok sa Gates dito sa Maynila. Sadyang kakaiba kasi ang itsura ng mga ito dahil nakasuot sila ng magagarang equipments sa kabila ng pagiging F-Rank ng dalawa. Maraming nagsasabing skinner daw ang mga ito na ang ibig sabihin ay walang disenteng skill kaya dinadala na lamang nila sa equipments ang labanan. Ang ipinagtataka ng lahat ay kung saan nila nakuha ang ipinambili nila sa mga equipments na ito?]

Bumuntong hininga si Astern dahil sa balitang nakabalandra sa flatscreen TV ng Bandera Cafe.

Tungkol na naman kasi ito kina Emil at Apol na nagtrending sa Facebook mula nang maghiwa hiwalay sila sa pagpasok sa mga Gates sa Manila.

"Hayaan niyo na sila. Wag niyo nalang patulan. Titigil din ang mga yan."

Paulit ulit napinaaalalahanan ni Astern ang dalawa.

"Opo guild master. Umiiwas na nga po kami palagi eh."

"Sige na, ayusin niyo na ang mga dapat ayusin dito sa cafe para makauwi na tayo."

Kanya kanyang gawa ang bawat myembro ng guild sa pagaayos at paglilinis ng buong cafe.

Imbes na magpatayo ng building si Astern para sa Bandera ay mas pinili na lamang niyang magpatayo ng cafe upang kahit papano ay may pinagkakaabalahan sila kapag wala sila sa Gate.

Naging regular na tagapagbantay dito si Maki habang si Emil at Apol ang pumapasok sa mga Gate.

Pumapasok din naman si Astern, kasama si Riz ngunit mas nakatutok siya sa pagtuturo dito patungkol sa combat strategies sa loob para hindi na maulit ang nangyari sa kanilang dating guild.

Masunurin naman si Riz at hindi mahirap turuan kaya't hindi masyadong stressed si Astern sa nakaraang mga araw.

Pauwi na sana ang grupo nang isang babae ang nagmamadaling pumasok sa pintuan ng cafe.

Parang binugbog ito dahil may marka ng pasa sa gilid ng kanyang labi.

"Tulungan niyo ako, nagmamakaawa ako. May mga lalaking naghahabol sa akin."

Kaagad namang nilapitan ni Maki ang babae upang alalayan ito.

Ilang saglit pa ay namataan ni Astern ang grupo ng mga lalaki sa labas ng cafe kaya kaagad itong lumabas upang komprontahin sila.

Mas mabuti nang sa labas mangyari ang gulo kaysa sa madamay pa ang cafe.

Hindi naman nagpahuli sina Emil, Apol, at Riz dahil kaagad din silang sumunod sa kanilang guild master.

"Anong kailangan niyo? Sarado na ang cafe, bumalik na lang kayo bukas."

Kalmado lang si Astern habang kinakausap ang mahigit dalawampung mga lalaki.

"Alam naming nanjan sa loob ang babae, ilabas niyo siya."

Nagpupumilit na pumasok ang lalaki ngunit kahit anong gawin niyang pagtulak kay Astern ay hindi ito umuusod.

"Anon ba kasing problema? Bakit hinahabol ng higit dalawampung lalaki ang nagiisang babae sa dis oras ng gabi?"

"Ano bang paki alam mo ha? Basta't ilabas niyo siya kung ayaw niyo ng gulo maliwanag?!"

"Guild master mukhang rapist yata ang mga mokong na to ah."

Hindi naman pinansin ni Emil ang pahayag ng lalaki. Bagkus, ay kaswal nitong kinausap si Astern.

"Kung ganon, ako na ang bahalang tumawag sa mga pulis."

Nagdial si Apol sa kanyang telepono at nagkunwaring may kinakausap.

The Altered EarthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon