CHAPTER TWENTY NINE: RECRUITMENT

696 117 10
                                    

Disclamer: All names mentioned in this chapter -- even those based on real people -- are entirely fictional. Any resemblance to real people, living or dead is purely coincidental. ✌😆

Nang dumating si Astern kinabukasan sa cafe, isang napakahabang pila ng mga tao ang kanyang nadatnan.

Kung pagmamasdang mabuti ay para silang mga nakapila upang mag audition sa Starhunt; may kanya kanyang dalang portfolio na naglalaman ng canilang credentials.

Ngunit unang tingin pa lang ni Astern ay alam na niya na ang mga taong ito ay ang mga casters na nais sumali sa Bandera.

Katulad ng ibag mga pila na lagi laging nakikita saan man sa bansa, wala ring kaayusan ang isang ito.

May mga nakaupo sa gilid na tila tamad na tamad, may mga walang paki-alam kaya't nakatutok lamang sa smartphone, may nagchichismisan tungkol sa latest issue ng mga celebrity pati na rin sa mga nangyari sa pinanood nilang teleserye kagabi, mayroon ding gumagawa ng iba't ibang paraan para lang makasingit sa napakahabang pila.

Ganito ang ugali ng mga Pilipino sa pilahan. Mabuti na lamang at nandoroon sina Apol, Emil, at Riz upang asikasuhin ang kaayusan sa pila.

Yun nga lang at madalas silang napapasigaw dahil ang ibang mga casters ay walang disiplina sa sarili; mga hindi marurunong makinig at sumunod sa Instructions.

Iginala muli ni Astern ang kanyang paningin sa mga casters upang ang range ng ranks ng mga ito.

Doon niya nalaman na karamihan sa kanila ay kabilang sa pinakamababang ranggo, ang F-Rank at ilan naman ay kabilang sa mas matataas na rank.
Yun nga lang at tanging D-Rank lamang ang may pinakamataas na kank sa nasabing pila at mabibilang lamang ang dami nila gamit ang dalawang daliri.

Ngunit hindi nawalan ng pag-asa si Astern dahil sa umpisa pa lang ay tiyak na niya na ganito ang mangyayari.

Bagong guild lang kasi ang Bandera at alam niyang hindi pa ito gaanong kilala sa publiko at sa mata ng madla kaya't normal lang na walang casters mula sa mataas na ranks ang magkakainteres na sumali dito.

Mas gugustuhin pa nilang sumali sa malalaking guilds katulad ng Mines, Tatsulok, o Pilandok dahil sa naguumapaw na kasikatan ng mga ito. At kapag sila ay pinalad na makasali sa kahit saan man sa mga ito ay tiyak na dala dala nila ang kasikatan ng kanilang guild.

Kaya ang mga nakapila dito ngayon ay ang mga casters na tinanggihan ng ibang mga guild; mapa malalaki man o maliliit na guild.

Kumbaga wala na silang ibang choice kundi kumagat sa recruitment ads na ipinost ng Bandera sa internet dahil ito na lang ang natitirang paraan upang makasali sila sa guild. Nagpunta sila dito ngayon hindi dahil sa gusto nila kundi wala lang silang ibang choice.
Pagkatapos ng obserbasyon ni Astern ay ipinagpatuloy na niya ang pagtuloy sa cafe ngunit nang akmang papasok na sana siya sa loob ay biglang may sumigaw mula sa kanyang likuran.

"Hoy bata! Anong ginagawa mo jan sa harap? Pumila ka sa likod oi. Bawal sumingit hinayupak ka!"

Isang grupo ng F-Rank casters na nakapila sa bandang harapan ang nakapansin kay Astern. Masama ang mga ito kung tumingin sa kanya at tila ano mang oras ay lalamunin siya ng mga ito.

Bukod sa lalaking sumigaw ay may apat pang lalaki at dalawang babae sa grupo nila.

Halata namang nagpapasikat lang ang mga lalaki sa dalawang babae sa pamamagitan ng pagbalandra nila ng kunyaring katapangan.

Kung gawin nila ito ay baka sakaling magkaroon sila ng chance makatikim ng ligaya kasama ng mga babae mamayang gabi.

Alam ng lahat na sa mundong ito, ang malakas ang laging tama. Kahit pa umapi sila ng ilang libong mahihina ay tama pa rin sila. Gugustuhin at hahangaan pa rin sila ng mga tao.

The Altered EarthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon