CHAPTER ELEVEN: WEAKNESS OF THE DEITIES

830 137 9
                                    

"Tumayu ka."

Kaagad na tumalima si Maki sa utos ni Astern. Mula sa pagkakaluhod ay tumayo siya katulad ng sabi ng kanyang master.

Kahit papano ay medyo awkward pa rin kay Astern ang nagaganap sa kasalukuyan dahil hindi siya sanay na mayroon siyang inuutusan.

Isa pa ay may anyong tao si Maki kahit na ito ay isang encantada kaya nais niyang ituring ito gaya nang normal na pagturing niya sa ibang tao.

Ibig sabihin ay igagalang niya ang human rights ni Maki kahit na ito ay hindi literal na tao.

Mas tumindi pa ang pagkaasiwa ni Astern dahil sa kanina pang pagtitig sa kanya ng encantada. Tila hinihintay nito ang susunod na utos ni Astern sa kanya.

"Ow...kay."

Napabuntong hininga si Astern habang pinagiisipan ang susunod niang sasabihin.

"Tutal nakuha ko na ang kailangan ko sa lugar na ito, tara uwi na tayo sa Maynila."

Nang akmang aalis na si Astern ay naramdaman niyang may humila sa kanyang damit.

"Um, master, bago natin lisanin ang lugar na ito, baka naman pwedeng dalhin natin ang kayamanang ipinagkatiwala ni Bathala sa akin."

Biglang napatigil sa kanyang kinatatayuan si Astern dahil sa narinig mula kay Maki.

Oo nga pala, may kayamanan palang nasa kustodia ni Maki na nakatago dito sa kabundukang ito.

Bilang tagapangalaga, kinakailangang dalhin ni Maki ang kayamanan saan man siya magpunta.

Hindi na nagdalawang isip pang pumayag si Astern sa hiling ni Maki sa kanya. Tutal may parte din naman sa isip niya na nagsasabing gusto din niyang makita kung anong klaseng kayamanan ang sinasabi sa mga kwentong narinig niya noong bata pa lamang siya.

Nalaman ni Astern na may kakayanan palang makipag isa si Maki sa kagubatan. Kahit na hindi niya makita ang literal na katawan ni Maki ay naririnig pa rin naman niya ang boses nito na nagtuturo sa kanya ng direksyong dapat puntahan.

Nagcast ng《Accelerate》si Astern para masabayan niya ang mabilis na galaw ni Maki.

Sa kabilang banda nama'y kinailangan ding bagalan ni Maki ang kanyang paggalaw upang masabayan ang pagtakbo ng kanyang amo.

Nagpatuloy ang paguusap ng dalawa hanggang makarating sila sa lugar kung saan nakatago ang kayamanan.

Isang malawak na lawa ang nadatnan nila. Sa linaw ng tubig nito ay maaari nang makita ang mga bagay na nasa ilalim nito.

Namangha si Astern sa nakita niya. Hindi niya sukat akalaing may ganitong lugar pala dito sa gitna ng kabundukan.

Kung tutuusin nga'y tila wala siya sa Pilipinas sa mga pagkakataong ito dahil sa sobrang kaiba ang itsura niyo sa mga lugar na bihirang makita sa bansa.

Ilang saglit pa'y natuon ang atensyon ni Astern sa mga isdang lumalangoy sa ilalim ng tubig.

Napansin niyang ngayon lamang niya nakita ang mga ito. Walang tilapia o bangus na nandoon o ano man sa mga alam niyang uri ng mga isda.

Napasinghap si Astern nang mapagtanto niya kung anong uri ang mga nakikita niya ngayon.

"Nessie! Hala! Totoo si Nessie, andito siya at marami sila! Omaygad!"

Narinig ni Astern ang tawa ni Maki mula sa likod niya.

"Sino si Nessie master? Mukhang kilala niyo ang mga nilalang na yan."

May halong pagtataka at tuwa ang tanong na iyon ni Maki.

"Hindi, si Nessi ay isang fictionla character lang mula sa 'The Water Horse Legend of the Deep' movie na napanood ko noong bata pa ako. Ganyang ganyan talaga ang itsura niya."

The Altered EarthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon