CHAPTER THREE: CASTER GUILDS

1K 144 6
                                    

Tribo Guild, Manila Branch

Tok, Tok, Tok...

Isang katok ang gumambala sa pagiisip ng guild leader ng Tribo na si Lakandula.

"Pasok."

Pagbukas ng pinto ng kanyang opisina ay bumugnad ang isang magandang babae.

"Anong meron Beany?" ang tanong niya sa kapatid na si Lakambini.

"May dumating na government representatives at nagrequest sila na sumali ang guild natin na gagawing rescue operation sa mga expedition teams na hindi pa nakababalik hanggang ngayon. Nangangamba ang gobyerno sa kaligtasan ng mga researchers pati ang mga casters na pumasok sa Gates. Malaki ang matatnggap na gantimpala ang mga guilds na sasali sa operasyon na ito" ang pagpapaliwanag ni Lakambini.

"Kung ganon magpadala ka ng mga myembro natin upang tumulong. Bilang isa sa top 10 guilds ng Pinas, kailangan nating patunayan ang abilidad ng guild natin sa ibang guilds" sagot ni Lakandula.

Laban Pilipinas (LP), Manila Guild Headquarters

"Leader, may request ang local government unit na hilingin ang cooperation natin sa gaganapin na rescue operation sa makalawa. 13 expedition teams pa daw kasi ang hindi pa nakakabalik mula sa Gates na inimbestigahan nila" ang report ni Bumble Bee sa guild leader nila na si Kiko Krunch.

"Pag malaki ang offer, patulan mo na" ang utos ng leader sa kanang kamay niya.

Bali, Indonesia

Sa gitna ng bakbakan ng mga halimaw at mga adventurers na kabilang sa South East Asian Casters Alliance, isang Pilipino ang nakikipagtuos sa tatlong Buto Ijo, isang halimaw na may itsurang troll.

Kahawig nito yung berdeng troll na may hawak na club sa Digimon.

"Hydraulic Press."

Biglang lumakas ang gravitational pull sa lugar kung saan nakatayo ang mga Buto Ijo. Bumaon ang lupa habang dahan-dahang napyuko ang mga halimaw dahil sa biglaang pag bigat ng kanilang mga katawan.

"RaAwRrrr."

Pilit na nilalabanan ng mga halimaw ang malakas na gravity ngunit hindi sila nagtagumpay. Napaluhod ang mga ito hanggang sa tuluyan na silang dumapa sa lupa at ang kanilang mga katawan ay isa isang napiyot.

Mabilis na natapos ang labanan sa pagitan ng tatlong halimaw at ng lalaki.

Walang kahirap hirap na pinatay ng lalaki ang mga Buto Ijo gamit lamang ang isang skill.

Nang magapi na ng lalaki ang kanyang mga kalaban ay tumakbo na ito papunta sa iba pa niyang kasamahan upang tulungan ang mga ito.

"Travelator."

Biglang nagkaroon ng lane na pwedeng daanan sa harapan ng lalaki. Sa loob ng lane ay may gumagalaw na arrows pasulong. Pumasok ang lalaki sa area ng skill niya at tumakbo ng napakabilis.

Nang nasa daan na siya patungo sa mga kasamahan niya, biglang tumunog ang smart phone niya.

"Ring, ring..."

Huminto siya saglit para sagutin ang tawag.

"Hello? Oh Ichigo, may kailangan ka ba?"

"Report lang boss, pinatatanong ng gobyerno kung sasali daw ba tayo sa rescue operation ng mga guilds sa makalawa."

"Ganon ba? Sige tapusin ko lang to. Sabihin mo join tayo."

Ang lalaking ito ay si Dipper Pines, ang guild leader ng Mines Guild na naka base sa Baguio.

The Altered EarthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon