CHAPTER NINETEEN: THREAT

800 114 9
                                    

Simula nang magbukas ang Bandera Cafe ay unti unti nang nakikilala ang pangalan nito sa lugar. Dahil dito, bawat araw ay padagdag nang padagdag ang customers na pumupunta dito.

Salamat sa Gourmet Machine na binili ni Astern sa [System Store] na kayang lumikha ng lahat ng mga putaheng makikita sa buong kalawakan, mapa appetizers, beverages, main courses, or desserts pa yan.

Ang kinakailangan lang ay maglagay ng ingredients sa nakalaang lalagyan at pagkatapos ay mag inject ng magic power sa machine at ito na ang bahalang gumawa ng kahit na anong pagkain.

Dahil Gourmet Machine ito ay garantisado rin ang kalidad ng mga pagkaing ginagawa nito.

Kaya naman katulad sa mga nakaraang araw, dagsaan na naman ang mga customer ngayon.

Maliban kasi sa mga dine-in customers ay may iba pang pila ang mga customer na gustong mag take-out ng pagkain.

Dahil sa nababalitang kasikatan ng Bandera Cafe ay hindi maiwasang mabahala ni Jerry Chan, ang may ari ng Jher Bucks, isang sikat na cafe sa Pilipinas.

Simula kasi nang maitayo ang bagong cafe sa tapat nila ay paunti na nang paunti ang mga customer na pumupunta sa kanila.

Iginala ni Jerry ang kanyang paningin sa buong cafe at napansin niyang tanging mga emleyado nalang niya ang nandito sa loob.

Kailangan niyang gumawa ng paraan upang maagapan ang problemang ito dahil
kung hindi ay tiyak na masisira ang imahe ng Jher Bucks kung saka sakali.

Ang cafe na ito ang pinakamahalagang pamana ng kanyang mga ninuno sa kanilang angkan simula pa noong taong 1895 kaya hindi siya papayag na masira ito sa panahon na siya ang kasalukuyang tagapamahala.

Twenty five years old pa lang si Jerry ngayon ngunit isa na siya sa mga leading business tycoon sa Pilipinas.

Nagawa niyang magdagdag ng mahigit isang daang panibagong branches ng Jher Bucks sa iba't ibang nayon sa bansa.

Ganon pa man ay hindi siya papayag na madaig lang siya ng isang pipitsugin at maliit na tindahan ng milktea.

Napangiti siya habang iniisip ang napakaraming paraan upang pabagsakin ang pangahas na cafe na yon.

"Alam mo na ang gagawin."

"Yes boss."

Kaagad na umalis ang lalaking kanina pang nakatayo sa harapan ng kanyang office table pagkarinig nito sa utos niya.

Makalipas ang mahigit kumulang sampung minuto ay isang grupo ang dumating sa harap ng Bandera cafe at sila'y pumwesto sa likod ng nakapilang mga tao.

Nakasibilyan ang mga ito upang bumagay ang kanilang itsura sa mga taong nandirito.

Sila ang secret special force ng Jher Bucks na bihasa sa paggawa ng paraan upang manatiling country's number one company ang Jher Bucks.

Pagkatapos ng higit anim na oras ay sa wakas dumating din ang pagkakataong makapasok sila.

Sa pagpasok palang ay amoy na amoy na nila ang masarap na amoy ng pagkain kaya naman hindi nila napigilang mapalunok at makaramdam ng gutom dahil sa matagal na paghihintay.

Gusto man nilang panindigan ang kanilang misyon ay tila mas nanaig ang tawag ng kanilang kalamnan lalo na at muhang masasarap ang mga pagkain sa menu na nakapaskil sa counter.

Kanya kanya silang pumila at nag order ng gusto nilang pagkain sa counter at pagkatapos ay sunod sunod nilang inokupa ang karamihan sa mga lamesa sa lugar.

Nang isa isang dumating ang inorder nilang mga pagkain ay hindi nila mapigilang mapalunok dahil mukhang napakasarap talaga ng itsura.

Walang anu ano pa'y nilantakan na nila ito hanggang sa maubos.

The Altered EarthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon