CHAPTER TWENTY FIVE: HIGHBREED

824 105 13
                                    

"Master, ang mga halimaw na yan..."

Tinuro ni Panther ang mga bangkay ng dalawang halimaw na nakahandusay pa rin sa sahig ng terrace ni Astern.

"...may nagmamay-ari sa kanila at tingin ko ay may balak silang masama sa inyo. Mabuti na lamang at nakita ko sila kaagad habang minamanmanan nila kayo habang natutulog."

Kumikislap ang mga mata ni Panther sa dilim habang isinasalaysay ang mga nangyari sa kanyang amo.

Tumango naman ng bahagya si Astern bilang pagsang-ayon sa pahayag ni Panther.

Sa totoo lang ay kanina pa niya alam ang mga bagay na ito. Pati na rin ang lokasyon ng may-ari ng mga owls kasama ang apat pang casters na kasalukuyan silang nakapwesto sa loob ng 100 kilometer radius na kayang maabot ng senses ni Astern.

"Panther, bumalik ka sa pagiging pusa, tara na at salubungin natin sila."

Hinuha ni Astern na isang Beast Tamer ang nagmamay-ari ng mga halimaw na pinatay ni Panther dahil sa grade ng mga ito.

Nang iaccess kasi niya ang System Archive upang hanapin ang impormasyon patungkol sa mga halimaw na nakalista sa hidden tome na nabili niya sa System Store dati na may titulong《How to Tame Your Monster》, ang dalawang halimaw ay tinatawag na Sentry Owls at graded sila bilang B-Rank monsters. Nocturnal sila at flying type kaya mas mahirap silang hulihin at paamuhin kumpara sa mga halimaw na nasa lupa kaya tiyak ni Astern na Beast Tamer lamang ang may kakayahang magpaamo ng ganitong uri ng halimaw.

Ngunit hindi lamang pipitsuging caster ang nagmamay-ari ng mga ito kundi may mataas din siyang ranggo; maaaring S-Rank o A-Rank.

Alam ni Astern ang tugkol sa shared vision skill ng mga Beast Tamer kung saan maaari nilang makita kung ano man ang nakikita ng kanilang tamed beasts kaya sigurado siyang alam ng Beast Tamer na siyang may ari ng nasabing owls, na si Panther na nasa anyong pusa ang pumatay sa mga alaga niya kaya mas mabuti na lamang na bumalik muna si Panther sa pagiging pusa upang hindi malaman ng mga kalaban na kaya nitong magbago ng anyo. Mas mainam na ring magtago ng mga baraha upang gamitin sa kritikal na pagkakataon.

Muling lumiit ang katawan ni Panther at di kalaunan ay bumalik muli siya sa pagiging pusang itim. Ngunit dahil sa suot niyang《Kavach-Kundal Armour Set》ay nababalutan na ngayon ang buo niyang katawan ng maliliit at makislap na kaliskis na parang yari sa obsidian kung titignan.

"Meow."

Dinampot ni Astern ang pusang si Panther at sa paghagod ng kamay niya ay nadama ang maliit na kaliskis na bumabalot sa katawan ng kanyang pusa.

Napangiti si Astern sa malaking pagbabago ng kanyang alaga lalo pa at ngayon lamang siya nakakita ng pusang may kaliskis. Naalala niya tuloy yung Merlion fountain sa Marina Bay, Singapore.

Nilagay ni Astern si Panther sa kanyang balikat at pagkatapos ay gumawa siya ng portal patungo sa kinaroroonan ng kanyang mga bisita.

Three kilometers mula sa appartment ni Astern,

Dahil sa malalim na pagiisip ni Brain ay napilitang magdahan dahan ang grupo sa paglalakad. Ayaw kasi nilang istorbohin ang kanilang team leader sa kanyang pagbubulaybulay kaya naman sila na mismo ang nag adjust.

Isang saglit pa ay isang portal ang bigla na lamang bumuka sa kanilang harapan na gumulat sa kanilang lahat. Natigil din sa pagiisip si Brain at kaagad niyang inutusan ang lahat na ihanda ang mga sarili upang makipaglaban.

Bumuo ng formation ang grupo ni Brain. Pumwesto sa harapan si Martial upang protektahan ang kanyang mga kasama. Kaagad namang tumabi sa kanya ang tatlong Mutated Hellhounds ni Abel na bukod sa mataas na attack damage, mataas din ang kanilang depensa.

The Altered EarthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon