Chapter 45: Wag Kang Umalis

9 0 0
                                    

Napansin ni Kenny na wala ng kalaban .. Kaya naman gumawa sya ng fireworks ,para malaman ng marami na tapos na ang digmaan at ang bayan nila ang nanalo

Napatalon ang iba dahil sa tuwa habang pinapanuod ang fireworks ..Nakahinga ng maluwag ang iba dahil tapos na ang laban ..

Samantala .. Sila Zen at Demi naman ay hindi masaya .. Habang naka yakap si Demi kay Zen ,dahan dahan naman itong tinutulak ni Zen palayo sa kanya .. Pakiramdam ni Zen ay wala syang silbing ama sa mga anak nya ,dahil hindi nya ito naipag tanggol .. Dahil sa mithiing makaganti sa kanyang uncle ,sinisisi nya ang kanyang sarili dahil sa ganung pakiramdam

Si Demi naman ay ng hihina .. Hindi nya alam kung bakit ,hinawakan nya si Zen dahil pakiramdam nya ay babagsak sya pag wala si Zen .. Sobrang namimilipit ang tyan nya .. pati ang ulo nya ay nasakit din . Pakiramdam nya ay nato torture sya ng buhay

"Zen" bulong ni Demi at bigla nalang nawalan ng malay ,buti at naalayan sya kagad ni Zen

"Demi ?" tawag nya kay demi at tinapik tapik ito pero hindi ito nagigising .. Napag pasyahan nyang buhatin si Demi at hanapin sila maam cheska ,nasa loob sila ng clinic

Hindi naman masyadong nasira ang mga bahay ng sa Fairy Land dahil sa gubat sila nag laban laban .. At naiibalik din naman ni Asheru sa dati ang mga nasirang ibang gusali

Nanapapansin ni Zen na nagiging kulay violet si Demi na lubos nyang ipinagtataka .. Hindi nya alam kung bakit nagiging violet ang balat ni Demi kaya naman nag madali sya tumakbo papuntang clinic

Zen POV

Andito na ako ngayon sa clinic at nakita ko sila Dalia na nag aasikaso ng ibang sugatan .. Kitang kita ko sa mukha ni Demi na nahihirapan sya

"Dalia ,asan sila maam cheska ?" agad na tanong ko

"Nasa kabilang room---A- anong ng yayari kay ate Demi ?" natatarantang tanong nya sakin

Umiling ako at tumalikod sa kanya ,pero pagkaharap ko ay may nakita akong isang matandang babae na papalapit sa pwesto namin

"Ang fetus .. kailangan mailabas kagad dahil sya ang may gawa nyan kay Demi" sabi ng matanda

"Dito mo sya ilagay" sabi naman ng nakita ko kaninang nagamot kay Demi

"Mas malakas pa sa kamandag ng ahas ang lason ng baby nyo .. Maria ,tulungan moko ." seryosong sabi ng matanda

"Mag sialis muna ang ibang hindi kailangan" sabi ni Maria

Tiningnan ko muna si Demi na hanggang ngayon ay nahihirapan pa din sa kalagayan nya

"Demi ,mag pakatatag ka" sabi ko using inner voice

Lumabas ako ng clinic at sumandal sa pader .. Ayokong mawala si Demi sakin .. Wala na sila Wich at yung baby namin ,ayokong pati si Demi ay mawala .. Hindi ko kakayanin pag ganun .. Baka mag pakamatay ako

"Mahal na prinsepe" napatingin ako sa tumawag sakin .. Yung matandang babae (si Aling Nana)

"Wag ka sanang magagalit sa sasabihin ko .. " panimula nya "Gusto mo bang mabuhay si Demi ?" tanong nya .. Tumango lang ako "Kung ganun ,lumayo ka muna sa kanya .. Iho ,hanggat andyan ka ,si Demi ay mahihirapan .. Yung baby nyo sa loob ay natanggal na ,pero yung lason ay nasa katawan pa" dugtong naman nya

Fairy Land - The Towns Girl Revenge [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon