Demi POV
Dalawang taon na ang nakakalipas nung gumaling ako at hanggang ngayon ay hindi pa din nabalik si Zen .. Dalawang taon ko na din syang hinahanap .. Akala ko kase nung araw na magaling na ko ay babalik sya hindi pala ..
Bumalik na sa dati ang lakas ko ,tatlong araw nung umalis si Zen ay unti unti kong nakababawi ang lakas at kapang yarihan ko hanggang sa manumbalik na talaga ako sa dati
Dala dala ko palagi si Wich para hindi ako mag isa ,kung saan saang bayan ako napunta para lang makita si Zen pero ni prasensy nya ay hindi ko maparamdaman ..
Nakaupo ako ngayon sa karwahe habang hawak hawak si Wich .. Isa nalang talagang manika si Wich at wala ng buhay ,ayokong itapon o ilibing si Wich dahil ang katawang manika at ala ala nya nalang ang naiwan sakin .. Ganun pa din sya ,mukha pa ding manika ang pinagkaiba lang ay ,naka pikit na ung mata nya
Napansin kong tumigil na ang karwahe kaya naman bumaba na ko .. kakaibang lugar .. Anong lugar kaya to ? Hindi sya bayan ,para syang .. Syudad ?
Bigla akong na excite ,andito kaya si Zen ? Para kaseng nararamdaman ko sya dito eh
May iba ng klase ng sasakyan at ibang iba ito sa lugar namin
"Nag nanakaw !!" napatingin ako sa babaeng sumigaw .. May hinahabol syang lalaking may hawak ng bag .. Mag nanakaw din naman ako ,pero dati yun .. Iba na yung ngayon .. Dahil papunta naman sakin yung lalaki ay gumawa ako ng invisible ice at ginawa ko yung pang patid sa kanya
Ng mapatid naman sya ay agad ko syang tinadyakan sa tyan kaya namilipit sya sa sakit
"Yung bag ko .. Ikaw ! Hmmpp !!! Dapat lang yan sayo !!" galit na sabi ng babae habang sinisipa sipa yung lalaki .. May mga dumating namang parang mga kawal at kinuha yung lalaki .. "Ahmm .. salamat" napatingin ako sa babaeng nag pasalamat sakin
"Walang anuman" sabi ko naman
Inilahad nya yung kamay nya sakin at ngumiti sya ng malapad "Ako nga pala si Candice ,ikaw si ?" pakilala nya
Tinanggap ko naman yung kamay nya at ngumiti din sa kanya "Demi" sabi ko
"Demi ,gusto mo bang sumama sakin pauwi sa bahay ? Gusto lang talaga kita pasalamatan .. " sabi pa nga ,tumango naman ako kaya naman niyaya na kagad ako
.
.
.
.
Nasa tapat na kami ng isang malaking bahay .. Kakaiba talaga dito kumpara sa ibang bayan .. Napahinto ako ng may maramdamang kilalang presensya .. Anditi sila .. Andito sila Lenard at Zen
"Ok ka lang ba ? " Tanong sakin ni Candice .. Tumango lang ako sa kanya .. Niyaya na nya akong pumasok .. Kinakabahan ako .. Sa wakas makikita ko na sya .. Unti unti kong nararamdamang nag iinit ang gilid ng mata ko ..Hinawakan kong maigi si Wich ..
Pag pasok namin ay lalong lumakas ang tibok ng puso ko ,ramdam na ramdam ko na yung excitement .. Andito talaga sila .. Makinita kona talaga sya
"Uy ,bakit ka naiyak ?" tanong uli ni Candice sakin ..
Umiling naman ako at pinunasan ang luhang tumulo sa mga mata ko at tumingi sa kanya "Wala .. Masaya lang" sagot ko naman sa kanya
BINABASA MO ANG
Fairy Land - The Towns Girl Revenge [COMPLETE]
FantasySa lugar Ng Fairy Land ay may mga ibat ibang uri Ng nilalang .. Hindi mga pangkaraniwan Ang lakas at may mga kapangyarihang taglay Ngunit ,Hindi lahat Ng Tao ay may mga kapangyarihan .. Ang iba kase ay karaniwan lamang .. Kapag may kapangyarihan Ang...