Chapter 13: Ashley

20 4 0
                                    

Demi P.O.V

Nakatingin ako dito sa puntod nila aling Sally..

Si Aling Sally, Kelly, Jen, Kimy at Lenlen .. Lima kagad ang nawala kay Klen .. At alam kong mahirap yon para sa kanya .. Kung ako ngang hindi naman talaga kadugo eh nahihirapan .. Pano pa kaya si Klen ?

Mahal na mahal ni Klen ang mga kapatid at mama nya .. Hindi nya binibigyan ng pagkain ang parents nya na galingsa Nakaw .. Ako lang naman nag nanakaw eh ..

Tiningnan ko si Klen na naka tingin lang dito sa puntod ng mama at ng mga kapatid nya.. Lumapit ako sa kanya at niyakap sya mula sa likuran

"OK lang ako" sabi ni klen..  Ganito sinasabi nya pag niyakap ko sya tapos may problema sya..

"Wala akong pake" ganito naman sinasagot ko..  Alam ko kaseng problema sya..  Pero may pake Pa din ako ..

"Bakit ka nga pala andito ?may trabaho  ka diba? " pag iiba nya ng topic..  Kumalas naman ako sa pag yakap at umupo sa tabi nya

"Wala ka na don" sabi ko habang naka tingin sa langit

"Kinakausap mona uli ako.. Nakakamiss palang makipag usap sayo"

This time, napatingin na ako sa kanya .. Namiss nya makipag usap sakin ? Well .. Simula namatay ang parents ko hindi na ako gano nakikipag usap

"Mas mamimiss mo sila" sabi ko habang naka tingin ng deretso sa mga mata nya ..

Unti unti namang nanunubig yung mga mata nya kaya umiwas sya ng tingin at tumungo

"Hindi ko.... Hindi ko sila na protektahan.. Nahuli ako ng dating..  Ako pinakamabilis dito tapos... " panimula nya ..

Alam kong kanina pa nya pinipigilang umiyak .. Pero alam kong sobrang bigat na ng dinadala nya .. Kaya naman niyakap ko uli sya .. Kahit na nakatigilid sya sakin

"Shh... " pag papatahan ko sa kanya .. Ayokong makita sya na ganito ..hindi ako sanay ..

Pinunasan nya yung luha nya tapos tumingin sya sakin .. Ang lapit ng mukha namin sa isat isa kaya naman kumalas nako

"Nahuli ako Demi..  Nahuli ako..  Kung mas binilisan ko Pa sana..  Sana buhay Pa sila..  O di kaya..  Kahit isa sa kanila"  kitang kita ko sa mga mata nya ang lungkot at galit .. Alam kong napapagod na sya ..

Pag ka tapos nyang sabihin yon ay niyakap nya ako .. Kaya naman niyakap ko din sya at hinimas himas ang likod nya ..

Para sakin kapag ang lalaki ay umiyak ,ibig sabihin lang nun ay hindi na nya kaya .. O dikaya seryoso sya ..

"Bakit ka nga pala andito ?dapat diba nasa fairy land ka ng ..."hindi na nya itinuloy yung sasabihin nya..  Alam kong si Akimoto ang sasabihin nya kaya agad na akong sumagot

"School ang pinapasukan ko .." Sabi ko

"Sa school ka nag ta trabaho ?" Tanong nya sakin

"Oo .. Nag aaral din ako.. Niyaya ako nila Zen na pumunta sa bayan tapos sinabi sakin ni mang kanor na may ng yaring hindi maganda kaya naman kinabahan ako at nag tungo papunta sa bahay nyo tapos nadatnan ko nalang yung bahay na ganun ..pati si kelly" paliwanag ko..

"Mabuti pa siguro kung bumalik na kayo" sabi nya .. Napakunot naman ang nuo ko sa sinabi nya"hahanapin ko yung gumawa nun kina mam---" hindi ko sya pinatapos.. Dahil gusto ko ding makita yung mga gumawa nun kina ina at ama..  Nakakainis dahil pati ang magulang ni Klen dinamay..

Fairy Land - The Towns Girl Revenge [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon