mahal, ang bilis naman ng takbo mo
ni hindi ko pa naaapak ang mga paa papunta sa'yo,
o nahawakan ang iyong mga kamay,
o nasilayan ang 'yong mukha
mahal, sana hintayin mo ko
at bagalan ng konti ang iyong pagtakbodahil sa bawat ikot ng mundo
at pagpatak ng oras, sa bawat palakpak at hiyawan para sa'yo,
lumalayo ka na sa paningin
at anino mo nalang ang laging naaabutan ko
sana bagalan mo pa?
para makahabol naman ako sa'yomahal, natatakot ako
na baka pag gising ko bukas
tuluyan ka nang wala
na kung gaano kitang kabilis na minahal
ganun ka rin kabilis mawawalabagalan mo pa sana ang 'yong pagtakbo
para masamahan kita sa pupuntahan mo
pero kung kailangan ka na ng mundo
at ako'y di na mahihintay pa,
sana alam mong mahal pa rin kita
kahit nasa malayo ka
sana alam mo pa rin, mahal,
na may tagahanga kang
pwede mong balik-balikan
talikuran ka man ng iba.
YOU ARE READING
Deepest Part of the Ocean
PoetryMy thoughts are unfiltered like an ocean; some words are unexplainable, and like life, my words come from somewhere. A journey, a lesson, a heartbreak, and everything in between.