Neverland

68 13 0
                                    

ilang araw din kaming nagkasama tuwing gabi dun sa lumang hagdanan na bato.

ang haba kung bibigkasin palagi yung tawag sa lugar na yon. kaya sabi ko sa kanya:

"ano kaya kung tawagin natin ang lugar na to na Neverland?"

natawa sya.

"diba yun yung lugar kung saan nakatira si peter pan ?"

    "Oo, yun nga yon"

"Bakit naman neverland ?"

"kasi ang haba kung sasabihin natin yung lumang hagdan na bato ayoko naman palaging sabihin ang same spot baka pag may nakarinig isipin ng makakarinig nagdadrugs tayo dito"

nagtawanan kaming dalawa.

"Maganda din ang movie na peter pan no?"

   "Oo, isa yun sa mga movie na bumuo ng childhood ko"

"favorite ko din yan noon"

    "ang ganda din kasi ng mga lines nila"

tapos nagsabi ako ng isang lines sa movie na peter pan.

   "think of the happiest things, it's the same as having wings"

alam mo ba pag iniisip kita para na din akong lumilipad?
(sabi ko sa isip ko)

"all it takes is faith and trust"

sabi naman nya.

"diba? so neverland na ngayon ang pangalan ng lugar nato"

ang dami na din namin napag-usapan naikwento ko na din sa kanya sila alexa, rizza at david.

ikinwento ko din kung paano ako naging masaya noong nag outing kami.

ang dami kong nai-share about sakin sa kanya

na favorite ko ang ulam na kare-kare,
mahilig ako sa Coke,
mahilig ako sa anime, at yung pagiging weird ko.

sya naman ay nagshare din about sa kanya. na di na sya nakatungtong sa kolehiyo dahil nagkaroon nga ng problema sa pamilya nya.

di na nya sinabi kung anong problema pero sinabi nya sakin ang birthday nya. May 2. at favorite din nya ang guitar hero at isa daw syang introvert o di sya masyadong nakikipag usap dahil nga nahihiya sya.

pansin ko nga din na palagi syang nakayuko pag naglalakad.

"kung introvert ka bakit mo ko kinausap?"

"kasi kinausap mo ko"

Oo nga naman. ako nga pala ang kumausap sa kanya kaya nya lang ako kinausap dahil kinausap ko sya

"next month na pala ang birthday mo"

"di naman ako nag hahanda pag birthday ko, bumibili lang ako ng isang Pilsen tapos yun na. happy birthday to me"

"bakit naman? nasan ang pamilya mo? masaya mag-celebrate pag kasama ang pamilya"

tapos bigla syang natahimik.

parang na-gets ko na yung problema nya. at bigla kong iniba ang topic.

"So paano na yan? 2 days na lang aalis ka na"

"Babalik din naman ako"

sa ilang araw na pag sasama namin. naging close na kaming dalawa. di na sya nahihiya sakin.

parang sakin nya napapakita kung sino talaga sya.

at ganun din ako.

gusto kong maging totoo sa kanya

Sa susunod na habang buhayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon