Something in the rain

44 12 0
                                    

malapit na ang graduation

ako at si carlo hindi ko alam kung paano ie-explain kung anong meron kami

lumalabas kaming dalawa

binibigyan nya ako ng mga regalo

sweet sya sakin,

ano ba dapat ang i-expect ko ? pumayag na nga pala ako na subukan kong mahalin sya

di ko alam ang tawag sa ganitong relasyon pero hindi na dapat ako pumayag

dahil alam kong masasaktan lang sya sa huli at ang pinaka ayoko ay yung ako mismo ang makasakit sa damdamin nya

ayokong maramdaman nya yung nararamdaman kong sakit

paano ko ba sasabihin kay carlo na ihinto na namin to?

siguro ganito din ang nararamdaman ni kyle nung gusto na nyang makipaghiwalay sakin dahil ayaw nya na umasa ako sa wala

ang hirap

ayokong makasakit pero kung patatagalin pa mas lalo lang lalala ang sitwasyon

"althea? gusto mong mamasyal ?"

nakareceive ako ng text mula kay carlo

"saan?"

"ikaw ? kung saan mo gusto"

bigla kong naisip na ito na siguro ang pagkakataon para makapag usap kami

"gusto mo ba dito na lang tayo samin? sa bukid?"

"Oo, sige mas okay yon! bibili ako ng makakain natin bago ako magpunta dyan"

naipakilala ko na din si carlo sa magulang ko pero bilang matalik na kaibigan lang

yun ang sinabi ko sa kanila

wala naman problema kay carlo dahil hindi pa naman talaga kami.

"malapit na po ako"

nagtext ulit sya

"Sige po, lalabas na ako sa kalsada para abangan ka"

naghintay lang ako sa may waiting shed at nakita ko na ang sinasakyan na tricycle ni carlo

ang ganda ng mga ngiti nya sakin

nakokonsensya tuloy ako

itong taong to, sila yung mga taong hindi deserve masaktan

pero ano ba'ng gagawin ko? naiipit ako ng sitwasyon pero kahit patagalin ko pa to kahit sabihin ko ngayon o sa ibang araw ganun lang din naman

makakasakit ako ng tao

masasaktan yung tao na minamahal ako ng totoo

kung naipoprogram lang ang puso sya ang ilalagay ko dito para mahalin

si carlo na lang

pero hindi

hindi mo pwedeng diktahan ang puso mo kung sino ang mamahalin nito

di mo kontrolado

kahit anong gawin mo wala kang magagawa kahit pilitin mo ang sarili mong magmahal ng iba

hinding hindi ka nya susundin

kagaya ng puso kong sobrang kulit

"althea bumili ako ng paborito mong chicken joy at spaghetti sa jollibee sinamahan ko na din ng peach mango pie at coke"

ang laki ng ngiti ni carlo

naisip ko siguro kung di ko nakilala si kyle itong lalaki na to ang kinababaliwan ko ngayon

Sa susunod na habang buhayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon