Airplane

89 14 2
                                    

   pagkatapos ng summer outing namin balik na naman sa dati ang lahat. normal summer vacation na iisip ka pa ng gagawin para lang malibang mo ang sarili mo at makaiwas sa pagka BORED.

☑️ maglaba
☑️ Hugas ng pinggan
☑️ magwalis
☑️ magpunas ng mga display

Okay na. mukhang tapos na ang mga house chores ko, pwede na kong gumala gala.

iniisip ko kung pupunta ako ng bukid o ng game center malapit dito sa may lugar din namin, ilang lakad lang naman yon dito.

habang di pa ko nakakapagdesisyon. naligo muna ako at dahil summer nga mas feel ko magsuot ng rainbow tiedye shirt.

naglalakad na ko ng may biglang humila sakin at tinakpan ang mga mata.

"Hulaan mo kung sino ko?"

Sa boses pa lang at sa haplos ng kamay alam ko na kung sino yon.

si david.

alam ko na si david yon dahil palaging malamig ang kamay nya. para syang yelo, kung may boy version ng movie na frozen pwede syang gamitin na character kapalit ni elsa

"David!"

"naks! ang galing naman kilalang kilala ang boybestfriend nya"

"Syempre naman!"

sagot ko na may yabang sa tono.

humarap na ko sa kanya.

"napakakulay mo naman"

"ha?"

"ang kulay ng damit mo e. para kang araw nakakasilaw ka. pero mas nakakasilaw ang ganda mo"

"Hu! Bola!"
sabay hampas sa braso nya.

"San ka pupunta ngayon ms. Althea? at maaari ba akong sumama sa iyong lakad?

sa tono ng pagsasalita nya para syang makata noong panahon pa ng mga lolo ng lola namin.

natawa ako sa nakakatawa nyang punto.

"Baliw ka din ano?"

"so san ka nga pupunta ?

"iniisip ko kung sa bukid ba o sa game center e."

"kung di ka makapagpasya bakit hindi na lang pareho?"

"tama ka nga!"

"kasama mo naman ako"

Nagpunta kami sa game center.

naglaro kami ng Guitar hero.

ano pa bang ibang lalaruin kundi ang number 1 favorite ko. walang kupas! ako pa din ang Highscore! walang makatalo talo sakin.

kahit nga si david napahanga ko sa pagiging number 1 player ng Guitar hero II

"PANIS!"

"yabang mo! oo na ikaw na ang number 1. so ? saan naman tayo?"

"sa bukid na"

Hindi na nakakasama samin sila alexa at rizza dahil nga may sarili silang business pag ganitong bakasyon. pero nakakasama pa din naman sila paminsan minsan na nga lang.

"woooow! ang ganda naman dito"

sa istura nya parang ngayon lang sya nakakita ng bukid.

"Para naman ngayon ka lang nakakita ng bukid?"

"nakakita na pero hindi ganito kaganda, hindi ganito kapayapa"

Sa susunod na habang buhayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon