Sparks fly

123 13 4
                                    

Linggo ng umaga,

Maaga kaming gumagayak para sa pagpunta sa aming kapilya para sumamba.

ganun lang naman ang nangyayari buong linggo. papasok sa skwelahan at pagdating ng sabado at linggo maglilinis ng bahay, maglalaba at pupunta ng kapilya kinabukasn

pero parang itong Linggo na to ay iba sa mga linggo na dumaan.

parang may iba akong nararamdaman

may kaba sa dibdib ko na di ko naman alam kung saan nagmumula.

kinakabahan ba ako dahil natatakot ako? o dahil tumitibok na ang puso ko? pero para kanino naman ? e hindi pa nga ako nagkakaroon ng Matatawag na taong mahal ko.

Oo, Crush meron. madami nga e.
pero attracted lang ako sa kanila sa pisikal nilang anyo.

pero di ko naramdaman tumibok tong puso ko para sa mga crush ko na yon.

tumitibok lang tong puso ko kapag nakakapanood ako ng horror movie o pag alam kong papagalitan ako ng tatay ko.

sino ba naman di titibok ang puso sa sobrang kaba 😂🤦🏻‍♀️

gabi na naman.
oras na para kumain.

"bumili ka nga ng softdrinks bago tayo kumain."

pag utos ng tatay ko sakin.

kinuha ko yung pera at nagpunta na sa pinaka malapit na tindahan dito samin.

ang dilim naman! nakalimutan ko pa magdala ng flashlight. medyo ma-Puno din kasi sa lugar namin kaya nakakatakot.

habang papalapit ako sa tindahan may matangkad na lalaki na bumibili ng sigarilyo

huminto muna ko sa gilid at hinintay syang masuklian

pagharap nya sakin.
natulala ako!

tama nga! hindi nga ito ordinaryong linggo.

totoo na ba to? o gigisingin na naman ako ng kapatid ko mula sa panaginip na to.

"miss? excuse me"

duon na lang ako natauhan, at isinarado ang bibig ko mula sa pag nga nga. natulala yata ako ng matagal, sana di nya napansin.

gumilid ako para makadaan sya.

naglakad lang sya ng diretso at sinilip ko sya. tinignan ko kung saan sya pupunta at laking gulat ng dun sya sa apartment pumasok.

"Sila pala ang bagong lipat dun"

Hindi pala ako nananaginip, hindi pala yon imahinasyon, hindi pala yon dala ng init ng panahon. totoo sya! totoong totoo sya.

nakatulala pa din ako.

at biglang nagulat dahil sa paghampas sakin ng kapatid ko.

"Hoyy! kanina ka pa hinihintay! lumamig na ang pagkain natin kakahintay sayo! ano bang ginagawa mo dyan at nakatulala ka?!"

"wala! ewan ko ba baka dala ng puyat"

pagsisinungaling ko.

"wag mo na ko isumbong. sabihin mo na lang may aso at di ako makadaan"

pakikiusap ko.

"Osige na nga ikaw talaga! minsan di ko alam kung kapatid ba talaga kita e"

biro nya.

nagtatawanan kaming dalawa.

pagdating namin sa bahay yun nga ang sinabi nya. na di ako makadaan dahil tinatahulan ako ng aso.

Sa susunod na habang buhayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon