Commuovere

334 14 0
                                    

"basta palagi mo lang tatandaan na mahal na mahal kita althea"

        "kyle bakit ganyan ang tono mo ?"

"althea, Deserve mo maging masaya dahil isa kang mabuting tao at kahanga-hangang babae, deserve mo bigyan ng buong oras at atensyon, deserve mo ng tao na makakasama mo araw araw"

      "Ano bang sinasabi mo kyle? hindi kita maintindihan!"

"Hindi ako yung taong karapatdapat mahalin ng kagaya mo dahil ako hindi ko maibibigay sayo ang oras ko, palagi akong malayo sayo, naisip ko na di talaga ako, ayoko ng patagalin pa dahil ayokong mas masaktan ka pa"

"Kyle! sino ka para sabihin sakin kung sino ang dapat kong mahalin ha? sino ka para sabihin sakin kung kanino ako dapat sumaya??"

"Makakalimutan mo din ako, makakahanap ka din ng lalake na palagi mong makakasama hindi yung katulad ko na palaging malayo sa tabi mo, hindi yung lalake na hindi pa sigurado kung maaabot pa ang mga pangarap nya"

  "Kyle? nakikipaghiwalay ka ba sakin??"

"Hindi ako karapat-dapat mahalin ng babaeng kagaya mo. napaka espesyal mo"

     "Pero sayo ako masaya kyle!!!"

"Hindi ka habang buhay magiging masaya sakin"

"Paano na ko pag wala ka!!? Naisip mo ba yon??! paano ako kung wala ka sa buhay ko? PAANO NA KO KYLE!!?"

"Kyle! parang awa mo na wag mo kong iiwan! nakikiusap ako"

"kyle ko! mahal na mahal kita! diba sabi mo hindi mo ko iiwan? sabi mo di mo ko sasaktan?? sabi mo ako lang mamahalin mo habang buhay"

"ikaw lang ang mamahalin ko habang buhay"


Ilan lang ito sa mga salitang naaalala ko parin hanggang ngayon

nung iniwan ko si althea dahil wala akong lakas ng loob ipaglaban sya

di mo talaga masasabi kung hanggang saan ka dadalhin ng takot

takot na di mo maibigay ang tamang pagmamahal sa kanya

pero mas nakakatakot pala pag dumating yung araw na marealize mo na hindi mo pala kayang mawala sya pero wala ka ng pagkakataon para bawiin lahat ng sinabi mo

mas nakakatakot pag dumating yung oras na naubusan ka na ng pagkakataon...

*Kyle's Point of view*

Sa susunod na habang buhayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon