Euphoria

53 14 0
                                    

      |Dec. 31

Nag aayos na ang lahat para sa New year

kumpleto na din ang 12 na bilog na prutas para daw swerte ang pagpasok ng taon.

ready na din ang mga fireworks and fountains namin.

ako naman iniisip ang aking new year's resolution.

at kung gumagana pa ba ang pagtalon sa new year ng exact 12:00 am para tumangkad

       *1 message received.

    "samahan mo naman ako mag new year mamaya ☹️"

kawawa naman si kyle, wala syang kasama i-celebrate ang bagong taon.. naiipit naman ako dahil kailangan ko din makasama ang pamilya ko.

paano ko hahatiin ang oras ko na kasama ang pamilya ko at kasama din sya?

haaay! paano ba hatiin ang katawan? 😢

pwede bang maging dalawa muna ako mamaya?

  "Gagawa ako ng paraan mahal promise🤗"

Yun na lang ang naging reply ko sa kanya.
----

3 hours na lang papasok na ang bagong taon.

may countdown na din sa tv habang nagsasaya ang mga artista doon.

nanonood lang ako ng tv

at iniisip pa din kung paano ko hahatiin ang sarili ko mamaya.

paano kaya kung 12:00 ay magpapaputok kami ng fireworks tapos mga 12:30 pupuntahan ko si kyle sa labas.

     "kita tayo sa neverland mamayang 12:30 kyle, sorry kung di kita makakasama ng exact 12:00 am dahil kasama ko ang pamilya ko"

"Okay lang po mahal, hintayin kita ha?"

----
naghagis na sila nanay ng barya sa ilalim ng lamesa. lahat yata ng pampaswerte ay ginawa na nya. nakasuot sila ng polka dots at ako naman nagsuot ng itim na may design na my chemical romance.

ready na din ang mga torotot namin.

.
.
.

10
9
8
7
6
5
4
3
2
1

HAPPY NEW YEEEEAAAR!!! 🎉🎉🎉

    sinindihan na ni tatay ang mga fireworks. ang ganda! kitang kita namin pati yung mga nagpapaputok sa ibat ibang lugar.

kitang kita yon samin dahil malawak yung bukid namin.

kaya halos lahat kita mo doon.

     12:30 am na.

nagpaalam ako na bibili lang sa tindahan ng Coke.

tumakbo ako ng mabilis.

nagpunta na ako sa hagdan

madami pa din fireworks sa taas.
ang ingay ng paligid.

nakita ko nandoon na si kyle.

tumakbo ako sa kanya, niyakap ko sya

niyakap nya din ako pabalik

di ko alam pero naiiyak ako..

tears of joy dahil ngayon may kasama na ako

taong mahal ko at taong mahal ako.

masaya dahil sinalubong namin ang bagong taon ng magkasama.

tuloy pa din ang pagputok ng mga fireworks. kahit sa itaas ng pinagkakatayuan namin biglang may malaking fireworks na sumabog

Sa susunod na habang buhayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon