Morosis

49 13 0
                                    

Hindi pa din nawawala sa isip ko yung gabing hinalikan ko sya.

parang ako pa yung lalaki saming dalawa. parang ako pa yung nanliligaw.

nako kyle! ang pabebe mo

pero wala naman sigurong masama kung manligaw ang babae lalo't alam nyang gusto nya yung tao.

bakit? lalaki lang ba ang may karapatan manligaw?

paano kung ayaw mo naman yung mga nanliligaw sayo?

|December 15 na.

bukas na pala ang simbang gabi.

napagdesisyunan namin na kumpletuhin ang buong simbang gabi nila alex.

pumasok na ko sa school.

pumasok ako na blooming na blooming. natuto na akong mag ayos ng sarili naglalagay na nga ako ngayon ng eyebrow dati eyeliner lang na parang kamukha ko yung vocalist ng evanescence.

"Wow! ang blooming naman ng beshy namin"

sabi ni rizza.

"aba! mukhang wala ng problema ang bruha!"

"Hindi no! hindi pa nga umuuwi ang nanay ko balak na nga namin syang hanapin e"

"ang ganda mo"

Bulong naman sakin ni david.

namula ako bigla.

"uy nag-blush ka althea anong sinabi ni david sayo?"

"bakit ba tinatanong mo pa alex? panira ka talaga, parang hindi ka kaibigan nyan e."

Nag uusap sila na parang sila lang ang nagkakaintindihang tatlo.

Kaya lang naman ako namula sa sinabi ni david dahil hindi ako sanay na nasasabihan ng maganda ako ng lalaki

pero bukod kay kyle. dahil iba si kyle, hindi hiya ang nararamdaman ko pag sinasabi nyang maganda ko.

kilig

yun yung nararamdaman ko.

"Tuloy ba tayo bukas?"

Tanong ni david na tinutukoy yung simbang gabi.

"Oo naman!"
sabi ni Rizza

"Kailangan kumpletuhin natin yon ng magkakasama. minsan lang naman e. tyaka next year makakahiwahiwalay na tayo ng school"

Oo nga pala, malapit na kami grumaduate bilang fourth year student.

kaya napa Oo na lang din ako na kumpletuhin namin yung simbang gabi.

kahit ang gusto kong kasama ay si kyle.

-----
Bago ako nagpunta sa Circle nagpaalam muna ako kay kyle na kukumpletuhin namin ang simbang gabi ng mga kaibigan ko kaya hindi ako makakasama sa kanya sa neverland.

Pinilit ko din syang sumama sakin para ipakilala ko sya kila alex, para na din maniwala na si alex na hindi ko imahinasyon si kyle.

di ko din alam dun kay alex, kahit alam naman nyang nagkakatext kami ni kyle hindi pa din sya naniniwalang nag eexist yung tao dito sa mundo.

"sige na kyle! sumama ka na sakin para din makilala ka na ng mga kaibigan ko"

"Ayoko, nahihiya ako. ikaw na lang, samahan mo muna ang mga kaibigan mo"

"gusto din kasi kita makasama mag simbang Gabi"

"pwede naman tayo magsimba ng tayong dalawa lang, siguro next time 😉"

Sa susunod na habang buhayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon