Chapter 7EUPAA: Sorries and kisses

1 0 0
                                    

Chapter 7EUPAA: Sorries and kisses
/EXOR UNIVERSITY: powers and abilities/

REALX POV
sabi ko naman sa inyo Hindi niyo magugustuhan ang ugali ko.
Ako kase yung tipo ng taong mainitin ang ulo. Maiksi ang pasensya. At walang pake sa nararamdaman ng iba.
Alam Kong Hindi yun tama. Pero ginagawa ko lang kung anong naranasan ko dati.

Naiinis talaga ako sa babaeng yun. Bukod sa bentangera napaka pasmado pa ng bibig.

Mabilis talaga akong magalit sa mga ganun kaya Hindi ko napipigil ang sarili ko.

Balak ko sana siyang gawing abo gamit ang mga kamay ko pero pinigilan lang ako ni Mr. Drake.

Nakakainis! Hindi pa kami tapos ng babaeng yun.
**
Nandito ako ngayon sa training room ko. Sisiw lang sa akin lahat ng itinuturo.
Fireball, flaming fire, fire shield, and etc. Wala na bang hihirap.
Napansin niyo puro fire. Ako kase ang Second major pajens. And I held the fire element.

Kung gaano kainit ang apoy ganun din kainit ang ugali ko.

" Tama ba ang nabalitaan ko? Tinangka mong patayin gamit ang sarili mong mga kamay ang bagong estudyante ni Mr. Drake? " tanong sa akin ng Mentor ko.
Ms. Elaine Foxler ang name niya and I called her Ms. Ela . Simula pagkabata ko siya na ang nagtuturo sa akin.

Parang nanay ko na nga yan eh. Di ko nga alam kung bakit wala pa siyang asawa eh 40s naman na siya. Maganda naman siya at mabait. Pero minsan masungit.

Lagi akong pinapagalitan niyan. Siya lang ang nakakakontrol sa Ugali ko.

"Alam mo na pala." I said without emotion.
"Ilan beses ko bang sasabihin sa Iyo na Hindi tama yang ginagawa mo." She said pero di pa naman galit.

"Isa lang naman siyang mahinang babae Hindi niya nga nagawang ipagtanggol ang sarili niya." Saad ko at tumingin Kay Ms. Ela with a proud smile.

"Ah ganun?" Agad siyang lumapit sa akin.

Eto na naman. Piningot niya ang tenga ko at hanggang ngayon ay di niya parin binibitawan.

"*Aray* Ms. Ela masakit. *aray* . Sorry na."

"Wag ka sakin mag sorry. Gusto ko lumapit ka sa kanya at mag sorry. Hindi mo dapat tinatrato ng ganyan ang mga babae." Nanggigigil niyang sabi.

Babae? Bakit nag iisip rin ba ang mga babae na nasasaktan din kaming mga lalaki.

"Ayoko nga. Siya naman may kasalanan." Pagmamatigas ko.

"Ah ganun?" MA's lalo niyang nilakasan ang pagpingot na nagpasakit lalo sa tenga ko.

"OO NA. SIGE NA. HAHANAPIN KO NA SIYA AT MAGSOSORRY." Wala na talaga akong nagawa.

Kaya naman binitawan niya na ang pagkakahawak sa mapupula Kong tenga.

"I will put my eyes on you. Ako ang makakalaban mo kapag Hindi ka humingi ng sorry kanya." Pagbabanta sa akin ni Ms. Ela. kahit kailan talaga.

Agad nang umalis si Ms. Ela at ako eto nakasimangot.
Saan ko naman hahanapin ang babaeng yun? Baka nasa library? Cafeteria? O women's building?
"ARGGHHHHH NAKAKAINISSS" Sigaw ko.
At tyaka dapat siya nga ang manghingi ng sorry sa akin. Kasalanan naman niya. Humanda ka sa aking babae ka.
**
NITICIA'S POV
*dorm*
"Supergirls let us have a swim today? " paanyaya ni Mitch.

Supergirls na talaga ang tawag namin sa group namin. Maganda naman diba?

"That is a good idea." Pagsang ayon ni Niana.

May swimming pool nga pala dito sa EXOR.

"Are you in niticia?" Tanong sa akin ni Claire habang nakahawak sa kanyang chin.

EXOR UNIVERSITY: Powers And Abilities (On Going)Where stories live. Discover now