Chapter 7

6 0 0
                                        

Nasa tapat kami ng isang bahay, hindi iyon kalakihan pero maaliwalas ang labas may mga iba't ibang halaman sa tapat niyon. May puno ng atis at manga sa gilid ng bakuran. May maliit na espasyo para sa pahingahan.

Kasama ko ang lahat ng mga kaibigan ko. Sa totoo lang gusto ko na ako lang ang pumunta pero dahil na rin sa nangyari kagabi ay minabuti nilang samahan na lang ako. Hindi na ako nagmatigas pa at hinayaan na lang sila.

"ito na ba iyon?" tanong ni Yna. "sabi nung nasa kanto itong may puno ng atis at manga daw e, ito lang naman ang may puno ng atis at manga dito sa area."

"what are you waiting for? Bakit di niyo pa tawagin yong sadya natin dito." maingay nasabi ni Khris.

Magdodoorbell palang kami ay nakita ko na agad ang sadya namin, dadamputin pa lang niya ang hose para magdilig. Hindi na ako nag atubili pa agad ko siya tinawag.

Matamis na ngumiti siya sakin. "magandang araw po Sir. Arnold" magandang pagbati ko.

"oh mga bata, ano ang iyong sadya?" lumapit siya sa gate at binuksan iyon. "pasok muna kayo"

Nagkatinginan muna kami ng mga kasama ko saka sumunod kay Sir. Arnold. Dinala niya kami sa maliit na espasyo ng pahinganan niya sa ilalim ng manga. "sandali lamang at kukuha ko kayo ng maiinom"

Pumasok siya sa loob ng bahay niya mga 15 minutes din siyang nandon pero bumalik din agad. May dala itong isang pitsel na may tinimplang orange juice at mga baso may tinapay din nakasama. "ay bonga!" si khris. Napangiti lamang si Sir. Arnold sa inasta ni Khris.

"nakakahiya po at nagabala pa po kayo" pagpapaumanhin ko.

"sus ineng wala iyon, nakakatuwa nga't nagkaroon ako ng bisita e" nakikita ko naman ang sinsiridad sa mukha ni Sir. Arnold.

"bakit po wala po ba kayong kasama rito?" si Yna.

Don lamang lumungkot ang mukha ni Sir Arnold. " tumigil na ako sa pagtuturo ngayong taon na ito. Ang mga anak ko'y iniwan na ako, I mean may mga sarili ng pamilya. Matanda na ako kaya gusto ko na din makapagpahinga tutal malaki na din ang naipon ko mula sa pagtutro ko ng mga ilang taon na. Sapat na iyon para mabuhay ako hangga sa mamatay ako"

Nalulungkot ako dahil sa katandaan ni Sir.Arnold ay magisa nalamang ito. Nung una'y galit ako dahil sa nangyaring pagpatay na itinago niya. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan niyang itago ang bagay na iyon. Ano ang dahilan kung bakit pinili niyang itago ang lahat para lang sa mga hayop na iyon na gumawa ng masama.

Huminga ako ng malalim. " I'm so sorry to here that Sir..." si Zion. "but Sir we came here because we need your help" walang paligoy na sinabi ni Zion iyon.

"oh? Ano iyon gagawin ko hangga't kaya ko"

Tumingin sakin si Zion na parang sinasabi na ako na dapat ang magsabi. Tumango ako. Humarap ako kay Sir.Arnold. Nakita ko ang pagkalito sa kanya.

"Sir, if you remember the incident 5 years ago. Sa School Sir."

Nakita ko ang pagkabalisa sa kanyang itsura. Mukhang naalala pa nga niya iyon.

"sa babaeng namatay sa loob ng Cr"

Tumingin sakin si Sir naparang sinasabi na tumigil na ako sa pagsasalita na parang ayaw niyang marinig ang mga sasabihin ko.

"I know Sir, you know what happen 5 years ago because..."

"please umalis na kayo, wala akong alam sa sinasabi mo"

"but Sir. She need a justice, para manahimik ang kanyang kaluluwa dahil kung hindi baka may buhay na ang mawala" napataas ang aking boses.

"hindi ko po alam kung ano ang dahilan niyo para itago ang lahat ng ito. Alam kong tinakot kayo ng tatlong lalaki na iyon pero hindi niyo po ba naisip na may isang kaluluwa na kailangan ng hustisya."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 29, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The King Of SpecterWhere stories live. Discover now