Chapter 3 :
-1944
Isang taon at kalahati na ang lumipas ay nanatili kami sa pagtatatrabaho sa pamilyang Rivera. May pagkakataon na nagkakaroon nang diskusyon sa pamilyang Rivera mula nang dumating si Don Santimo. Nag-aalala sila sa kanilang anak na si Marshall na hanggang ngayon ay hindi pa din umuuwi mula ng malaman ang sikretong pagtayo ng Grupo laban sa mga hapon.. Ayon kay Don Santimo ay umalis ito upang magtago, walang nakakaalam kung saan ito pumunta. Kaya lubos lubos ang pag aalala ni Donya Maria sa kanyang anak.
Maski ako'y nag aalala hindi naman nauubusan ng pagbabantay ang bahay nila ng mga sundalo.
Kaya kahit papaano ay nababawasan ang aming pag aalala.
Nababalot kami araw-araw ng takot pero wala akong magawa kundi ang magdasal sa gabi para sa kaligtasan naming lahat.
Nagsisimula na din bumuo ang lahat ng mamamayan sa aming lugar ng alyansa laban sa hapon , mula sa magsasaka.
Nagpaplano sa maduguang digmaan.
"Agnes?" tawag sakin ni Aling Cintia.
Nasa kusina kami samantalang nag huhugas ako ng pinagkainan namin. Pinunsan ko muna ang aking kamay saka ako humarap kay Aling Cintia.
"bakit po aling Cintia?"
"ipinatatawag ka ni Don Santimo"
"bakit daw ho?"
"pumunta ka na lamang roon" tumango na lamang ako saka siya umalis sa harap ko.
Sakto ay tapos na ako sa aking ginagawa kaya sinamantala ko iyon upang puntahan si Don Santimo sa labas ng bahay habang may hawak na kopita marahil ay umiinom na naman ito ng alak.
"Don Santimo , ipinatatawag niyo raw ho ako?"
"Ikaw ba si Agnes?" naguguluhan man ay tumango ako bilang pagsagot sa kanyang tanong.
Sa totoo lang ay kinakabahan ako sa tuwing titingin sa kanya o di kaya ay magsasalita siya, dahil tingin ko ay palagi siyang galit or laging nakasigaw. Siguro dahil sa kanyang malaking boses at striktong mukha.
"Ikaw pala ang babaeng naiibigan nang aking anak" tango tango pa niyang sabi.
Nagulat ako sa kanyang sinabi, wala akong alam sa totoong nararamdaman ni Marshall na meron pala siyang pagtingin sakin. Maging ang pansinin iyon ay hindi ko naman nabigyan ng atensyon, siguro dahil ay isinantabi ko ang bagay na iyon. Kaya hindi ko napapansin. Wala rin naman akong alam sa bagay na iyon dahil kahit kailan ay hindi ako nagkaroon ng nobyo. Maraming nagtatangkang umakyat ng ligaw ay hindi ko pinapayagan lalo na ang gusto kong unahin ay ang makaalis sa hirap.
"mukha nagkakamali ho yata kayo Don Santimo" nahihiyang sabi ko.
Pero ang totoo ay natutuwa ako, at nakakaramdam ng pagusbong saking damdamin na ngayon ko palang nararamdaman simula ng magkita kami ni Marshall. Alam kong sa tuwing makakausap at makikita ko si Marshall ay may hindi ako mawaring pakiramdam, na bumibilis ang tibok ng puso at natutuwa ako sa laging presensya niya at atensyon na binibigay.
"kailan ma'y hindi nagkamali ang aking anak, Agnes" may pagkaistriktong sabi niya. Na parang mali ata ang aking sinabi.
"patawad ho, Don Santimo. Hindi naman po iyon ang aking ibig ipahiwatig." napayuko na lamang ako dahil pakiramdam ko ay nagalit siya dahil hindi niya nagustuhan ang aking sinabi.
Itinuro niya ang upuan na nasa harap niya, inialok niya iyon sakin kaya naman ay sumunod ako at umupo, magkaharap na kami ngayon.
" palagi kaniyang bukang bibig sakin nang kami ay tuwing maguusap, at natutuwa akong nakita na niya ang babaeng mamahalin niya habang buhay. Nag-iisa lamang ang aking anak, matapang siya sa digmaan ngunit sa kanyang totoong nararamdaman ay duwag siya. Kaya marahil di pa niya na aamin sa iyo ang kanyang pagtingin"
YOU ARE READING
The King Of Specter
Paranormal"August 12 , 1945, that was the night I died" This is story of the two people named Agnes and Marshall who has a tragic love story back then. They met on 1943, when the Japanese came and seize the Philiphines.