Chapter 4 :
-1944
Matapos ang pagbabalik ay umalis muli si Marshall upang magtago alam kung iniisip niya ang aming kalagayan. Ngayon binabatayan ang aming tirahan.
Lumipas ang apat na buwan. Malapit narin ang araw ng pasko. Bumalik muli si Marshall.
Nasa hapag kainan na silang lahat at tuwang tuwa silang makitang narito na si Marshall. At ganon din ang aking nararamdaman. Halos hindi na ata mawala ang paningin ko sa kanya at may minsan pang nagkakasalubong ang aming paningin pero sa huli ay ako ang unang umiiwas.
Natapos ang umagang iyon na masaya ang lahat. Panay na din ang tukso sakin ni Solidad at ni Ida.
"aba'y Agnes , masyado ka na atang nalilibang dyan?" si Ida.
Nagdidilig ako ng halaman ngunit ito ay panay ang pagsulyap ko sa bintana ng silid ng kwarto ni Marshall. Hindi kasi siya maaaring lumabas nang gantong may liwanag pa dahil baka'y makita siya ng mga sundalo sa labas.
Hindi ko pinansin ang mga sinasabi ni Ida, dahil alam ko naman na puro panunukso lamang ang gagawin niya.
Naramdaman kong lumapit siya sakin.
" Agnes, paalalahanan lamang kita, nagtatago sa mga hapon si Marshall kaya nasa delikado ang kanyang buhay kung maaari lamang layuan mo siya baka iyan ang magiging mitsya sa inyong magkapatid. Hindi ako tutol sa inyong dalawa nag-aalala lamang ako sa mga mangayayari pa" mahabang paliwanag ni Ida.
Napabuntong hininga na lamang ako , dahil kahit ako'y yon din ang aking inaalala. Yon din marahil ang aking dahilan kung bakit ko tinanggihan si Marshall sa pag ibig niya. Ayaw kong maging makasarili dahil nakasalalay pa din ang buhay namin.
"naiintindihan ko Ida, dahil ako yan din aking inaalala"
" mali ang panahon at pagkakataon sa inyong dalawa. Hintayin mong dumating ang tamang panahon at pagkakataon , dahil naniniwala ako darating iyon Agnes"
Niyakap ko si Ida nagppasalamat ako dahil meron akong kaibigang tulad niya.
Minsan ko pang muling tinignan ang silid ni Marshall at nakita ko pang tumingin siya sakin at ngumiti. Ngunit imbes na ngitian siya ay nagpanggap na lamang akong hindi siya nakita. Pinagpatuloy kong muli ang pagdidilig at tinapos iyon. Sabay kaming pumasok ni Ida sa loob. Nakasalubong pa namin si Don Santimo'ng naggagayak sa kanyang pag alis.
Nakiisyoso pa si Ida sa isa pang katulong, ngunit ako'y dumiretsyo na sa kusina. At pumunta sa likod bahay. Sinimulan kong kunin ang batya at mga maruruming damit namin at dumiretsyo sa poso na naroon din.
Panay din ang aking pagbuntong hininga.
Nasasakatan ako sa katotohanang kailangan kong iwasan siya kahit alam kong palagi ko siyang makikita dahil nasa iisang bahay lamang kami nakatira.
Paano ko kaya siya iiwasan? Baka nga'y makita ko lang siya'y magharumintado na ang puso ko.
Pinagpatuloy ko lang aking ginagawa, maya maya ay nakita kong palapit sakin si Solidad. Ngumiti ako sa kanya at ganon din siya. Ang mga ngiti niyang sobrang inosente na parang walang iniindang problema sabagay wala naman talaga siyang pinoproblema sa kanyang pag aaral ay maaari pa sapagkat ayon lamang ang gusto niya. ngayon pang itinigil na ang eskuwela.
" ate nababagot ako rito, wala akong magawa maaari ba kitang tulungan sa iyong pag-lalaba?" tanong niya. Tumango ako nang may ngiti at pinalapit siya sakin.
"kunin mo ang batya at banlawan mo na lamang itong mga damit"
Masaya niyang sinunod iyon.
Pinanuod ko ang ginagawa niyang pagbabanlaw.
YOU ARE READING
The King Of Specter
Paranormal"August 12 , 1945, that was the night I died" This is story of the two people named Agnes and Marshall who has a tragic love story back then. They met on 1943, when the Japanese came and seize the Philiphines.