Chapter 5

12 3 1
                                    

Chapter 5

Taong 1945--

Natapos ang pasko at bagong taon na hindi namin nakakasama si Marshall.

Hindi rin naman naging masaya ang pagtatapos ng taon at ang pagdating nito dahil nagpatuloy na ang inaasahan namin.

Nagpatuloy ang putukan sa kung saan. Nagbigay ng matinding takot  at maraming tao ang namatay. Nagbuwis ng buhay upang makalaya sa kalupitan. Halos hindi kana makatulog sa pag aalalang baka ang bahay na tinutuluyan mo ang susunod na sasabog. Nakakaragdag rin sa aking isipan ang kaligtasan ng bawat tao'ng rito sa masyon at maging ang kaligtasan ni Marshall. Labis ang aking pangamba at takot , hinihiling na sana'y nasa mabuting kalagayan siya. Walang araw na hindi ko naisip ang kanyang kalagayan. Wala kaming balita sa mag-ama. At wala rin kaming magawa kundi ang mag alala. Lumipas na ang ilang buwan ngunit walang pagbabago. Kailan kaya matatapos ang lahat ng ito?

" kada araw nadarating ay walang oras  na hindi tayo natakot sa tuwing makakarinig na putukan at pasabog,wala tayong nagawa kundi ang magtago  na lamang sa malaking bahay na ito" si Ida.

" batid kong nag aalala ka, anong magagawa natin isangkala nating buhay natin sa labas?"

Napabuntong hininga ako dahil naiintindihan ko ang kanyang takot. Kahit ako ay natatakot. Hindi ko man amin ay labis labis ang aking takot. Ngunit wala akong magawa dahil wala akong kakayahan para tumulong dahil natatakot din ako para sa aking buhay at maging sa aking kapatid.

"pasensya kana, napapagod na akong matakot at umiyak at maghintay na lamang matapos ang digmaan na ito" naiiyak na sabi ni Ida.

"pasensya ka na din , natatakot din ako"

Pinagmasdan ko si Solidad na mahimbing na natutulog sa aking tabi. Ramdam ko din ang kanyang takot dahil sa tuwing matutulog siya ay nakakapit siya sa aking damit kung hindi naman kaya ay nakayakap sakin.

Narinig namin ang mahinang pag katok mula sa pintuan. Nagkatinginan pa muna kami ni Ida. Nagiging agresibo kami pagdating sa mga gantong bagay.

Hindi namin iyon pinagbuksan ng pinto.

"Agnes gising pa ba kayo?" narinig namin na boses iyon ni Aling Cintia.

"si Aling Cintia" sabay naming sinabi iyon ni Ida,kaya dali dali kaming pinagbuksan iyon.

"Aling Cintia naman bakit naman kasi ganon ang katok niyo, nakakatakot" Si Ida.

"pasensya na ineng , akala ko kasi ay natutulog na kayo. Ayaw ko sanang abalahin kayo ngunit mahalaga kasi ito"

Iniabot sakin ni Aling Cintia ang kapirasong papel.

"kanino po galing ang liham na ito?"

"galing iyan kay Marshall, nakasaad diyan na kailangan nating lisanin ang lugar na ito sapagkat ito ang sunod na pupuntiryahain ng mga hapon."

Dumagundong ang kaba saking dibdib at muli kong tinignan ang itsura ni Solidad na natutulog pa din , hindi na niya namalayan na may tao sa sobrang pagkakahimbing. Nakaramdam ako ng takot.

"bago sumikat ang araw ,dapat ay nalisan na natin ang lugar na ito." si Aling Cintia.

"ngunit paano aling Cintia gayong maraming mga sandalong nakabantay sa labas" si Ida.

" paparito si Marshall at ang iba pang kasapi upang sunduin tayo" si Aling Cintia.

"ngunit delikado ang kanilang balak" natatakot na sabi ko.

Kahit alam kong ang manatili rito ng matagal ay magiging mitsya ng aming kamatayan.

"wala tayong magagawa kaya magimpake na kayo ng mga gamit at mayamaya lang ay darating na ang mga iyon"

The King Of SpecterWhere stories live. Discover now