Chapter 6
_Present_
"bakit parang tulala ka diyan?" tanong sakin ni Yna. Kaibigan ko na siya mula pagkabata.
Napabuntong hininga pa ako bago ko pa nilaro ang shake na inumin na binili namin kanina sa canteen.
"wag mong sabihin na napanaginipan mo na naman iyon?"
Walang gana akong tumango sa kanya.
"baka isa sa mga kaluluwa na naman iyan"
Tama, nakakaramdam at nakakakita ako ng mga kaluluwa halos nakasanayan ko na sa buhay ko iyon. Minsan akong natatakot pero minsan ay hindi naman. Natural na matakot ako. Halos layuan na nga ako ng ibang tao ng dahil lang don. Iniisip nila baliw ako. Sino ba naman maniniwala na nakakakita ako ng kaluluwa? Kaya minsan hindi ko na lang pinapansin mga sinasabi nila.
"hays , di ko alam , sa tuwing mapapanaginipan ko iyon pag gising ko umiiyak ako, tapos alam mo yung feeling na ang sakit sakit pakiramdam ko ako yung nasa panaginip na iyon"
Hindi ko alam kung bakit ko napapanaginipan iyon matapos kong mabasa sa kauna-unahang pagkakataon ang liham mula sa lumang bahay nakaramdam agad ako nang sakit at lungkot. Mula noon ay napapanaginipan ko na.
"sabi nila pag daw nanaginip ka ng mga sinaunang panahon, na reincarnate ka daw. Ibig sabihin pangalawang buhay mo na ngayon or higit pa"
Napaisip ako sa sinabi niya. Totoo kayang nabuhay muli ako? Pero para saan? Meron bang nangyari noon na hindi na tuloy at kailangang tapusin?
Ginulo ko ang buhok ko sa sobrang frustration. Hindi ko alam kung para saan ang panaginip na iyo baka paglipas ng araw at panahon masagot na ang bagay na iyon.
Yumuko ako sa lamesa. Nangmakarainig kaming nagtatakbuhan ng mga Classmate ko.
Napabangon ako. "anong meron? Bakit maingay mga yan?"
Nagkibit balikat si Yna sakin.
" Daphne?" tawag sakin ng isang Classmate ko si Khrish.
"Bakit?" takang tanong ko. Namumutla rin ng mukha nito.
"m-may umiiyak sa Cr nagkakagulo sila doon"
"baka ikaw lang yung umiiyak?" pa birong sabi ni Yna. Alam kasi namin na si Khrish ay binabae.
"pwede ba di ako nagbibiro. Pumasok ako sa Cr may nagflash ng toilet"
"baka may tumatae tapos ayaw lumabas kaya naiyak na lang sa sobrang sakit ng pwet?" natatawa pang sabi ni Yna.
Natatawa na lang ako. "hindi, kasi tinignan ko lahat ng pinto nakabukas at walang bakas ng tao. Tapos nakarinig ako ng umiiyak. Narinig din ng mga ibang kasama ko don sa Cr"
Tumayo ako para puntahan. Alam ng lahat dito sa school na nakakakita ako ng multo.
Para tuloy akong exorcist na may special power.
Walang tao don , nangsilipin ko ang Cr wala akong naramdaman.
Bumalik ako sa upuan ko. But it bothers me so much.
Madalas sa tuwing humihingi silang hustisya sa kanilang pagkamatay ay nagpaparamdam sila sa panaginip or di kaya ay nagpapakita. Minsan hindi ko makaya sa tuwing sasabihin nila kung paano sila namatay, namatay sila dahil sa mga taong walang puso at walang takot na kumitil ng buhay. Inaalisan sila ng mga walang hiyang pumatay sa kanila ng karapatang mabuhay ng matagal. Wala silang karapatan na kumuha ng buhay at alisan ng karapatan mabuhay ng matagal. Nakakainis bakit may mga taong ganon. Mas hindi ko rin matanggap sa tuwing bata ang biktima.
YOU ARE READING
The King Of Specter
Paranormal"August 12 , 1945, that was the night I died" This is story of the two people named Agnes and Marshall who has a tragic love story back then. They met on 1943, when the Japanese came and seize the Philiphines.