A/N: (bonus chapter para kay Marshall)
Matapos ng paglaya ang siyang pagkamatay niya.
Pakiramdam ko ang buhay niya ang naging kapalit ng paglaya.
Nabuhay ako ng mahabang panahon na nagluluksa sa kanyang pagkamatay. Ngayong ako'y matanda na ay hindi ko malilimutan kung paano siya nawalan ng buhay sa aking mga braso. Sinisisi ko ang aking sarili dahil hindi ko siya na protektahan.
Ang aking mga magulang ay namatay din ng dahil sa digmaan na iyon.
Hindi na ako nakapag asawa pa dahil ang puso ko ay para lamang kay Agnes. Namuhay ako sa bundok na mag isa at pilit inaalala ang bawat alaala na meron kami ni Agnes. Ang masasayang araw na magkasama kami.
Hindi nawawala sakin na minsan akong umiyak at pilit na tinatawag ang pangalan ni Agnes. Hinihiling na bumalik ito.
Ngayong matanda na ako ay bumalik ako sa aming masyon.
" marshall ? Mabuti naman at bumaba kana mula sa bundok, kamusta ang iyong pamumuhay?" isa sa mga kasapi ng kilusan noon.
"ayos lamang"
..
Inalala ko ang mga alaala na meron kami ni Agnes sa bahay na iyon. Napapangiti ako, sariwa sakin ang bawat pagtawa at pagngiti niya sa aking alaala.Nang makapasok ako aking silid ay kinuha ko ang isang papel.
Gumawa ako ng liham para kay Agnes kahit alam kong malabo niya iyon mabasa.
Mahal kong Agnes,
Sa mga sandaling ito ay hindi na kaya ng mga kamay ko ang magsulat dahil na din sa aking katandaan. Ngunit heto at pilit kong isinusulat ang mga ito kahit alam kong malabo na mabasa mo.
Sariwa pa saking alaala ang bawat pagngiti mo. Masakit man ang ating katapusan ngunit masaya akong mananatili tapat ang pagmamahal ko sayo. Hindi ko matanggap ang iyong pagkawala. Nabuhay ako ng mahabang panahon na puno ng pagdurusa. Sa araw araw ay hindi ka nawala sa aking alaala.
Nakakalungkot sapagkat hindi tayo nabigyan ng pagkakataon na ipagpatuloy ang ating pag iibigan.
Tunay ngang yatang tayo'y hindi tinadhana o baka mali ang ating oras at hindi sa ngayon. Umaasa akong sa kabilang buhay ay pagbigyan tayong masinulan ang naudlot nating pagmamahalan. Kahit anong kaparusahan makapiling ka lang muli ay tatanggapin ko.
Ngunit isang hiling lamang ang gusto ko. Hintayin mo muli ako Mahal ko, at sisiguraduhin kong magiging tamang panahon na sa atin ang lahat.
Tatapusin ko na ang liham na ito, masaya akong mamatay na ang puso ay na sayo lamang.
Marshall,
YOU ARE READING
The King Of Specter
Paranormal"August 12 , 1945, that was the night I died" This is story of the two people named Agnes and Marshall who has a tragic love story back then. They met on 1943, when the Japanese came and seize the Philiphines.