Chapter 1

26 6 2
                                    

Chapter 1: 

Taong 1943--

"kailangan mo ba talagang umalis ,inay?" malungkot na tanong ko kay inay.

Nagpasyang umalis si inay para magtrabaho sa ibang bayan para lang tustusan ang pag aaral ko.

"hindi tayo mayaman Agnes"

Napabuntong hininga na lang ako at hinayaang umalis si inay. Ayaw ko man ay pikit mata ko na lang iyon tinanggap.

Hindi kami kayaman tulad ng ibang tao, namatay ang aking ama sa digmaan na nangyare kaya napilitan ang aking ina na mangibang-bayan para makapagtrabaho para sa pagkain at para sa pag aaral namin ng isa ko pang kapatid.

Ako si Agnes, taong 1943, panahon ng mga hapones, naging sunod sunuran ang bansang pilipinas sa pananakop ng mga hapon. Halos walang magawa ang kinikilalang Presidente ng pilipinas dahil sa takot. Pero mas nananaig sa Presidente ang pagiging pilipino at pinipiling wag sundin ang mga gusto ng hapon pero kalaunan ang paglabag sa mga gusto ay nagiging sanhi na pagkagalit nila.

"ate, bakit aalis si inay?" napabuntong hininga ako nang walang maidahilan pero sa huli ay sinabi ko pa din ang tunay na paglisan ni inay.

"kailangan niya iyon Solidad sapagkat wala tayong makakain kung mananatili si inay dito"

"malayo po ba ang pupuntahan niya?"

"ou kaya tayong dalawa lang ang magkakasama"

Tumango na si Solidad , naguguluhan man siya ay hindi na siya nagtanong pa. Masyado pang bata si Solidad para maintindahn iyon mabuti na lang at hindi na siya nagtanong nang kung ano-ano pa.

"oh sige na , maglinis kana ng iyong katawan at tayo kakain na "

Kumilos na siya, at sinimulan ko na ding maghain. Hindi rin nagtagal ang pagligo niya.

Nagdasal muna kami bago kami kumain gaya ng nakasanayan namin.

Pagkatapos ay pinagtulungan naming ayusin ang pinagkainan. Hinayaan ko siyang maghugas at ako naman ay dumiristo sa palikuran para maligo doon.

Matapos ang kong maligo ay nakita kong naglalatag ng banig ang kapatid ko. Pagtapos ay humiga na ito marahil sa sobrang pagod niya mula sa paaralan na nilalakad niya lang.

Pinatay ko ang gaserang nagsisilbing ilaw namin.

Hindi rin nagtagal ay nakatulog na din ako.

Kinabukasan hindi pa sumisikat ang araw ay gising na ako. Maaga akong nagsibak ng kahoy sa bakuran at pagkatapos ay nag igib nang tubig para sa pagligo naming pareho.

Pagsikat nang araw ay tapos na ako, gigisingin ko pa lang ang kapatid ko ay naabutan ko na itong nagliligpit ng pinaghigaan niya.

"bilisan mo at baka ika'y mahuli"

Napipikit pa kanyang mga mata. Dumiretso siya sa palikuran at naligo.

Mainit na kape at bagong lutong kamote ang parehong agahan namin.

"ate mauuna na ako dahil baka ako'y mahuli sa klase, lalakarin ko pa po ang papunta sa paaralan"

Kumuha ako ng dahon ng saging sa kusina na kinuha ko kanina.

"dalhin mo na ito at kainin mo habang naglalakd ka." inabot ko sa kanya ang dalawang katamtamang laki ng kamote na nakabalot pa sa saging.

"maraming salamat ate" inilagay niya iyon sa bag niyang gawa sa pinagtagping dahon ng niyog.

Tumango na lang ako. Hinigop ko ang mainit na kape pagkatapos ay naligo na at naghanda na para sa paaralan.

Nasa sekondarya na ako ng high skul.

The King Of SpecterWhere stories live. Discover now