Chapter 2

15 5 0
                                    

Chapter 2 :

Taong 1943

Lumipas ang ilan pang buwan ay hindi pa muli binuksan ang paaralan  para sa mga mag -aaral.

Halos hindi na din umuwi si Inay, madalang na din siyang magpadala ng pera sa amin ni Solidad.

Kaya habang walang klase ay sumasama ako kay Ida para manilbihan sa mga hapon, noong una'y kinabahan ako sa aking gagawin lalo na sa kaligtasan ko ngunit kinain ko ang takot na iyon para sa perang kikitain pangtustos sa pang araw-araw na pagkain namin ni Solidad.

"ate ilang araw na wala ka pa bang balita kay Inay?" nag aalalang tanong ni Solidad.

"wala pa din , nagpadala ako ng sulat sa kanya pero walang sagot na sulat na dumating "

Napabuntong hininga kaming pareho ni Solidad mabigat ang kalooban at higit sa lahat ay nag aalala ako sa kaligtasan ni Inay.

Ngayon pang nagsisimula na naman ang gulo sa pagitan ng militar at mga hapon.

Panay pagsabog sa kung saan na nagiging sanhi ng takot ng karamihan.

Wala akong magawa para malaman kung anong kalagayan ni inay nagaantay lang ako sa sulat na galing sa kanya.

"ikandado mo ang pinto at maghahanap muli ako ng pagkakakitaan, naubos na ang perang huling pinadala satin ni Inay"

"sige ate , mag-ingat ka"

Halos hindi ko namalayan ang paglalakad ko at nakarating ako sa bayan. Nakita ko si Ida na nasa palengke at nagtitinda ng mga gulay doon.

"Ida ?" tawag ko kay Ida. Na abala sa pagliligpit ng mga gulay sa istante

"oh, Agnes mabuti at nagkita tayo meron akong mapagkakakitaan na mas malaki laki"

"talaga ba?" nagagalak na tanong ko.

"ou Agnes, maninilbihan tayo doon sa pamilyang Rivera" si Ida.

"at pupunta tayo doon ngayon"

...

Nakarating kami sa malaking bahay, masasabi kong  hindi lang sila basta-bastang tao.

"napaka-gara ng kanilang bahay, sabi pa nila may anak daw ang mag asawang Rivera. "

"sino naman iyon?"

"sa totoo lang ay hindi ko pa siya nakita"

"Si Don Santimo ay isang kilalang Gobernador-heneral dati"

Bago pa ako makapagtanong ay may isang matandang babae ang lumabas ng malaking bahay.

"ale, kami po yung ipinadala ni Aling Sonia" si Ida.

"ay ganun ba! Aba'y pumasok kayo at kanina pa kayo inaantay ni Donya Maria"

"pasensya na po kayo at ngayon lang po kami"

"aba wala lang iyon sakin at kay Donya ,nag aalala nga siya at baka'y naligaw kayo sa pagpunta dito."

Ang totoo ay naligaw nga kami ng pumunta kami dahil hindi naman kami ganon ka pamilyar sa lugar.

"ako nga pala ang mayordoma rito ako si Aling Cintia"

"kinagagalak po namin kayong makilala aling Cintia ako po si Ida at siya naman po ang aking kaibigan na si Agnes"

"kinagagalak ko din kayong makilala"

Nakapasok na kami ng bahay, at nakakamangha ang ang loob noon, hindi ko maipaliwanag ngunit nasisiyahan ako sa aking nakikita.

The King Of SpecterWhere stories live. Discover now