[ Clyde's POV ]
Hi i'm Clyde, 21 years old, fresh grad ng BS Biology sa UPLB. Dapat naghahanap na ako ngayon ng trabaho, pero pinili muna namin magtotoropa na mag stay sa apartment na nirerentahan namin malapit sa university.
Wala lang, para maging malaya muna saglit bago kami pumasok sa mundo ng adulting, pero may goal naman kami, makakuha ng National Certificate para kahit papano eh worth it parin yung allowance na binibigay ng parents namin sa pag stay dito, and actually kaya rin naman kami nila pinayagan eh dahil yun ang paalam namin sa kanila lol.
Clyde R. Guzman full name ko, lima kami mag to tropa, sila Ranz, Mackie, Danwell at Ben. Sa aming lima si Ben lang ang di namin kasama sa apartment, kasi simula first year uwian na siya, naka kotse kasi madalas, kasamang hinahatid mga kapatid niya papuntang school. Pero kahit di namin siya kasamang nakatira sa apartment eh madalas naman siya matulog dito, lalo na pag maraming gawain, may inuman o kaya pag magdodota haha.
Bigyan ko muna kayo ng konting idea kung ano ugali namin, o summary kung sino kami ngayon. Syempre ako muna haha, ako bida eh (rawr) panganay ako sa limang magkakapatid, at nanggaling sa broken family, English teacher si mama at madalas busy, kaya minsan, pumupunta dito sila lolo at lola para alagaan kaming magkakapatid. Mahiyain talaga ako sa una, pero once na na attach na ko sa person, edi fine rambulan na haha joke.
Ang hirap pala ipakilala ng sarili kasi feeling ko pinupuri ko sarili ko lol, pero masasabi ko na mabait naman siguro ako haha kahit na palutang lutang minsan. Aquarius at INFP ( Hi sa mga nag personality test diyan lol).
Mahilig ako sa halaman, to the point na napapagalitan na ko ni mama kase parang gubat na kwarto ko. I also write poems, and may alam ako ng kaunti about perfumes or scents. Yun na lang muna kase napaka pabida ko naman masyado.Mackie. Mahal na mahal ko silang lahat, pero si Mackie yung madalas ko talagang kasama kahit saan, medyo magkaparehas kasi kami ng personality. Musician siya, maganda boses at he knows how to play guitar, ukulele and little bit of every instrument, joke basta maraming alam. He is also a freak, nerd, and a science bitch, also he loves dark humor. Cancer, ISFP.
Ranz. Kung titingnan sa malayo mapagkakaalaman talagang bad boy si Ranz, intimidating kasi siya tumingin. Medyo kuya tingin ko sa kanya, pag kasama ko siya feeling ko protektado ako lagi, may ganong vibe din kasi siya na binibigay samin ni Mackie. Pag hindi namin kaya yung isang bagay o kaya lalampa lampa kami, siya yung kusang tumutulong, at isa pa maganda pananaw niya sa buhay at mature mag isip.
Tsaka siya pinakamagaling samin mag dota hahahaha. Capricorn, INFP.Danwell. Pinaka matalino samin si Danwell, actually president siya ng section namin at laging representative. Funny at napaka extrovert, siya pinaka unang nag adopt sakin nung sobrang mahiyain ko pa. Kasama namin siya sa apartment pero madalas siyang wala kasi laging busy sa school, member din kasi siya ng ibang orgs sa university, bida bida amp. Jk.
Gemini, ENFP.Ben. He's a cool guy haha, may pagka suave ganon, malaki pwet at mahilig sa pwet joke haha (lapitin din ng chix). Masaya kasama si Ben madalas game siya sa trip mo, madalas kami nakakagala sa malayo dahil sa kanya kasi nga nakakotse siya minsan, sa pagkakaalam ko foodie rin siya, at magkasundo sila ni Mackie pagdating sa pagkain, passion niya ang mag bake, at sinasabi ko sa inyo masarap siya gumawa ng donut haha. Capricorn ISTP.
----
( Umaga, sa Apartment )
"Ano plano natin ngayon?" Tanong ni Ranz, habang nagyo-yosi sa may pinto.
"hmmm ewan ko wala, may gusto ba kayong puntahan? " sabi ko habang nagtitimpla ng kape at milo namin, (kay Ranz lang yung milo) medyo boring nga kung mag stay lang kami dito buong araw.
BINABASA MO ANG
Love is a Metaphor (boyxboy)
RomanceMinsan maayos, madalas magulo, minsan tumatakas, madalas hinaharap. Minsan dumadating, madalas hinahanap. Sundan natin ang sakto lang na buhay ni Clyde na mahilig sa C2 na green, kasama ang magugulo niyang tropa. (iibahin ko tong description na to j...