Chapter 9 : Rooftop Part one

30 1 0
                                    

Kalsada papunta kila Ray.

"Bilisan mo Clyde!"

"Oo teka lang naman Ranz, si madaling madali naman eeeeh noooo"  sagot ko kay Ranz habang nag ca catch up sa pace ng lakad niya.

"8am palang ba't ba kasi ang aga natin pumunta"

"Excited na 'ko eh"

"Eh bakit parang nauutal utal ka din? Takot ka sa karayom diba?" panunukso ko kay Ranz

"Gago wag mo na ipa imagine sakin, di-di ko na nga iniisip eh." Pautal utal na pagkakasabi ni Ranz habang bumabagal ang paglalakad niya.

Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na din kami sa shop/bahay ni Ray, pero mukang sarado pa ito.

"Pre prang sarado pa ata, napakaaga mo naman kasi gumising, fieldtrip yan bhie!?"

"Hindi 'yan, tingnan mo"

Lumapit si Ranz sa may pinto at kumatok ng malakas.

*knock! knock!*

"Huy gago ka talaga!" Sabi ko ky Ranz sabay hila mg damit niya palayo sa pinto.

"Napakalakas mo naman kumatok"

"Ay hahaha, sorry naman, mukang wala ngang tao" sabi ni Ranz sabay kamot sa patilya niya.

"Tara balik na ta-"
Biglang tumunog ang doorknob at bumukas ang pinto.

"Uy guys!" Bungad ni Ray habang medyo nasisilaw sa liwanag.

Naka white t-shirt, checkered na boxers at magulong magulo ang buhok ni Ray, pansin ko din na medyo paga muka nito sa pagkakatulog. Paga din yung labi ni Ray, wala man lang crack yung lips niya, hindi mapula, medyo pale pink. Pucha buti pa siya adorable parin kahit bagong gising. Wait bakit ko ba siya dinedescribe pa.

"Hehe, sorry pre natutulog ka pa pala" paumanhin ni Ranz

"Ah oks lang yon, di lang talaga ako nakatulog kagabi eh, kaya eto medyo late na nagising, pasok pasok" pag aaya ni Ray.

"Kumain na ba kayo?" dagdag niya.

"Ah oo, wag mo na kami intindihin haha kumain ka na muna" sagot ko.

"Ah hinde oks lang haha, maya maya na ko siguro kakain, maliit lang naman ipa pa tattoo ni Ranz eh, saglit lang 'yon. Hmmm pero yung sa'yo, kaya ko naman siguro din agad tapusin haha" paliwanag niya.

"Ah pre, saan pala pwede mamili ng design.... ah eto pala haha di ko nakita"

kinuha ni Ranz yung parang dalawang photo album na nasa ibabaw ng lamesa.
Pero kinuha din ito bigla ni Ray sa kamay ni Ranz.

"Ah pre wait lang haha, secret pa kasi 'tong nasa isang album, dito ka na lang muna mamili sa isa." Paliwanag ni Ray ng mabilisan, sabay lagay ng isang album sa taas ng ref niya.

"Ah okay okay." Sagot ni Ranz na medyo nabigla pero pinalipas din agad sa isipan niya yung nangyari.

Makalipas ang ilang minuto ng pamimili ng design ay nakapili na si Ranz ng design. Moon ang napili ni Ranz na design, half of it white, half black.

Love is a Metaphor (boyxboy) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon