I've made my decision. I need clarity.
We both deserve peace of mind.
Kung ano man ang sasabihin ni Rayleigh, i'll try my best to understand.Pero bago ako bumalik sa kanila, i have to be calm, ayoko ma misinterpret mga sasabihan niya dahil lang sa magulo ang pag-iisip ko.
I'm a complicated piece of shit.
I need a nap hahahaha.
-
11 p.m"Clyde, gising, nakita mo ba yung padlock ng apartment? Kanina ko pa di makita, di ko malock pinto natin" panggigising sakin ni Dan.
"Ay oo, shit sorry nalagay ko pala sa bulsa ko nung pumasok ako kanina." Sabi ko kay Dan sabay talukbong uli ng kumot pagka
bigay ko ng padlock."Aga mo ata nakatulog?" Tanong ni Dan.
"Ah oo iidlip lang sana ako kasi pupunta ako kila Ray...."
"HAAAAA??? Tangina!"
Tumayo agad ako sa pagkakahiga, at dumiretso sa banyo para maligo saglit. Tangina boi, idlip lang diba, puta sana di pa tulog yun. Shit naman.
Pagka tama ng malamig na tubig sa balat ko, ay bigla akong kumalma, mabilis akong kumikilos pero hinayaan kong pakawalan ang mga nasa isip ko. Kung tulog na siya, wala ako magagawa, my fault.
Nagpaalam ako kay Dan at binilin na wag muna mag lock ng pinto dahil baka maya maya pa ako umuwi.
-
Tattoo shop.Bukas pa ang ilaw sa loob, pero yung lamp lang niya for tattoo yung nakabukas.
Sinubukan kong kumatok, at tinawag na rin si Ray.
"Ray? Raaaaay?? Hellooo?" Hindi ako makasigaw dahil baka mapagalitan ako ng katabing bahay.
Matapos ang ilang pagkatok at pagtawag, ay narinig kong may bumaba ng hagdan at nagmamadali.
Gising pa siya.
"Clyde, hi, ahm akala ko hindi ka na dadating."
"Sorry, late na ako nakarating." Pag hingi ko mg pasensya sa kanya.
"Oks lang, i'm happy you made it"
Okay. So bakit ka naka polo? Di mo sinabi na dapat mag damit ng maayos, sweater at shorts lang sinuot ko grrr.
"Aalis ba tayo? Bakit parang naka pang alis ka?" Tanong ko kay Ray.
"Oo, tara magmomotor tayo"
"Ha wait, magpapalit lang ako, baka kung saang public area mo ko dalhin, muka akong matutulog!"
"Joke lang! Hahahaha dito lang tayo sa bahay, tara!" Sambit ni Ray sabay tawa.
"Gago ka kamo."
Kumuha ng C2 na green si Ray at binigay sakin.
"Oh Clyde, paborito mo!"
"Thanks." Sabi ko kay Ray sabay upo sa sofa.
"Clyde..."
"Oi?"
"Stand up, sa rooftop tayo." Sabi niya sakin sabay bigay ng half smile.
He looks so great. Napaisip tuloy ako bakit ako na involve sa taong 'to. He's almost out of my league, pero he's giving me his time and attention. Also he's giving me frustration, hahaha hays.
Sa wakas makikita ko na itsura ng rooftop niya. Tagal ko din na naging curious, sobrang fan kasi ako ng rooftops, nagiiba yung point of view mo sa paligid.
"Mauna na kong umakyat, sunod ka lang, ingat ka kasi medyo masikip yung hagdanan."
"Okay, okay kaya ko na"

BINABASA MO ANG
Love is a Metaphor (boyxboy)
RomanceMinsan maayos, madalas magulo, minsan tumatakas, madalas hinaharap. Minsan dumadating, madalas hinahanap. Sundan natin ang sakto lang na buhay ni Clyde na mahilig sa C2 na green, kasama ang magugulo niyang tropa. (iibahin ko tong description na to j...