Neon-tech.
"ah oi Ray haha, ma- may sinilip lang ako saglit, pasok na din ako haha" pautal utal kong palusot sa kanya.
"haha tara!" sagot ni Ray while he's holding the door for me.
Okay fuck. Clyde walang meaning yon, wag mo na din bigyan.
"Do-dota ka ba? Asan si Mac? "
Tanong niya.
"ah nasa ihawan siya pre, kasama tropa, tsaka di ako maglalaro, papa print ako ng sandamakmak na file"
Sagot ko habang hinahanap ang flash drive ni Dan."ah okay okay, ano pala file name? "
Tanong ni Ray habang sinasalpak yung flash drive sa PC."yung ano "LastnatalagaTo.dox"
sagot ko sa kaniya, nakita ko siyang nag smirk after marinig yung file name.At boi, napaka cute talaga, sa pagkalaalam ko dapat astig tingnan ang mga smirk, pero bat parang ang adorable nung kaniya.
Nakatuon ang mgabkamay niya sa keyboard habang nakatayo, at napakaganda tingnan ng tattoo niya sa braso dahil sa puti niya, habang kitang kita naman sa kanang kamay yung veins nito. Naka pony tail din siya ngayon at may bangs na nakalaylay sa gilid ng muka niya.
Grabe sobrang enchanting niya tingnan, nakakalutang siya pag masdan."Clyde, boi... Clyde!" mahinang tawag sakin ni Ray. Nag snap ako sa pagkakalutang ko.
"ay, haha, pre sorry, baket, ano yon, sorry ulit " paumanhin kong sinabi.
"haha lutang ka ata ah, sabi ko kung ilang copy? "
"ah isa lang Ray, sorry ulit may iniisip lang" sagot ko sa kaniya habang nakatungo dahil feeling ko muka akong ewan.
"haha oks lang, cute mo nga mataranta eh pero may pag ka weird? " nakangiti niyang sinabi, habang inaayos yung bond paper sa printer.
"ano? Anong sabi mo??" tanong ko sa kanya dahil gusto ko lang i clarify kung tama ba pagkaka rinig ko, cute? weird? Matutuwa ba ako na maooffend? Gagu amp.
"ah, wala wala haha" patawa niyang sagot.
Magsisimula ng tumunog yung printer, pero biglang namatay ang mga ilaw pati lahat ng PC. Naghiyawan din at nag mumura na yung mga customer.
"fuck, brown out" mahinang sabi ko habang kinakapa kung nasaan phone ko.
"tangina, wala pa man din kaming generator, buti na lang konti lang customer at puro naglalaro lang lahat" pag aalalang sabi ni Ray.
"shit pano yan, mahal pa naman magpaprint sa may bayan" sabi ko.
Isa isang nag alisan lahat ng customer na nakabukas ang flashlight sa phone. Habang si Ray naman ay tila may tinatawagan.
Hindi ko parin makita yung phone ko, at sobrang dilim na, wala na ako halos makita, fuck, parang naiwan ko ata yung phone ko sa apartment.Habang medyo natataranta ako sa pagkapa ng ng phone ko eh may biglang humawak sakin.
"AAAAAHH! PUTA! " Sigaw ko sa pagkakagulat.
"oi, easy Clyde, ako lang to haha sorry" sambit ni Ray habang tinatapat sakin ang mahinang ilaw ng screen ng phone niya na de keypad.
"Sorry haha puta pre, wala banaman ako makita sobrang dilim, wala ka bang flashlight?" tanong ko sa kanya
"walang flashlight 'tong phone ko sorry, di ko na kasi dinadala smart phone ko pag napunta ako dito dahil sa dami ng customer, nawalan na kasi ako dati dito ng phone" paliwanag ni Ray.
"nga pala tumawag ako kay Kuya Jo, matagal daw mag ayos ng kuryente dito sa building, isara na lang daw muna 'tong shop" dagdag niya.
"hays, hassle mukang sa bayan pa ko mag piprint, argh, pero para kay Dan"
pagmamaktol ko sa sarili, pero mahina lang ang pagkakasabi ko.

BINABASA MO ANG
Love is a Metaphor (boyxboy)
RomanceMinsan maayos, madalas magulo, minsan tumatakas, madalas hinaharap. Minsan dumadating, madalas hinahanap. Sundan natin ang sakto lang na buhay ni Clyde na mahilig sa C2 na green, kasama ang magugulo niyang tropa. (iibahin ko tong description na to j...