Chapter Two - New Watcher

46 3 0
                                    

Korean Cafe

"Mac, ano sa'yo? Cheese noodles sakin tsaka strawberry cooler. " tanong ko kay Mac.
"Bulgogi sakin, tsaka cucumber melon" sagot niya.

"Yan eh no, pipti pizoz yung noodles tapos yung drinks sibentipayb" nakakatawang pagkakasabi ni Dan.

"Hahaha gaguuu, alam mo naman kami, sa'yo ba boi ano? Damihan mo na habang libre tayo ni Mac haha" sabi ko kay Dan.

"Onga teka, pre gusto ko yung medyo bilao size meron ba" sabay tingin kay Mac at kindat.

"gaguka, sige sabay sabay tayong manginain ng damo bukas" inis na pagkakasabi ni Mac.

"Uy may nahanap nga pala ako na pwede natin pag trainingan, libre lang galing Tesda, kaso about sa pagiging Barista" sabi ni Dan habang nag tatype sa laptop niya.

"oh? Pwede na yan boi, tsaka gusto ko rin matuto maging barista sa totoo lang"
Sagot ko.

"ako den haha, di banaman natanggap sa Starbucks nung sembreak, si Lawrence banaman napaka kutata, napagkamalan tuloy kami nung bantay na nagkokopyahan haha" dagdag ni Mac.

"next month pa naman, kaya may oras pa tayo makapag decide, sabihan niyo na lang yung dalawa, nasan nga ba yung mga yon? " tanong ni Dan.

"Dumayo ng basketball" sagot ni Mac.

Patapos na kami kumain, ng biglang mag text si Kuya Jo, kung di niyo siya naaalala eh bahala na kayo, ako eh napapagod na. Jk.

Siya yung bantay doon sa neon-tech, mabait si Kuya Jo, sakto lang height mga 5'8, clean cut yung buhok, maputi, lubog mga mata at maganda katawan pero yung parang pang boxer type lang, nag gi-gym kasi siya minsan, and katapat lang ng neon-tech yung gym. Pero isa sa pinaka nagpapa ganda ng features niya eh everytime na tumatawa siya o ngumingiti, di na makita yung mata niya, di siya chinito, sadyang maamo lang siya tingnan, kahit na parang isang sapok lang sa'yo eh para kang tatlong oras nagdota ng tulog.

Uunahan ko na kayo, tutal marunong pa kayo sa aken. Di ko siya gusto o crush, gusto ko lang siya i flex kasi mabait talaga si Kuya Jo, binibigyan kami extra time at discount pag nagpapaprint kami mag totropa.

"Mac nagpapatulong si Kuya Jo sa shop, kung free ba daw tayo" sabi ko kay Mac.

"sige lang pre, kesa mangasim tayo sa kwarto buong araw " sagot ni Mac. "Ikaw Dan sama ka? "

"Hehe, may raket ako boi, gagawa ako project nung taga sa amin, pera din 'yon" sagot ni Dan.

"ay punyeta ka, wag ka ng umuwi mamaya, joke. Oks lang boi, ingat sa biyahe" biro ko kay Dan.

Share ko lang, si Danwell eh hindi na nasusuportahan ng magulang niya, kaya sariling sikap siya ng allowance.
Di na din namin siya pinagbabayad sa rent at ibang bills, madalas din, bumibili si Ranz ng pang dalawahang ulam para sa kanila, kasi tinitipid talaga ni Dan sarili niya. Tulungan kami sa bawat isa, basta kaya.

Neon-tech

"Kuya Jo, bakit? " tanong ko pagpasok sa shop.

"papabantay ko muna sana sa inyo 'tong shop, kailangan kasi ako sa bahay, may emergency" sabi ni Kuya Jo.

"ah oks lang naman, wala kami gagawin ni Clyde" sagot ni Mac.

"Baka nag mamadali ka Kuya, kaya nanamin 'to" sabi ko naman.

"basta mogu-mogu namin kuya ah, Lychee saken" sigaw ni Mac habang paalis si Kuya Jo na nginitian lang kami.

At muntik na ko maihi kase puta ang cute niya talaga boi, pramis wala talaga ko gusto doon, natural na reaction na lang ng katawan haha.

Love is a Metaphor (boyxboy) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon