Chapter Three - Prints and Panic

43 2 0
                                    

Apartment

Ang saya talaga pag walang alarm na gigising sa'yo. Noong napasok pa ako ginagawa ko pang ringtone yung mga gusto kong kanta para ganahan ako gumising,  pero dumating lang din sa point na naiinis na ko sa mga kantang 'yon, na sa tuwing maririnig ko yun na pinapatugtog kung saan eh sumasakit na agad ulo ko.

Nakahiga parin ako, tulog pa rin si Mac at Ranz, at mukang nasa baba na si Dan. Up and Down kasi 'tong apartment, kwarto lang dito sa taas.

Sa may bintana ako naka pwesto, pinilit ko talaga sila, kase kailangan ng sunlight ng mga halaman ko. Si Mac at si Dan sa oppisite side, double deck, at si Ranz naman sa may bandang paanan sa may pinto, ayaw niya kasi ng nakatapat ang electric fan sa kanya.

Nakinig muna ko ng kanta kasi ayaw ko pa bumangon, Enchanted by Taylor Swift pinili ko sa Spotify.

Natulala ako bigla, at pag dating sa lyrics na "This night is sparkling... "
bigla ko hinugot yung earphones ko at kumuha ng sandali para huminga ng malalim. Bigla kasing lumabas sa imagination ko yung image ni Ray na nakangiti at umiinom ng green tea kagabi.

Okay, Fuck. No. Not now and definitely not him!

Medyo nag panic ako ng konti at namawis ang mga kamay ko. Hindi kasi talaga pwede, ayoko na sa one sided love, ayoko na maging hopeless romantic at pagod na 'ko magsulat ng tula para sa taong di alam na para sa kaniya yon. I don't want to love secretly anymore. Ekis na sa mga straight. After ng kay Kev, sinabi ko talaga sa sarili ko na this time, "i'll choose people who will choose me. "

But deep inside, may pinanghahawakan akong " believe in infinite possibilities" na hindi laging na ge generalize ang isang bagay, kumbaga who knows what the future holds.

Mabilis naman ako naka recover dahil nag meditate ako ng ilang minutes. Para lalo akong kumalma nagdilig na lang muna ako ng halaman, hanggang sa magising na rin sila Mac at Renz sa ingay ko.

"bango niyan pre ah!  Aga mo nagising"  bati ko kay Dan na nag sasangag ng kanin, at nag peprepare na din ng breakfast.

"haha syempre boi, ako to eh, bawal di masarap pag kayo kakain" sabay ngiti at nag lagay ng mga plato sa table.

Ngayon lang uli kami kakain ng maayos na breakfast sa umaga, madalas kasi si Danwell lang gumagawa non, kaso naging busy talaga siya kaya pinagtitimpla ko na lang sila ng kape, tapos bibili na lang kami tinapay sa Julie's.

"woooiii! yooon! Putek makakatikim uli ng luto ni Dan" sigaw ni Ranz
"sayang boi wala si Ben" dagdag ni Mac habang nakaupo sa hagdan at nagtatanggal ng muta.

"anong wala, ulol, naamoy ko yung ginigisang bawang ni Dan hanggang samin kaya pumunta agad ako"
biro ni Ben na galing CR at nagsasara ng zipper.

"tikol pa boi haha" biro ni Ranz.

"gagu haha, 'de hinatid ko mga kapatid ko diyan sa school, magba basketball daw sila" sabi ni Ben at pumwesto na din sa table.

Nakakatuwang makita na kumpleto kaming nag be breakfast, minsan lang kasi mangyari to, at iba yung feeling pag umaga, parang may sense of new hope lagi para sa amin, na once again, pwede uli kami mag try to be a better version of ourselves.

Maya maya lang ay may kumatok sa pinto namin.

"ClydeeEEEE!, MaaaAAAAC?!,  RAAAANZ?! gising na pahiram ako payong!! " matining na sigaw ng kung sinong kunsomisyon na kumakatok sa pinto namin, pero boses palang kilala na namin kung sino 'yon.

"Teka lang miss! " pabirong sabi ni Ranz habang pinagbubuksan ng pinto si Claire.

Kaklase din namin si Claire isa sa pinaka ka close naming babae sa lahat ng kaklase namin. Maliit, short hair, at cute naman (kahit papano, joke labyu). Sobrang appreciated namin si Claire kase di niya kami pinabayaan sa school works hanggang sa grumaduate kami, parang mini reminder namin siya sa tuwing may kailangan gawin.

Love is a Metaphor (boyxboy) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon