Coffee Farm
Nandito na kami ngayon kung saan kami mag te training, Coffee Farm ang setting, at may coffee shop din sa loob, nasa may gate palang kami dahil wala pang nag gu guide sa'min kung saan kami pupunta, nandito rin ang mga kasama namin na hindi namin mga kilala.
Maya maya lang ay may lumabas na babae sa coffee shop, siya ata ang magiging instructor namin.
"Goodmorning everyone! Welcome sa Solace Coffee Farm, i'm Marjorie Poblete, Farm secretary, nice meeting you all, congratulations na agad agad, and i hope you guys enjoy your time sa ilang linggo niyong training. Let's go inside sa shop, to start our first lesson. " pagbati niya sa amin.
Muka naman siyang mabait kahit na ang gara niya magsalita, para kasing ofw, pero three days lang naman sa america ganon.
Alam niyo yung mga datingan na puting puti ang kutis pero nakapolbo parin, tapos bleached ang buhok pero isang beses lang na bleach kaya medyo orange yung kulay, then red din lipstick. Medyo ganon look ni Ms. Marjorie tapos may hawak na pamaypay.
Pumasok na kami sa loob, at bumungad sa amin ang amoy ng brewed coffee, sobrang bango at nakakagising talaga, woody ang ambiance ng shop, parang cabin or modern na kubo. Para kang nasa vacation house ng mayaman mong lola, you will definitely feel like you're home. Pagkadating namin sa counter ay laking gulat namin magtotropa sa nakita namin, si Kevin, naka apron at inaayos ang mga materials na mukang gagamitin namin sa training.
"So guys, this is Mr. Kevin Villamor, he's going to be your instructor sa buong period ng training ninyo"
Kung di niyo maalala si Kevin yung first love ko nung college, umamin na ko and we're doing good naman as friends. Naka move on na din ako.
"Goodmorning guys, ready na ba kayo maging barista? " bati ni Kevin sa lahat, pero ngumiti siya sa direction namin magtotropa para i acknowledge na nandito ang mga kakilala niya.
Grabe, seryoso ba? Ang galing naman ni Kevin at instructor na agad sa mga ganitong training, nakakaproud! Sa sobrang dami ng pinasukan niyang work habang nag aaral pa kami, di na ako magtataka na ma a achieve niya ang mga ganitong bagay.
After ng introduction, ay sinimulan na ni Kevin ang lesson, discussion lang muna ngayong umaga at mamayang hapon naman ay may demo ng pag be brew ng kape. After demo, ay tour naman sa farm.
After discussion, ay nilapitan kami ni Kevin para makipagkwentuhan saglit.
"pre lakas mo talaga, instructor ka pala dito? " bati ni Ranz sabay fist bump kay Kevin.
"Oo pre, waiter lang ako dito nung nag pa part time ako dati, pero ginawa na nila akong barista after two months. " paliwanag ni Kevin habang isa isa kaming binigyan ng fist bump.
"Hi are you guys friends with Kevin? "
Biglang singit ni Marjorie na ngiting ngiti sa pag uusisa sa amin."ay oo nga pala mga pre, girlfriend ko, si Marjorie, secretary din ng Farm. Marjorie mga kaibigan ko nga pala, at kaklase, si Ranz, Ben, Danwell, Mac at Clyde". Pagpapakilala ni Kevin.
Binati namin magtotropa si Marjorie, at pansin ko na nginitian niya lahat maliban sa'kin.
"aaah ikaw pala yung Clyde? I see, sure ka bang di mo na mahal boyfriend ko?" biglang tanong ni Marjorie sabay tingin sa'kin mula ulo hanggang paa.
"ha? aaaah-" di ko alam sasabihin ko, nagulat ako dahil alam niya na nagkagusto ako kay Kevin, di naman malabo na maikwento yun ni Kevin pero nakakagulat lang din. Nakita ko din na hinawakan ni Kevin sa braso si Marjorie at napakamot ito sa ulo.
"Hahahahhahaa, huy ano ka ba joke lang yon, masyado ka namang kinabahan, na intimidate ka ba? "
halata ko na may halong sarcasm ang mga salitang lumalabas sa mabahong bibig ni Marjorie.
BINABASA MO ANG
Love is a Metaphor (boyxboy)
RomanceMinsan maayos, madalas magulo, minsan tumatakas, madalas hinaharap. Minsan dumadating, madalas hinahanap. Sundan natin ang sakto lang na buhay ni Clyde na mahilig sa C2 na green, kasama ang magugulo niyang tropa. (iibahin ko tong description na to j...